STP: 19

117 4 0
                                    

"Ngayon na pala yung shooting nilang dalawa?" Tanong ni Ayen kay Tenggay.

Habang nagaayos kami ng nga props na gagamitin daw mamaya sa shooting.

"Oo, akalain mo nga naman. Kararating lang ng bansa may project agad." Sagot ni Tenggay.

A B C D E O-P

Sige na, ako na yung OP.

"Eh ganun talaga, maganda eh." Asar na sagot ni Ayen.

Natawa naman si Tenggay sa inakto nya. Kahit ako, natawa rin. Kaya nakuha ko yung atensyon nila.

"Andyan ka pala." Asar sakin ni Tenggay.

I rolled my eyes. "Wala. Kaya sige lang ituloy nyo lang yang pinagkwe-kwentuhan nyo. Hindi naman nakaka-op eh." Inis na sabi ko sa kanila.

Natawa silang dalawa.

"Kilala mo si Bella Elmira Alcantara?" Tanong sakin ni Ayen.

Bella. Teka.. tek--

"Ah!" Sabi ko.

"Kilala mo?" Tanong ni Tenggay "Well, sino ba naman kasi yung hindi diba." Patuloy nya.

"Sino nga ba sya?" Hehe. Ngayon ko lang actually narinig yung pangalang yun. I know absolutely nothing about her.

"Seryoso ka?!" Gulat na tanong sakin Ayen.

"Uh. Yeah?" Alanganing sagot ko. Eh akala mo naman kasi isang malaking krimen yung amining hindi ko sya kilala.

"Gosh! You're unbelievable, girl." Sabi ni Ayen habang kunwaring nagpapay-pay gamit ang kamay. Jeez! That act was soooo arte.

"Rich kid nga kasi. Hollywood stars lang kilala." Sabat ni Tenggay.

"Sabagay kung si Sir Alden nga nun hindi nya rin kilala eh." Pangayon ni Ayen.

"Seriously, sino ba sya?" Oo na. Curious na ako.

"Sya yung 'dating' loveteam ni Sir Alden." Sabi nya Ayen sakin.

"And! Take note, hindi lang sila loveteam nagkaroon din sila ng something noon." Tuloy ni Tenggay.

Okay, so past nya pala etong si Bella. Pero bakit may kung ano akong nararamdaman? This kind of feeling that no one would love to have to.

"Yhep! Sya yung naging special someone ni Sir Alden after nung first girlfriend nya." Psh. Sabi na nga ba eh. Babaero. Tss!

"Kaso umalis yung girl. Mag-aaral daw. Kung kelan naman nagbabago na si Sir Alden nun. Kung kelan nakaka-recover na sya from his ex saka naman nya iniwan si Sir Alden. Lagi nalang syang iniiwan. Tsk tsk" Sabi ni Ayen.

Ayoko nang naririnig ko. Bakit nasasaktan ako sa mga naririnig ko? B-bakit parang nagseselos ako.

Kahit ayoko. Kahit masakit. Gusto ko pa rin malaman ang kwento. Such a masochist.

"T-tapos?" Tanong ko.

"Ayun balik na naman sa pagiging over as in over hardworking nitong amo natin." Ayen said.

"But ive heard friends na raw sila ngayon." Sabi ni Tenggay.

May kung ano sakin na natuwa nung sinabi nyang friend nalang. Fine, im happy to know that. I felt relieved.

"Yeah. Because he realized that he is still into his ex." Gatong ni Ayen.

he is still into his ex.

he is still into his ex.

he is still into his ex.

Pero ano yung mga pinapakita nya sakin? Bakit ganun yung pinapakita nya sakin? Why does he need to feel me like im just his rebounder? Is he using me?

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon