*Know more about you*

23 4 2
                                    

Updateeee...

********************

Pagkarating namin ng bahay, nanunuod sa sala sina mommy at daddy.

"We're home!" sigaw ni kuya kaya napatingin sila sa amin.

"Andyan na pala kayo, so how was it?"tanong ni mommy. Tumingin ako kay kuya kase hindi ko alam ang isasagot ko.

"Well, it went good. And Jazen was right, John was truly a nice guy." sabi ni kuya pagka-upo namin malapit kayna mommy.

"Good. Now, payag na kaming lahat na magkasabay kayong papasok sa academy." sabi ni daddy.

"Yey! Thanks dad! And mom, and kuya haha!" umakyat na ako sa kwarto ko. Medyo late na rin eh. May pupuntahan pa naman bukas.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Pagkagising ko, tinignan ko agad kung anong oras na. 6:15 pa lang pala. Hindi na rin naman ako inaantok kaya naghilamos na ako at bumaba. Gising na silang lahat pero gulo-gulo pa ang buhok ni kuya. Halatang kagigising lang din niya.

"Morning *yawn*" bati sa akin ni kuya.

"Morning din." bati ko naman at pumunta sa kusina. Si mommy at daddy ayun, nasa sala nagkakape na naman siguro.

Nagtingin ako kung may cereals pa kami pero wala, naubos na ata.

"Jazen may cereals pa ba?" tanong sa akin ni kuya.

"Wala na inubos mo na eh" paboro kong sabi ko sa kanya. Pareho kasi kaming adik sa cereals.

"Oy! Hindi kaya!"

"Fool yourself kuya! Bibili na lang ako nakakahiya naman kasi sayo." pang-aasar ko sa kanya.

"Aba dapat lang! Mas matanda ako sayo eh." pagsakay niya sa trip ko.

"Psh" kumuha ako ng pera sa ibabaw ng ref at dumiretso sa taas para makapagpalit ng jogging pants, nakapantulog pa ako eh.

"Bibili lang po ako ng cereals. May matakaw kasi dyan na inubos eh haha!" parinig ko kay kuya.

"Oy!---"

"Bye" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng aking mahal na kuya at lumabas na ako.

Naglalakad lang ako papunta sa isang convenient store nang may makasalubong akong naglalakad na babae na nakalingon sa likod. As expected, pagharap niya, wala na, nagkabungguan na kami. I hate careless people! Lumalabas ang pagkamataray ko eh.

"Ate tumingin ka naman sa dinadaanan mo." sinabi ko sa kanya ng hindi nakatingin at nagdire-diretso na sa paglalakad. Agang-aga pinapalabas ang pagkamaldita sa katawan ko tsk. Hindi ko na naman narinig kung may sinabi pa siya psh, as if I care.

Nang makarating ako sa bibilhan ko, napatingin ako sa orasan to find na 6:30 na pala. Hinanap ko na ang dapat kong hanapin para makabalik nang maaga. Baka sabihin pa ni kuya na natabunan na ako ng cereals.

Nakita ko naman ang hinahanap ko kaya kumuha ako ng 6 boxes. Wahaha I told you adik kami eh. Iniwan ko muna yung mga cereals sa counter at naghanap ng chocolate. Matagal-tagal rin ako bago makapili between havana ba or dairy milk. But in the end, pareho ko na lang binili. Pareho naman kaseng irresistible eh. Habang papunta ako ng counter, may napansin akong isang guy na namimili rin then I figured out na si John pala yun.

A Matter of ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon