"Samantha saglit lang ah? Una ka na lang sa room. Sorry" paalam ko sa kanya.
"Sure" sagot naman niya at umalis na.
"Tara" nilingon ko silang dalwa at nauna ng maglakad. Aish. Kung minamalas ka nga naman! I am accompanying Kristoff unfortunately with Natalie para sa forms ng pagtratransfer ng section. Bakit kase ako pa? Or bakit kase sila pa?!
Nakarating kami sa office kung saan inaasikaso ang mga forms regarding the transferring of sections. Dirediretso lang naman ako sa table ko kuno dahil secretary ako dito, oo pwedeng maging ganun ang mga estudyante dito as long as you have good records.
I was searching for the form na finifill-upan nang mapansin kong tumingin si Kristoff sa wrist watch niya. I look at mine at nakita kong time na.
"Ah, sino bang lilipat ng section? Ikaw o si...?" I pretended that I don't know Natalie. I don't know why, yun na lang lumabas sa bibig ko. I looked at Natalie while waiting for her to say her name.
"Natalie. Natalie Cabrera."
"Right. Natalie. So sinong lilipat? Ikaw o si Natalie?" baling ko kay Kristoff.
"Siya." matipid niyang sagot.
"Okay lang naman na siya na lang and besides, you wouldn't want to be late do you?"
They looked at each other. I just don't understand kung bakit boyfriend pa dapat ang kasama sa pag-aasikaso ng forms. It doesn't make any sense.
Kristoff decided to leave at inihatid naman siya ni Natalie hanggang pinto habang ako, patuloy sa paghahanap ng form na yun. Tsk bat kase hindi agad magpakita? Buti na lang hindi yung terror teacher ang teacher namin ngayon.
Umupo sa harap ko si Natalie. At last! I finally found it!
"Pakifill-upan na lang naman. Here is the ballpen" sumunod naman siya. We need to finish this as soon as possible ayokong nakakamiss ng kahit 5 minutes sa mga klase ko.
She handed me the filled-up form at in-encode ko na naman yun sa computer.
"So sa section ka pala namin malilipat. Same case as Samantha's."
"Alam ko. Mga patanga-tanga lang kasi yung mga nag-aasikaso kung saang section ba dapat ang isang estudyante." she nonchalantly said. Nabigla ako sa sinabi niya. Kahit yung ibang nakakarinig, napatingin sa kanya. Seriously?! Is the word 'patanga-tanga' even appropriate to use at this moment given that may kasama pa kaming ibang staffs ng academy?
"I'm sorry, pero being stupid is far away from making mistakes. Kaya I don't think that it is appropriate to use that word." sabi ko sakanya ng hindi tumitingin. Inaantay ko na lanh maiprint yung na-encode at pwede na pareho kaming bumalik sa room.
"Matagal pa ba? Nakaka-inip na kase." reklamo niya. Edi umalis ka na! Para namang gusto kitang nandito!
"Ah, saglit lang to, last page na yung piniprint." pag-eexplain ko. Nakakainit ng bungo tong babae na to. Napakareklamador!
Tumingin siya sa akin tapos sa printer. "Ang bagal naman." napa-irap na lang ako at hindi na sumagot. Baka kung ano pang masabi ko dito sa babaeng reklamador na to.
BINABASA MO ANG
A Matter of Choice
TeenfikceStruggles. Adversities. Problems. Difficulties. Agony. Obstacles. Evereybody is facing hardships in their lives. Everybody has a choice and that choice is either you'll hold on and continue to suffer until you are used to it or let go because you th...
