STP: 15

109 5 1
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kung saan pati narin siguro sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Tinignan ko yung sofa kung saan nahiga kagabi si Sir A ganun nalang yung taka ko nang makitang wala na sya dun kaya wala sa sariling napatingin ako sa relo ko. Napasapo ako sa noo ng makitang pass 8 na pala! Ano ka ba naman Meng!

Dali-dali akong pumasok sa banyo para mag-ayos. Pagkalabas ko ng kwarto narinig ko si Sir A sa may kusina na may kausap ata.

"Sid naman! Bat ganito?! Aray!!" Sigaw ni Sir sa telepono habang nagluluto.

Nabitawan pa nya yung sandok, napaso ata sya kasi hinihipan nya yung daliri nya. Nakakatuwa syang tignan!

"Aish! Wag ka ngang tumawa dyan! Kainis ka naman eh." Asar nyang sabi, akala mo bata. Hahaha

Yung muscles nya. Kahit nakatalilod sya sakin bakit ang sexy nya parin? Daig pa nya ang babae sa sexy back nya! Wala syang damit pangitaas kundi apron lang tapos naka-boxer lang sya. Ang kinis ng legs! Ang aga-aga Meng lumalandi ka na!

"Ewan ko sayo! Sabi na nga dapat hindi nalang kita tinawagaan eh. Sa iba nalang sana ako nagpaturo. Sayang effort ko oh!" Asar nyang sabi saka padabog na nilapag yung cellphone nya.

"Pano na to?" Hindi ko na napigilan yung sarili kong tumawa ng kausapin nya yung kawali.

"K-kanina ka pa?" Gulat nyang sabi sakin.

"Hmm" Sagot ko saka lumapit sa kanya.

"Hep! Dyan ka lang" Sabi nya saka sinubukang takpan yung kawali gamit nang kamay nya.

Hahaha ang cute nya, promise!

"Ano ba yan?" Tanong ko, saka tinignan yung pagkain sa mesa.

... oh poor eggs. Kawawa naman sila. Hindi na nga nila nasilayan yung mundo, ganitong pagkakaluto pa yung kinahinatnan nila. Puro sunog! Pati yung bacon, puro black ang makikita mo.

"Wala kang awa." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Psh! Edi kayo na ang magaling magluto." Asar nyang sabi saka pinatay yung kalan.

"Syempre chef ako eh." Plain kong sagot.

Pinuntahan ko yung kawali. Jusko! Pati yung kanin parang tutong lahat! Napasapo ako sa noo ko, amoy na amoy yung sunog na bawang.

"Chef ka?" Gulat nyang tanong sakin.

"Yep!" Sabi ko.

"Psh. Sayang effort ko." Sabi nya saka ngumuso.

"Bat ba kasi nagluto ka pa kung di mo kaya?"

"Gusto ko kasing bigyan ka ng breakfast in bed eh." Nakayukong sabu nya.

Natawa naman ako sa inaasal nya. Kaya nilapitan ko sya saka hinawakan yung cheeks nya.

"Ang sweet mo boss!" Sabi ko.

"Tss" sabi nya saka nagiwas ng tingin sakin.

"Ako nalang magluluto ha?" Sabi ko, tumango naman sya bigla. Gutom na ata sya.

Pinunasan ko muna yung pawis sa mukha nya gamit ng kamay ko. Gusto ko rin sanang punasan yung pawis sa muscle nya, kaso nahihiya ako. Sayang! Haha

"Dapat kasi ginising mo nalang ako." Pang-aalo ko sa kanya.

"Naka-nganga ka pa kasi kanina kaya di na kita ginising." Sabi nya.

Hinampas ko naman sya sa balikat saka nagpunta sa ref nya. Nakakahiya!

"Anong gusto mo?" Tanong ko. Habang hawak yung egg.

"Ikaw" Muntikan ko pang mabagsak yung egg na hawak ko. Jusme kang amo ka!

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon