STP: 18

104 5 0
                                    

Nagising ako na medyo magaan na yung pakiramdam ko. But I felt disappointed nang makitang kong wala na sya sa tabi ko.

Napansin kong may kung ano sa noo kaya kinuha ko.

Papel lang pala. Papel na may sulat wa-wa-wait what?

Good morning! How's your feeling young lady? Don't forget to wear your smiles.

- A

Di ko maiwasang mapangiti sa ginawa nya. Talagang may pakulo pa tong amo ko ha.

Kinuha ko yung cellphone ko para tignan sana yung oras pero may nakadikit din na papel dito.

Don't worry about the time. Let me handle your time. Pahinga ka pa young lady. :)

- A

Natawa ako sa smiley face. Haha!

... okay medyo kinilig din ako.

Medyo may sikat na yung araw kaya papatayin ko na sana yung lampshade sa tabi ko nang mapansing meron din palang letter dun.

There's always a light in every darkness. Don't be afraid of darkness i'll be your light, young lady.

- A

Uh. What's with young lady?

Pero since hindi na ako tinatamaan ng antok dahil na rin sa mga pakulo nitong amo ko nagpasya na rin akong tumayo.

Hindi ko natuloy yung pagsuot ko sa slippers ko nang mapansing may sulat din dun.

Makulit ka, young lady. I told you to rest! Aish.

- A

Hahahahaha. Iniimagine ko papang yung mukha nya when he did it napapa-smile na ako.

Pumunta na ako sa cr. Binuksan ko yung toilet pero muntik pang umurong yung wiwi ko nang mabasa ko yung naka-sulat.

Kaya mo na ba talaga? You know, I can help. *wink*

- A

Namula ako! Talagang sa toilet pa nya dinikit to ha!

Matapos kong magwiwi eh humarap na ako sa salamin.

You don't need this. Maganda ka na, young lady.

- A

Bolero v2.0! Naku naman. Pa-fall masyado! Hahaha. Charot.

Pati sa baso ng lalagyanan ng toothbrush ko meron ding nakasulat.

Wala bang free taste, young lady? Kahit sa lips lang? Kahit 276 times lang? Hehe

- A

Free taste? Hahaha. Pwede rin. Charot.

Naghilamos na ako. Naudlot pa yung pagpupunas ko sa towel nang may nakadikit din dito.

Wag ka nang magpaganda. Your beauty is more than enough, young lady.

- A

Am I? Hihi

Nagayos na ako nang konti saka lumabas. Pero! Bago ako makalabas may nakadikit ding sulat dun.

Hindi ka talaga papi-pigil ano? Kulit! Puntahan mo ako sa set. Be sure na pag pumunta ka dun wala ka nang sakit ha. Lagot ka sakin pag meron pa. Anyway ingat ka, young lady.

- A

Effort ha. Hindi naman nakakakilig. Psh! Hindi talaga ako kinikilig. Hindi talaga. Hindi talaga, promise.  Hindi ako kini-- aish. Fine, kinikilig na ako.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon