Chapter 04: K9's Most Reliable Man

393 20 2
                                    

A/N:

Happy Afternoon guys! :D Here's the next chapter for LWTS and also, Sakura, Saita yo is already updated. :) Enjoy guys...

Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.

===========================================================================

Chapter 04: K9's Most Reliable Man

KIMBERLY YSABEL's POV

"Pagpasensyahan mo na sila. Mahilig lang talaga mang-asar 'yung mga 'yun." Sabi ni Knight habang naka patong ang dalawang braso niya sa sandalan ng sofa.

"Alam mo, kanina ko pa ginagawa 'yan... If ever you didn't notice." Simpleng sagot ko sa sinabi niya na ikinangiti lang niya bago siya tumayo habang nakatingin parin sakin.

"Let's go." Narinig kong sabi niya sakin. Huh?

"Ha?" Nalilitong tanong ko sa kanya. Bakit? Saan kami pupunta?

"Tuturuan kitang maghugas." Simpleng sabi ni Knight sakin na ikinagulat ko. Huh!?

"Huh?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na ikinangiti lang niya.

"Tuturuan kitang maghugas ng pinggan. Tara na." Sabay hatak niya ng marahan sakin papunta sa may sink at saka ako iniwan. Teka, ano 'yung sinabi niya? Tuturuan niya kong maghugas? Totoo ba? Napa-urong ako bigla nang bigla siyang bumalik na may dalang mga cup na pinag-inuman namin kanina. Pinatong niya sa tabi 'yung tray na ginamit niya at saka siya tumingin sakin habang nakatukod 'yung kamay niya sa tabi ng sink.

"Bakit?" Nakangiti parin niyang tanong sakin na agad ko naman sinagot ng iling. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Bakit ang bait niya sakin?

*dug dug*
*dug dug*
*dug dug*

Hala... B-bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? 'yung parang lalabas na 'yung puso ko sa lakas ng tibok. May sakit ba ko sa puso? Hala! Baka may nerbyos na ko! Dapat pala hindi na ko nagkape kanina! Huhuhu.

"Hey! Are you alright? Bakit parang namutla ka bigla?" Napa-itlag na lang ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko. Hala! Ano bang nangyayari sakin!? Bakit ako kinakabahan ng ganito?

"Hey? Okay ka lang? Nahihirapan ka bang huminga? May hika ka ba? Ano? Sumagot ka? Kailangan ko bang tumawag ng doktor, Kim?" Medyo natatarantang tanong ni Knight sakin nung hindi ako agad nakasagot sa kanya. Huh?

"No... I'm just fine, Knight..." Tanging nasabi ko na lang sa kanya habang nakatingin parin siya sakin.

"Eh bakit ka nakahawak sa dibdib mo kung okay ka lang? Di ka ba makahinga?" Bakas parin sa mukha ni Knight ang pag-aalala. Teka, ngayon ko lang napansin na nakahawak nga ko sa dibdib ko kaya agad ko itong inalis at umiling ulit.

"A-ano lang...k-kasi..." Sabi ko habang nag-iisip ng idadahilan nang bigla niyang hinawakan 'yung magkabilang balikat ko sabay yugyog sakin ng bonggang bongga.

"Are you sure? Baka hindi ka nagsasabi ng totoo hah o baka naman natatakot kang sabihin sakin? Hey, Kim... Are you really okay? Baka kailangan mo na talagang magpa---" Tanong niya sakin ng sunod sunod habang niyuyugyog ako. Hala... Nakakahilo!

Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon