*Take Care*

16 2 0
                                    

Palakas ng palakas ng palakas. Multo ba to? Kung oo, first time kong makakakita at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko at kung hindi naman, eh tatakbo ako dahil sa sobrang kaba. Yes, mas takot ako sa totoong tao kesa sa multo.

Why? Pag multo, magpapakita lang naman yan at tatakutin ka. Yep., there's a possibility na sapian ka niya pero I believe that it won't happen to me because I have a strong faith in God. Eh pag totoong tao yan, kahit anong karahasan, kabayolentehang bagay, pwedeng pwede niyang gawin sa akin. Kaya mas prefer ko ang multo. But I best prefer none of the two.

Naka-upo lang ako sa sulok habang yakap yakap ko yung tuhod ko. Nang biglang umulan. Seriously?! June pa lang pero naulan na agad? Malakas na ulan. Wala pa naman akong payong tsk. John kase!

May nakita akong anino kaya umub-ob na lang ako. Natatakot ako. Naiiyak ako. Pero ayaw kong umiyak. I can't and I won't.

"Iha, hindi ka pa ba uuwi?" ah, si manong guard pala. Buti na lang hindi ako napasigaw at napatakbo.

"Ah, kasi po may iniintay pa ako eh. Yung kaklase ko po."

"Ganoon ba, bakit hindi ka na lang sa guard house mag-intay? May lalaki na rin doong nag-iintay eh. Teka, baka naman siya yung hinihintay mo?" sabi ni manong guard. May dalang payong si manong kaya pinasukob na niya ako.

Sumama ako kay manong guard papuntang guard house. Tatawagan ko sana si John pero low battery na pala ang phone ko. Dahil na rin siguro sa pagmumusic ko kanina.

"Ah, manong guard, may cellphone po ba kayo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad. Nasa unahan ko siya. Buti na lang may mga ilaw sa daan.

"Oo iha, kaso wala akong load eh. Pasensiya ka na."

"Okay lang po. Salamat na rin."

Sana naman si John yung sinasabing lalaki ni manong. Pero kung si John yun at iniintay niya ako, bakit hindi niya sinabi sa akin na sa guard house na lang kami mag-intayan?

Nag-iisip ako kung may sinabi ba si John na maghintayan kami sa guard house o hindi kaya hindi ko napansin na nakarating na pala kami.

May lalaking naka-upo sa loob at tingin ng tingin sa cellphone niya.

"John?" tanong ko. Please let him be. Para maka-uwi na kami. Hindi ko pa nga pala natetext sina kuya. For sure, tambak ang calls and messages ko pagkacharge ko ng phone ko.

Tumunghay yung lalaki. Thanks God it's John. Tumayo siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Jazen! Goodness you're okay. Kala ko kung napaano ka na. You're not answering my messages and even when I called you, your phone was not ringing. You made me really worried. Pagkatapos ko kase sa pinuntahan ko, pupuntahan na sana kita sa building A pero biglang umulan ng malakas kaya napasilong ako. I wasn't able to bring my umbrella with me so no choice ako. Sasayi na sana ako sa ulan para puntahan ka ng pigilan ako ni Manong at sinabing siya na lang daw ang pupunta at titingin sayo. May payong naman siya kaya pumayag na rin ako. Thanks God you're okay." pagkatapos ng speech niya ay niyakap niya ako. I was in a state of shock pero niyakap ko rin siya ng konti at kumalas na. I smiled at him at nagpaalam na kami kay manong guard. We both said our 'thank yous' to him.

Hindi pa rin ako makapagsalita at kahit si John ay hindi pa ulit nagsasalita. Bubuksan ko na sana ang pinto sa may driver's seat pero pinigilan niya ako kaya napatingin ako sa kanya. Speechless pa rin ako grabe, first time ko lang kase may yumakap at yinakap na lalaki na hindi ko kapamilya.

A Matter of ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon