STP: 13

98 4 1
                                    

HANGGANG KELAN BA AKO BALAK HINDI PATULUGIN NG AMO KO?!

Bakit ba kasi sa dami ng pwede kong maging amo eh sya pa. Bakit yung balon pang yun!!

Kahit naiinis ako sa kanya kasi hindi ko maamin na kinikilig ako eh tumayo na ako dahil late na naman ako ngayon! Oo, kailangan ko ngang pumasok at makita yung amo ko. Meron syang pictorial ngayon, thank goodness dahil dito lang banda samin yung location kaya makaka-tipid ako kasi dalawang sakay lang ng tricycle yung gagawin ko.

Tumingin ako sa salamin, halatang halata yung eyebags ko! Para akong nilagyan ng uling sa mata sa sobrang itim. Kasalanan to ng amo ko!! Kinuha ko nalang yung favorite shades ko para matakpan yung mga mata ko.

"Hi, Lola! Morning po." Sabi ko ng makababa na ako.

"Oh apo, aga mo ah. San kayo ngayon?" Tanong nya.

"Lapit lang po." Sagot ko saka nag-bless saka humalik sa kanya.

"Oh eh di sabay ka nalang sakin?" Sagot nya habang hinahanda yung mga gamit nya.

"Wag na 'La." Sagot ko saka unupo sa stool.

Kumuha na ako ng toasted bread saka nagpalaman.

"Hindi ka ba malalate nyan?" Nagtatakang tanong nya.

.. wait. Late? Puchakels!! Late na paka akooooooooo.

"'La tara na po!" Dali-dali akong tumayo saka kinuha yung pagkain ko, kinagat ko sya tapos kinuha yung mga gamit ni Lola saka tumakbo na palabas.

"Ay naku ka talagang bata ka!" Sigaw ni Lola sakin.

- -

Nandito na ako ngayon sa set. Hinihingal pa ako, hindi kasi pwedeng ipasok yung sasakyan. Masyado silang mahigpit! Kaya hanggang kanto lang ako naihatid. Isang kanto ang tinakbo ko, at yung kanto nila parang NLEX ang haba!! Pero para akong nag-lrt ng habulin ako ng mga aso. Tapos sira pa yung elevator, alam nyo bang 11th floor yung tinakbo ko?!!

Nakipag-buno pa ako sa nga fans nya dun sa kanto. Grabe! Alam ba nilang pictorial lang ang gagawin tas gorabels na? Sayang effort nila!

"Girl, haggardo ka na. Ke-aga aga mukha ka ng losyang! Sang gyera ka rumesbak?" Tanong sakin ni *ehem* MATEY. Oo, ayaw nyang tawagin syang Matt pag kaming dalawa lang.

"Alam mo Tenggay, penge nalang ng water please?" Sagot ko. Tenggay tawag ko sa kanya kasi tinatawag na nya akong Menggay. Para samin lang kaya yun ni Yenggay. Dumadami na yung team enggay, jusko! Si Yenggay yung nagpasok sa kanya sa team enggay. Nagsasawa na raw sya sakin. Pero alam kong joke lang yun. Haha! Pero masakit pa rin.

Pinakilala ko na rin si Matey kay Yenggay, and guess whut? Mas mukha pa silang magbest friend! Psh. Pano naman kasi nagkakasundo sila kay Chef Z. At yes, alam na rin ni Yenggay na gay si Matey. Una palang na-sense na rin nyang he's gay. Kita nyo! Sila lang talaga yung manhid eh. 3 na kaming may alam na gay sya. Yey!

"Ay, so p.a ako? Ganern?!" Sabi nya. Pero kumuha pa rin naman ng tubig saka inabot sakin.

"Eh, napagod lang talaga akong tumakbo." Sagot ko, sino ba namang hindi mapapagod kung hinabol ka ng aso?!

Mahal na mahal ko sila, pero bakit hindi nila ako magawang mahalin?!! Tell me why, dogs.

"Late ka na naman. Tsk tsk"

"Ay kabayong asul!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Gosh! Bat ang aga nyang magpakita?!

"Hehe, sorry po." Sabi ko nang humarap ako sa kanya.

Buti nalang naka-shades ako ngayon, libre umirap dito sa amo ko!

"Nasa loob ka ng building, wala pang bintana dito. Pero bakit naka-shades ka? Asan yung araw?" Tanong nya saka ngumisi.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon