STP: 10

90 8 0
                                    

"Nasan na yung partner mo?!" Gigil na sigaw nung director.

Nagulat naman kaming lahat. Eh kasi naman! Yung dapat na partner ni Sir A eh wala pa. Ang alam ko, may meeting pa yata yung partner nya.

"A-ah sir. Nasa meeting pa rin daw po sya." Nakayukong sabi nung lalaking may hawak ng cellphone.

"Kausap mo sya? Sya ba yang kausap mo sa cellphone?!" Sigaw nya ulit.

Natagilid naman yung lalaki kasi tumatalsik yung laway ni Sir sa mukha nya. Gusto kong tumawa pero baka mapahiya ako kaya wag nalang.

"Y-yes po." Sagot nya.

"Akin na!" Sigaw nya habang nilalahad yung kamay.

Nanginginig namang iniabot nung lalaki yung cellphone sa kanya.

"Hindi ka ba marunong rumespeto ng oras?!" Bungad nya agad.

"Meeting?! Alam mo bang deadline na next week etong kontratang pinirmahan mo, hindi mo pa rin nagagawa! Tapos may lakas ka pa ng loob na kumuha pa ulit ng bagong endorsement?!" Sigaw nya.

Grabe, lahat kami tahimik lang dito sa set. Si Matt, deadma lang.

Tinignan ko naman sya ng questionable look. Hello! Pati bingi maririndi sa bunganga nitong director na to eh.

Hinawi nya yung scarf sa ulo nya. Ayun! Kaya naman pala standing pretty ang lola nyo kasi may nakasaksak na earphone sa tenga nya. Npakautak!

"Ide-decline talaga kita! Tandaan mo yan. Hindi ka na makakabalik dito!" Sigaw nya saka binababa yung phone.

Yung lalaking nagbigay kanina ng phone ay maiyak iyak ngayon kasi ang kaninang buo nyang cellphone ay durog na. Tama bang ihagis yung cellphone?! Hanep talaga tong director na to!

"Pack up na tayo! Leche!!" Inis na sigaw nya saming lahat.

"Teka di pwede yan! Makakasuhan tayo nyan pag di natin matapos to." Sabat ni Miss Sid.

"Anong gusto mong gawin ko?" Mataray na sagot naman ni Director.

"Pumunta ng mars para makahanap ng bago nyang partner ganun?!" Sigaw nya ulit. Di ba uso volume dito?

"Eh di humanap nalang!" Sabat ulit ni Miss Sid.

"At sino naman aber? Ikaw?!" Sigaw nya habang nakaturo kay Miss Sid.

"Hoy Feliciano! Kanina ka pa sigaw ng sigaw ha. Pwede ba!" Inis na sigaw ni Miss Sid.

Again .. gusto kong matawa. Pero dahil inappropriate yung situation di nalang pala ulit ako tatawa.

"Aaaaaahhhhh!!" Tili nung director.

"It's Licia! Not Feliciano!!" Sabi nya habang nagpa-padyak padyak.

Pwede bang tumawa?

"Umayos ka!!" Sigaw ni Miss Sid.

"Eh ano nga?! Wala na ngang partner eh!" Sigaw nya ulit.

May lumabas na 'ha' sa tawang kanina ko pa pinipigilan. Napatakip ako ng bibig, pero wrong move kasi nabitawan ko yung cellphone ko. Kill me now!

Napatingin sakin laaahaaaat ng tao sa set. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pupulutin ko ba dapat yung wasak kong cellphone o magpe-peace sign muna?

Yung mata nila. Yung mata ni director nakatingin sakin. Yung mata nya mabagal na bumababa-taas. Sumilay ang ngiti sa labi nya.

Gusto ko sanang kabahan dahil feeling ko manyak sya. Pero lahat sila nakangiti sakin.

Lumapit sakin si director. I swear! Isusumbong ko talaga sya kay lola pag may nangyari sakin! Ipapakulam ko sya sa kumare ni lola!!

"Ano ka ulit dito?" Tanong nya sakin ng makalapit sya.

"P.a po ni Sir Alden." Nakayukong sabi ko. Hindi dahil sa nahihiya ako kundi dahil hindi ko kinaya ang amoy ng hanging lumabas sa bibig nya.

"P.a? Hmm" Sabi nya.

Napatagilid naman yung mukha ko. Kasi kung hindi ko gagawin yun baka maging mitsa pa sya ng buhay ko.

Isa lang ang kailangan ko sa panahon ngayon. FRESH AIR.

"Are you willing to do everything for Alden?" Nakangiting tanong nya sakin. Yung mukha nya 2 inches lanv ang layo sakin.

Pero feeling ko 2 secs nalang ang itatagal ko.

"O-opo." Alanganing sagot ko.

Ngumiti naman sya. Naigtad pa ako nung hawakan nya ang buhok ko. Hindi ko alam kung pano napunta yung ilong ko sa buhok ko. Ito ang ang masasabi ko. FRESH AIR.

Hindi ko alam kung saang estero napadpad ang kamay nya. Bakit ganon?!

"Pwes .. " Sabi nyang nakangiti. Bakit ang tagal ng 2 secs ko?! Gusto ko nang himatayin!
"Bihisan nyo na sya!" Sigaw nya ulit.

FRESH AIR. Yan ang nakamit ko nung tinalikuran nya ako.

Nagulat naman ako ng hilain na nila ako papunta sa tent.

"Buti nalang maganda ka!" Bulong ni Matt.

"Uh. Care to tell me what's happening?" Takang tanong ko.

"Gaga. Ikaw yung magiging partner ni Papa Alden!" Bulong nya.

Hindi ba talaga pwedeng tumawa?

"Ano?!" Gulat na tanong ko ng ma-digest ko yung sinabi nya.

- - - -

"Sabi ko seduced him! Pano mo sya mase-seduce kung naka-wacky ka?!" Inis na sigaw ni director sakin.

Narinig ko namang bahagyang napatawa si Sir A.

Yep! Nawalan ako nang choice. Ako nga ang pumalit na partner. Naka-red tube ako ngayon tapos backless sya. Hindi ko alam kung panu kumakapit yung damit sa katawan ko ngayon sa sobrang revelling ng suot ko. I wear formals pero hindi ganito! Pag nakita to ni lola malamang kurot sa singit na naman yung maabot ko nito!

"Di ba pwedeng wacky shots nalang?" Suggestion ko.

"Umayos ka!!" Inis na sigaw nya ulit.

"Nagsu-suggest lang." Bulong ko saka nagpout.

"Baliw ka." Natatawang bulong saki ni Sir A.

"Psh! Alam ko na yan." Sabi ko saka umirap.

"Naka-formal tayo pero gusto mo wacky shots?" Natatawang sabi nya sakin.

"Oh eh ano naman? May dress code ba sa pagwa-wacky?" Inis na sagot ko sa kanya.

Napailing naman sya sa kakatawa.

"Ah, direk!" Sigaw ni Sir A.

"Ano?!"

"Pwede bang wacky nalang?" Suggest nya.

Kita mo to! Tatawanan nya ako, tapos isu-suggest din pala nya yun. Tss!

"Ano ba naman yang takbo ng isip nyo ha?!"

"Para maiba naman tayo direk! Wala pa rin akong nagagawang wacky sa pictorials eh." Sabi nya.

Sus! Kawawang bata naman. Wacky lang di pa nagagawa.

Nakita ko namang naguusap sila Miss Sid. Iiling tas tatango. Tapos iiling na naman. Mga 20 times sigurong ganun.

"Sige na, sige na. Wacky nalang!" Sabi ni direk.

.. and the victory was mine!

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon