STP: 14

108 7 0
                                    

Nandito kami ngayon sa Ice Cream Parlor ewan ko rito kay Sir A, basta sabi nya nagcra-crave raw sya sa ice cream.

"Order ka na, anong gusto mong flavor?" Maamong tanong nya.

Napangiti naman ako, nawala na rin kasi yung takot ko kanina eh.

"Cappuccino with sprinkle on top" Nakangiting sabi ko.

"Hmm. Akala ko chocolate or vanilla." Dismayadong sabi nya.

Napangiwi naman ako. Hindi kasi ako mahilig dun. Sobrang tamis!

"Favorite mo po yun?" Tanong ko.

"Yep! Nakakawala kasi ng stress yung mga matatamis. Tsaka wag mo nga akong I-po! Hindi naman ako matanda eh." Sabi nya saka nag-pout.

Natawa naman ako sa inasal nya. Ang cute lang kasi nya. Hehe

"Oo na. Hindi na ako magpo-po" Natatawang kong sabi.

Nakita ko namang sumilay yung ngiti sa kanya. Hindi nya kasi matago kasi nga yung dimple nya masyadong pahamak. Haha!

Pumunta na sya ng counter para mag-order. Habang ako heto tunganga mode muna. Buti nalang medyo tago etong lugar kasi medyo nasa top sya kaya konti lang yung tao, puro foreigner pa. Safe na safe si Sir A.

Habang inaaliw ko yung sarili ko, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Kaya tinignan ko.

Apo, wag ka munang umuwi. Mag-hotel ka nalang muna kasi walang tao sa bahay. Kasama ko sila rito ngayon sa isang meeting. Inorient ko lang sila sa basic defense, medyo nag-enjoy sila kaya napagabi kami. Bukas na kami makakauwi apo.

- Lola

Bumagsak naman yung balikat ko sa nabasa ko. Napasukan kasi kami nung nakaraang araw. May nasaktan na isang katulong pero minor injuries lang naman kaya nagpagpasyahan ni Lola na I-train sila kahit nga basic lang.

Okay po. Ingat po kayo La, I love you.

Sent!

Napangiti ako kasi alam kong napangiti ko si Lola. Minsan lang kasi ako mag-I love you, hindi kasi ako ganun ka-vocal eh.

Kila Yenggay nalang siguro ako? Tama sa kanila nalang para tipid.

Yenggay! Can I sleep in your pad?

Sent!

Maya-maya nag-vibrate na yung phone ko.

Why? Im not in town Menggay. Nandito ako ngayon sa QC eh. Sorry.

- Yenggay

Okaaay. So no choice na ako? Medyo nadismaya naman ako.

"Here you go" Nabigla naman ako ng biglang ilapag ni Sir A yung orders nya.

Mas nabigla pa ako nang makitang super dami ng order nya.

"May kasama pa po ba tayo?" Takang tanong ko.

Eh pang 6 person ata to eh!

"Wala naman." Nakangiting sabi nya.

"Eh?"

"Mauubos natin to, don't worry" sabi nya habang inaayos yung ice cream ko.

Nilagay nya sakin yung tatlong order saka nya nilagyan ng nga kutsara.

"Ang dami po." Sabi ko nag-pout.

"Ay!" Sigaw ko. Eh pano naman kasi nilagyan nya ice cream yung ilong ko.

"Di ba sabi ko sayo wag mo na ako I-po? Aish! Kulit mo naman." Sabi nya.

Natawa ako sa kanya. Hindi ko alam na nay ganitong side rin pala sya.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon