*Prefect*

22 2 0
                                    

Update :D


************************


Unang araw nang pagpasok ko ngayon ng may kasabay ako sa kotse ko. Hindi naman ako maaga at hindi rin naman ako tanghali, kumbaga ayos lang yung time nang pagpunta ko ng school. Bago ako umalis ng bahay, tinext ko muna si John na papunta na ako at lalabas na raw siya. Isn't it ironic? I am the one to fetch him and drop him by his house but I'm the girl between us. I laughed at this thought, ako rin naman ang pumayag dito, kaya I have to face the consequences.


Nagdrive na ako papunta sa block nila at pagkarating ko roon ay nandun na nga siya. Naghihintay na sa labas.


Pinatakbo ko na ang kotse ko nang makasakay siya at nagpatugtog ulit.


"Oshbdowjxpakanslapp?" sabi ni John pero hindi ko narinig kaya binabaan ko yung volume.


"Pardon?"


"I said, I forgot to get the books we bought last Saturday. Mamaya ko na lang kukunin." ah, yun pala ang sinabi niya. But wait, the books?


Tumingin ako sa loob ng kotse ko to search for the books we bought but then I realized that I wasn't able to bring them with me.


Tsk. Lampas na kami sa compound namin ng maaalala kong naiwan ko pala yung books. Aish! First period pa naman namin ang Research! Iniliko ko ang kotse ko at saka medyo pinabilis ang takbo nito. John seemed to be confused.


"Sorry, I forgot to bring the books with me." paliwanag ko.


"It's okay." sabi naman niya at itinigil ko ang kotse ko sa harap ng bahay namin.


"One second." sabi ko at dali-daling lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.


Pagkarating ko ay naabutan ko si kuya na nanunuod ng tv samantalang sina mommy at daddy naman ay hindi ko makita.


"Kuya, help me carry these books." paki-usap ko kay kuya habang pababa ng hagdan. Mabigat nga pala yun kase 6 ang binili namin.


Tumingin sa akin si kuya tapos sa books na hirap na hirap kong dalhin at tsaka tumayo.


"Thanks. Just go outside please. Malalate na kase kami eh. Nakalimutan ko lang dalhin tong mga to." sabi ko at dali-dali ulit lumabas ng bahay at pumunta sa kotse.


Binuksan ni kuya ang pinto sa likod at inilagay ko naman ang mga hawak kong libro pati na rin si kuya.

A Matter of ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon