STP: 25

223 9 0
                                    

"Kain na" Alok ko.

Nasa round table kami. Yung paa nya na apektado naka sampa sa lap ko. Nung una ayaw nya pwede naman daw sa isa pang upuan nya ipatong. But I insist. Ayun wala rin syang nagawa.

"Di ba mabigat paa ko?" Nahihiyang tanong nya.

Ang cute nya pagkinakamot nya nang parang bata yung tenga nya.

Umiling lang ako. Hindi naman talaga e.

Nagalala pa ako kanina kasi sobra na yung lobo ng paa nya. Sobrang namamaga na sya. Hinilot hilot ko lang sya, its the least thing that I know.

Natapos kaming kumain na medyo walang imikan pero hindi naman awkward.

"Ako na kasi" Sabi nya.

Maghuhugas na kasi ako ng pinagkainan namin. Kanina pa sya nagpupumilit na tumulong sakin. Ang tigas ng ulo!

"Hindi na. Maupo ka nalang dyan." Sabi ko.

"Kaya ko naman e!" Natawa ako kasi para talaga syang bata.

"Kaya mo pero hindi nga pwede. Ipagpahinga mo nalang yang paa mo." Mahinahon kong sabi.

"E di nakaupo ako habang naghuhugas"

Ang tigas talaga ng ulo.

"Paano?" Natatawang sabi ko.

"Ano yung uhm. Yung high chair! Tama maghi-high chair ako!" Sabi nya. Nakataas pa yung hintuturo nya sa ere.

Ang cute!

"Hindi na nga. Umupo ka na dun kasi! Isa." Sabi ko na kunwari galit.

Nagpout sya. Haha

"Hindi naman ako baldado e. Injured lang." Nakasimangot nyang sabi.

Humarap ako sa kanya. Haay. Bat ba ang kulit nya ngayon.

Pinagsaklob ko ang pisngi nya sa palad ko. Nagulat ako kasi mainit sya.

"Mainit ka!" Gulat kong sabi.

Medyo mainit na sya kanina pero sabi nya mainit lang daw kaya daw ganun yung temperature ng katawan nya.

"H-hindi a!" Sabi nya saka tumalikod.

Agad ko namang pinunasan yung kamay ko. Saka sya hinabol. Hinila ko sya sa kwarto ko para dun sya magpahinga.

"H-hoy hoy. Anong g-gagawin mo sakin ha!"

Natawa ako sa kanya. Sya pa talaga yung matatakot ng ganyan ha.

Hindi ko sya sinagot. Kinaladkad ko sya papuntang kama.

"Dahan dahan naman!" Sabi nya nang mapaupo ko sya sa kama.

"Mahiga ka na dyan. Kukuha lang ako ng gamot." Seryosong sabi ko. Para di na mangulit.

"Gusto ko tabi tayo." Sabi nya.

"Hindi ka gagaling pag tinabihan kita. Kaya sige na mahiga ka na dyan" Sabi ko habang naghahanap ng malinis na bimpo sa drawer ko.

Kung bakit ba naman kasi hindi pa ako naglaba. Buti nalang may nakalkal ako.

"Bat nung ikaw may sakit pinatabi mo ako. Di naman ako nagreklamo." Sabi nya. Parang aso na sya ngayon sa sobrang haba ng nguso nya.

Fine, cute sya.

Namula ako nang maalala ko yung panahong ako yung nilagnat. The thought of him laying beside me makes my stomach rumbles in a great way.

"Mahiga ka na dyan. Kukuha lang ako ng gamot." Sabi ko without even looking at him. For sure kasi mapula na naman ako.

Lumabas na ako para kumuha ng gamot. Naghanda na rin ako ng maligamgan na tubig na nilagay ko sa planggana na maliit. Tas bumalik na rin ako agad. Natataranta pa ako. Sobrang nagaalala ako sa kanya, e simpleng lagnat lang naman. Ewan ko ba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon