'Hi mommy! Daddy!' hindi, hindi bagay sa atmosphere. Uhm, kung ano na lang kaya.. Para na akong luka-luka dito habang mabagal na naglalakad papuntang pintuan ng aming bahay. Anong sasabihin ko pagkapasok ko?! Aish! Naloloka na talaga ako! Pati si kuya, iba rin ang pakikisama, they're too cold!
'Uh, hello po' mas lalaong hindi naman! Nagmumukha naman akong hindi anak nila.
'Mommy, daddy, alam ko pong galit kayo pero wala pong nangyaring masama. At tsaka kasama ko naman po si John. Oh! Don't think na nagdedate kami okay? We just had a task and it just happened na we're partners. Yun lang po wala ng iba. Promise! Classmates lang po kami wala ng iba! Wag kayong mag-iisip ng iba ginabi lang po talaga kami dahil hinintay ko siya. Pero ano po I didn't expect na gagabihin siya ng ganito kaya sorry. We didn't plan this either. Mommy daddy I swear.' anubayan! Masyado naman ata akong defensive pag ito yung sinabi ko sa kanila. No, defensive na nga talaga ako pag sinabi ko to. Hindi lang ata. Uhm, ano pa bang ibang intro?
Sa kaiisip ko ng introduction sa aking pagpapaliwanag kayna mommy, hindi ko napansin na nasa harap na pala ako ng pinto ng bahay namin. Tumingin ako sa likod ko para tingnan kung nakaalis na ba sina kuya. Wala na sila. Masyado na atang lumutang yung isip ko at hindi ko na napansin na umalis sila. Humarap na ako at huminga ng malalim. Bahala na si catwoman. I opened the door while looking down at sinarado ko rin agad. Siomai lang talaga, ako'y kinakabahan. 7:17 na ako nakarating. Grabe, gabi na talaga ako nakauwi.
"Oh Jazen! Thank goodness you're okay!" pagharap ko, niyakap agad ako ni mommy. I thought they would upbraid me. Hmm, guess I was wrong.
Kumalas ako sa yakap ni mommy at nginitian siya.
"Ma, okay lang ako. Nalowbat lang talaga ako. I left my power bank in the car kaya hindi agad ako nakasagot sa mga texts at calls niyo. Sorry. And don't worry, kaya ko naman po ang sarili ko, if ever you know." I laughed. I didn't tell her the reason why I came home late. I think I don't need to, ang mahalaga, nandito na ako at hindi galit sa akin si mommy.
"Silly girl. Siya, umakyat ka na and get dressed. Magdidinner na tayo." naglakad na ako papasok ng kwarto ko.
Ibaba ko na sana ang mga gamit ko ng mapansing wala akong dala kahit isa. Oh yeah! Iniwan ko nga pala sa kotse ko. Nagbihis na ako at hihiga ng saglit when someone knocked on my door. No choice ako kundi tumayo at pagbuksan kung sino man yun. Si daddy pala. I gulped.
"Daddy! Pasok po." nilawakan ko ang space para papasukin siya. I almost forgot na kami pa nga lang pala ni mommy ang good terms excluding daddy. Siomai na masarap lang.
He entered my room habang ako naman ay umupo(patalon) sa kama ko. Just act like you're not nervous. Pero hindi umupo si daddy.
"Daddy, sorry p------"
"Tara na sa baba, we're going to have our dinner na." pinutol ni daddy yung sasabihin ko. Naninibago talaga ako, hindi ganto makipag-usap sa akin si daddy, its either pabiro, malambing or seryoso pero hindi cold! Nakatingin lang ako sa bedsheet ko.
"Jazen, tara na sa baba. Kakain na tayo. Ayaw mo ba kaming makasabay? Don't tell me you're not going to eat kase nagdate kayo ni John?" napatunghay agad ako sa sinabi ni daddy.
"Daddy! What made you think like that?!"
He laughed. Nakahinga ako ng malalim. Thank you God, we're in good terms na ni daddy.
BINABASA MO ANG
A Matter of Choice
Teen FictionStruggles. Adversities. Problems. Difficulties. Agony. Obstacles. Evereybody is facing hardships in their lives. Everybody has a choice and that choice is either you'll hold on and continue to suffer until you are used to it or let go because you th...