Chapter 17: Destiny

14 1 0
                                    

----->>>>>

GAB POV

"Pre san ba tayo pupunta?! Patay ako nito kay Michelle eh!" Reklamo ni TJ, nasa likod siya katabi ni Kevin sa tabi ko naman si Mark, I am the driver gamit din ang sasakyan ko. We are on way to SJU na sinadya kong ilihim, gustung-gusto nilang pumunta sa school na yun pero wala namang dahilan, ngayon meron na.

"Ano ka ba TJ! Ngayon na nga lang nag-aya tong si Gabby, himala na to Pre." Grabe tong Kevin na to' Ako kaya halos ang may sagot ng iniinom nila pag nagbabar kami. Himala daw! Di pa siya nakuntento, nakipag high 5 pa!


"No worries TJ, I swear hindi ito malalaman ng girlfriend mo." Assurance kong sabi. Nilingon ko pa siya sa side mirror, pero balisa parin ang hitsura niya. Yan ba ang feeling ng may black belter na girlfriend?! Hindi naman siguro black belter si Katniss, she looks vulnerable eh if ever lang naman hahahaha


"San ba talaga ang punta natin Pre?! Hindi na kasi to papunta sa school." Nilingon at nginitian ko lang si Mark, then nagfocus na ako sa pagdridrive ko, malapit na kaming makarating.

Gusto ko lang naman makita si Katniss, lastweek kasi wala siya sa gig nila naisama ko pa man din ang mga mokong na to', to formally introduce them sana at makilala narin sana nila kaso wala naman siya.

Flashback

Saturday night, 10:30 pm

Nilapitan ko ang bandmates niyang katatapos magperform.

"Ah, Excuse guys, May I ask something?!" Lakas loob kong tanong, mukha kasi silang addict para sakin. Paano kaya nakilala ni Katniss ang mga to?! Siguro tinakot siya o di kaya blinackmail! Di sila mapagkakatiwalaan eh!

Humarap sila saking lahat, tiningnan pababa, pataas. Problema nila?! Yayabang ah! Saka nagsalita yung lalaking may hawak na drumsticks.

"What is it Dude?! ... and just reminder Dude! We don't accept signing" What?! Signing!? Mukha ba akong fan sakanila.

I chuckled. "Hindi niyo ako fan ah! Gusto ko lang malaman kung bakit wala si Katniss." Pormal kong sabi.

"Ah ikaw yung nakausap niya noon sa parking lot." Si Mr. Drummer parin. Tumango lang ako. Buti naman naalala pa niya ako.

"As you see, wala siya dito." Singit nung may hawak na electric guitar.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon