Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

(14) *I did not change*

15 1 0
                                        

Heto ako ngayon, inaabangan si Samantha pumasok sa loob ng room. I need to make it up to her, kahit wala naman talagang masama sa ginawa, I know nagpaka-insensitive ko.


Nakita ko na siyang papasok sa loob syempre, beautiful as always tong best friend ko. Lumabas ako ng room at sinabayan siya sa pagpasok. Parang shunga lang.


"Hi Samantha! Naaalala mo pa ba si Mavis? Ang ganda niya no? Nag-start na nga pala siyang pumasok ngayon. Mehehe I have a sister na." pagsisimula ko. I know, mali ang sinasabi ko pero ganto talaga ang magkakaibigan, walang matino at seryosong usapan!


"Hindi halatang magkapatid kayo, mas maganda kase siya kesa sayo." tamo to! Dumadali na naman ang kasupladahan! Mehehe kasalanan ko naman.😝😝


"Whatever basta sister ko siya, at bilang best friend, suportahan mo na lang ako!" pramis, last na to. Magsosorry na ako!😌


"Bahala ka sa buhay mo." sabi niya at umalis na. Eto namang si ako, hinabol siya at inakbayan.


"Ayieee selos siya! Diba? diba?" pangungulit ko.


"What are you talking about? At tsaka pwede ba, wag ka ngang umakbay! Ang init kaya!"


"Anong mainit? Eh aircon tong room? Anyway o" inabot ko yung ginawa kong paborito niyang ham sandwich. "I consider Mavis as my sister outside Fajardo's family but I don't consider you as one. 'Cause I consider you as my biological sister." umirap siya at kinuha yung sandwich.


"Drama mo. Salamat." she is keeping herself from smiling.


"Ayieee. Kinikilig na yun!" pangungulit ko sa kanya.


"Pinagsasabi mo diyan?"


"Bakit ka nakangiti? Admit it na kase! Kinilig ka nung sinabi kong tunay na kapatid ang turing ko sayo!"


"Dahil nitong sandwich! And fyi miss Jazen hindi ako kinilig. Ngayon ko lang narealize, ang sweet mo pala?"


Nawala ang pagkahyper ko. Sweet? Ugh. "Hoy miss Gardoce! Hindi ako sweet! Nagbigay lang ng sandwich sweet na agad? Hindi ba pwedeng--"


"Nope. Come to think of it, you spent some of your time just to make me my favorite sandwich nung nasense mong may mali. Ikaw naman kase! Napaka-insensitive mo! Makiramdam ka rin naman kahit minsan!"


"And who told you na ako ang gumawa niyan?" nagpuyat pa nga ako diyan eh, hindi ko lasi makuha yung gusto niyang blend nung bread at nung ham.😩😩


"I just know. I know you bestfriend." she winked at me.


A Matter of ChoiceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon