STP: 16

109 6 0
                                    

"Ate, ate!" Sigaw ng mga babae sa di kalayuan.

Nandito kasi kami ngayon sa set. May upcoming movie kasi itong amo ko. Nasa may malawak na field kami dito sa subic. One of the private beach resort.

Malamig? Naku hindi! Hindi talaga. *note the sarcasm*

Sa dinami-dami ba naman kasi ng nakalimutan kong dalhin kanina eh yung jacket ko pa. Kaya eto ako ngayon, pinagdiskitahan yung kumot. Hindi rin naman kasi ako nainform na malamig pala dito pag ganitong panahon.

"Ate ganda!" Tawag nila ulit.

Ganda? Are they pertaining to me? Hahahaha, ambisosha!

"Ateng nakakumooooootttt!!" Sigaw nila ulit.

Nakuuuu! Buti nalang at hindi pa on set kundi lagot tong mga to!

Tinuro ko yung sarili ko. Ako ba talaga?

Sunod-sunod silang tumango ng nakangiti. Alam nyo yung mga stuffed toy sa mga taxi? Yung mga aso? Parang ganun sila. Hehe

Siguro uutusan na naman nila akong magbigay ng something sa amo ko. Ako kasi yubg nagiging delivery ng mga may gustong magpaabot dito sa amo ko eh. Tch!

"Bakit?" Nakangiting tanong ko. Ang cute nila!

"Gossh! Ang ganda!"

"Omg!!! Is this for real? Is she for real?!"

"Ang ganda!!"

"My gosh! Ang ganda nya without makeup!!"

Impit ba tili nila nang makalapit ako sa kanila.

"Eh?" Takang takang tanong ko. As in.

"Ate di ba ikaw to?" Sabi nung isa saka inilabas yung magazine.

Ako yan?! Nasa magazine yung mukha ko?! T-teka pano-- ah alam ko na. Hehe

Oo, tama yung kaming dalawa nga ni Sir A.

Nahihiyang tumango naman ako sa kanila.

Nagulat ako ng nagta-talon sila habang sumisigaw ng pigil. Alam nyo kung pano yun? Haha

"Sabi ko sayo sya yun eh!" Sabi nung isa habang sinasabunutan yung kasama nya.

Kahit ang weird nila eh natatawa pa rin ako. They remind me so much of Yenggay. Ganyang-ganyan din kami eh!

"Ate -- uhm. Miss? Teka ano pong pangalan nyo pala? Hehe" hiyang tanong nya sakin.

"Maine" sabi ko saka inabot yung kamay ko.

Ganun nalang yung gulat ko ng magunahan silang kunin yung kamay ko. Super cute talaga nila!

"P-pwede pong pa-sign?" Sabi nung isang girl. At nanginginig pa talaga yung kamay nya!

"Ako? Bat ako?" Tanong ko.

"N-nung nakita po kasi namin yung magazine, naging instant fans nyo po talaga kami. As in bigla bigla kaming napa-research about you po."

"Kaso medyo mailap ka po. Taga dito lang po ako, kaya nung nalaman kong may shooting si Alden dito talagang inaya ko po silang pumunta rito." Patuloy nung isa.

"Syempe go po agad kami. Aldenatics din po kasi kami eh." Sabat naman nung parang gay -- nuh scratch that. Nung gay.

"Then nakita po kita! Talagang zinoom in ko yung mga mata ko. Nung una palang po kitang na-sight dun talagang sure na akong ikaw yun ate!" Masayang sabi nya.

"Talaga? Nakaka-touch kayo. Pa-hug nga sa inyo!" Masayang wika ko sa kanila. Muntikan pa akong matumba ng dali-dali nila akong niyakap. Nagsisi-talon pa sila.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon