STP: 6

113 4 0
                                    

"Hello po!" Masayang bati ni Sir Alden.

Napaawang na naman yung labi ko nang naghiyawan yung mga tao sa simpleng hello lang nya.

"Pasensya na kung naghintay po kayo." Sabi nya saka yumuko ng konti.

"kyaaaah! Ang gwapo nya talagaaa."

"Okay lang basta ikaaaw!"

"You're worthy!"

Napatawa naman si Sir A. Ang haba naman kasi ng pag Sir Alden!

Tumabi ako sa gilid ng stage. Grabe! Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Kaya pala ganun nalang yung gulat nila nang sabihin kong hindi ko sya kilala. Eh sobrang sikat naman pala nya eh!

"Im not gay." Napalingon ako agad sa tabi ko. Seryoso si Matt.

"You're not convincing." Sabi ko sabay irap.

"Wala ka pang 1 araw dito, sinabihan mo na ako ng bakla?!" Medyo pasigaw na sabi nya. Maingay kasi sa crowd.

"Yeah. Enough for me to know that you are gay." Medyo lumapit ajo sa tenga nya. Ayaw ko kasing sumigaw, besides hindi rin naman ako sure na gay sya eh. Haha! Feeling ko lang talaga.

"Ang gwapo ko. Alam mo bang ilang babae ang nagkakandarapa sa'kin?" Inis na sabi.

"Hindi. Hindi rin ako interesado." Bored na sabi ko. Gusto kong tumawa sa itsura nya. Grabe kala mo nakatikim ng lemon. Haha

"Aba -- "

"Miss pinapatawag po kayo ni Sir Alden." Hindi na natuloy ni Matt yung sasabihin nya kasi out of nowhere sumulpot tong babae.

Napatingin naman ako kay Sir na masamang nakatingin sakin. Problema nito! Tch

Binigyan ko sya ng what--look.

Sinenyas nya yung katabing upuan nya sa left. Naka-upo na kasi sya tapos nay table sa harap nya. Signing nga kasi to dibey? Sa right yung pila.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

... at ang idol nyo binigyan ako ng 5secs deadly look! Tapos ngi-ngiti sa fans. Unfair diba?!

"Punta ka na dun sa tabi nya." Utos ni Matt sakin.

Sana lang hindi tama yung hinala ko. Sayang sya talaga kasi kung gay sya. Ang gwapo nya kaya.

"I told you im not! Punta ka na don." Sita nya sakin. Mukhang nabasa nya yata yung nasa isip ko.

Pumunta na ako sa tabi ni Sir. Nginingitian ko rin yung mga fans na masama yung tingin sakin. Napagutusan lang ako!

"What took you so long?" Bulong sakin ni Sir.

"Hehe" Sabi ko nalang. Nakaka-imbyerna kasi yung mga tingin ng fans nya.

"Alden pa-picture!" Kikig na sabi nung babae pagkatapos mapirmahan yung Album.

"Sure sure" Masayang sabi nya saka ngumiti ng matuon na yung camera.

"Kyaah! Your so bait talaga. Thank you! "

Psh! You're po ate. English english pa kasi eh.

"Welcome po. Salamat din sa support." Ngiting sabi nya.

Hindi ba sya nangagawit sa kaka-ngiti nya?!

After almost 2 hours natapos din! Hindi ko naman alam na part pala ng pagiging p.a ang maging photographer. Tss! Tama bang gawin akong photographer ng mga fans nya sa twing magpa-picture sila kay Sir Alden. Tapos hindi man lang magpa-salamat! Ang nice diba? Tch!

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon