----->>>>KATNISS POV
Ang sarap asarin ang masungit na yun, sumasaya ang araw ko. Haha! Di bale na minsan lang naman magkrus landas namin.
Nag-explain ako sa mga new friends ko named: Heidi Ancheta, Nina Corro and Gail Somera, they were my pep squad team naging close ko sila since I joined the team and my bestfriend hindi ko na siya nakikita, hindi rin siya nagtetext o tumatawag, nu kaya nangyari dun? Ang mga tatlong to tuloy ang kasa-kasama ko, anyways! yun nga nagkwento ako lahat lahat ng nangyari.
"omg! you're so lucky Katniss to be his girlfriend" Kilig na sabi ni Nina. Nakinig ba siya?
"tange! Hindi ka talaga nakakaintindi no?! Lahat nung nangyari ay coincidence lang Nina, akala ni Katniss yung kilala niyang Johanne ay si Johanne in the train kaya nagpanggap siyang girlfriend, pero two persona pala ang mga yun, Johanne in the train is really the Jack Gabrielle and Johanne na kilala natin is the true owner of the ID, KUHA MO?!" That was a good summary of Heidi. Napanganga lang si Nina, hindi na makasagot, nagproprocess palang ata sa isip niya ang mga sinabi ni Heidi, ang slow talaga nito.
Sumunod naman na nagsalita si Gail. "At dahil likas na maganda ang ating Katniss, hindi naresist ni Johanne ang karisma niya, he didn't cleared what was right in his classmates kaya naman ang alam nila ay sila talaga at ang Katniss naman na ito ay nag-eenjoy sa mga nangyayari." Sabay baling sakin.
I pouted. "Guys, it benefited me a lot kasi, look, I dispatched the two boys na makukulit kanina and so on sa mga susunod pa dahil I'm sure kakalat yun, wala ng mangungulit sakin, wala ng mangsusurprise sa daan, wala ng maglalagay ng letters sa locker ko at wala ng mag-i-stalk sakin! ang creepy kaya nun."
"Baka nakakalimutan mong super sungit at super cold ng so called kunwaring boyfriend mo" Sabi pa ni Heidi.
"No worries guys, magkaibang university naman kami diba?! hindi niya ako masusungitan, wala siyang magagawa pwera nalang kung sabihin kong break na kami or what!" Brilliant idea of mine.
"may balak ka naman ba?!" Sabay-sabay nilang sabi.
Napaisip ako. "Well, depende sa galaw ng mga dahon".
"hah!?" In chorus. Hah?! Anong hah?! Ano ba yung sinabi ko at sobrang nakakagulat?!
BINABASA MO ANG
The Art of Falling
HumorHindi lahat ng GWAPO AT MAGANDA ay masaya sa pag-ibig. Minsan nasasaktan din kami. Uulitin ko NASASAKTAN DIN KAMI.