STP: 9

100 9 0
                                    

"Kape oh" Alok sakin ni Matt.

"Salamat" Sabi ko saka ko kinuha yung kape.

Kung di ko kukunin yun baka maging yelo na ako dito. Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Oo tama. Hindi man lang ako nakadala ng jacket. Ang masaklap naka-sleeveless pa ako.

"Lamig no." Pangaasar sakin ni Matt.

"Hindi! Mainit nga eh, pinagpapawisan pa nga yung kili-kili ko." Inis na sabi ko.

"Bakit kasi hindi ka nagdala ng jacket?" Natatawang sabi nya.

"Baka alam ko ne?" Sabi ko saka ko hinaplos-halos yung braso ko.

Natawa sya, saka nya tinaggal yung jacket na suot nya.

"Oh!" Sabi nya saka nya hinagis sa mukha ko yung jacket nya.

"Hindi ba ako magkaka-putok dito?" Pangaasar ko.

"Baka gusto mo ulit amuyin yung kili-kili ko?" Hamon nya sakin.

"Hoy! Kailanman hindi ko ginustong amuyin yang kili-kili mo no!"

"Psh! Suotin mo nalang." Sabi nya. Tinignan ko sya, naka-long sleeves naman sya.

Sinuot ko naman. Yung jacket nya ang laki sakin. Walang zipper yung jacket nya kaya sobrang halata na di akin to.

Medyo naginhawaan naman ako. Nabawasan na rin yung lamig.

Napahikab naman ako habang hinihintay sila Sir A. Inaayusan daw sya.

"Antok ka no?" Pangaasar sakin ni Matt.

"Ay hindi! Nagugutom ako kaya ako naghihikab." Inis na sabi ko sa kanya.

"Gaga ka talaga." Sabi nya saka nag-cross arms.

"Sure ka ba talagang hindi ka ano? You know. Hehe" Sabi ko, eh kasi naman halata naman talagang gay sya.

"Te naman!" Sabi nya na parang nanggi-gigil.

Lumaki yung mata ko. Literal ding napaawang yung bibig ko.

"Oh-My!! Wag mong sabihing bak--- hmm!!" Hindi ko na natuloy kasi tinakpan nya yung bibig.

"Wag kang maingay please!" Bulong nya sakin.

"You mean tama ako?" Mahinang tanong ko sa kanya matapos nyang tanggalin yung kamay nya sa bibig ko.

"Hmm." Sabi nya saka tumango-tango habang hawak yung dibdib nya.

OMG!! CONFIIRRRRRRMMMEEED!!

"Gosh! Oh-my!! I knew it! Sabi na nga ba't bakl-- aray!" Sabi ko matapos nya akong batukan.

"Sigi! Isigaw mo pa! Imbyerna ka." Inis na sabi nya.

"You mean hindi nila alam?!" Hindi malapaniwalang tanong ko.

"Obvious ba? Kilala nga akong playboy dito eh! Nakakainis." Sabi nya.

Napatawa naman ako.

"Grabe! Ang manhid naman nila." Sabi ko.

"Oo nga, buti pa ikaw. Pero girl wag mong sasabihin kahit kanino to ha!" Sabi nya nang hawakan nya yung dalawang kamay ko.

"Oo naman! Pero bakit mo tinatago?" Sabi ko. Buti nalang kami lang yung nandito sa tent. Abala rin kasi sila sa pagse-setup sa labas.

Nakita ko namang bahagyang lumungkot yung mga mata nya. Saka malalim na nagbuntong hininga.

"Unico ijo kasi ako girl. Hindi ako matatanggap kung aamin ako. Si mama tsaka ikaw lang actually yung may alam. Wala rin akong balak magladlad te. Ayaw kong guluhin buhay ko." Mahinang sabi nya.

Sa Tamang PanahonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon