A/N:
Good Evening Guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-UpDate. Nagka-problema po ako sa health ko kaya sana maintindihan niyo kung pamisan minsan eh hindi ako makakapag-UD on time pero I'll updating regularly. Hope you like it Guys. :)
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.===========================================================================
Chapter 02: First Annoying Meeting
KIMBERLY YSABEL's POV
"Hmmm!" Inat ko sabay higa sa higaan ko. Hay buhay ~ Nakakainis! Kaya ayokong lumipat dito eh. Nakakainip na nga nakakatamad pang mag-ayos ng kwarto! Kanina pa kong ala-una ng hapon dito pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos mag-ayos! Hay! Nakakaasar talaga!
*bzzt bzzt*
Napairap na lang ako sa kawalan. Sino na naman kaya 'tong tumatawag na 'to? Tsk. Bahala ka diyan. Bumangon ako para balikan 'yung mga gamit kong di ko pa natatanggal sa box. Ewan ko ba pero ngayon ay nagsisisi na kong apat na maleta at apat na boxes ang dinala ko dito. Hay! Sana pala binawasan ko para magkaroon ako ng reason para bumalik doon anytime.
*bzzt bzzt*
Hay! Sino ba 'yan!? Napaupo ulit ako sa kama bago ko kinuha ang cellphone ko sa side table at saka sinagot.
"Ano?" Medyo iritable kong tanong sa kabilang linya. I know its him. I'm pretty sure its him!
[...]
"What? Tatawag ka para lang pakinggan ako? Ano 'to? Lokohan? Pwede ba, marami akong ginagawa at masyado akong busy para pakinggan ang mga pagbuntong hininga mo. Bye." Tanging nasabi ko na lang at nang ibababa ko na sana 'yung tawag niya ng bigla siyang nagsalita.
[Wait...please.] Mahinang sabi niya sakin na ikinabuntong hininga ko na lang. Ano ba? Pati ako pinahihirapan niya eh.
[Ysabel...] Narinig kong tawag niya ulit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Look, Arfel. Wala ako sa mood balikan pa ang nakaraan, okay?" Tanging nasabi ko na lang sa kanya dahil sa ngayon ay wala akong time makipag-usap sa kanya.
[...] Napabuntong hininga na lang ako habang pinapakinggan ang bawat buntong hininga niya. So tama ako? 'yun na naman pala ang gusto niyang pag-usapan namin? Hay...
"Kung 'yun lang ang sasabihin mo, ibababa ko na 'to kasi marami pa kong gagawin." Narinig kong magsasalita pa sana siya ng maibaba ko na nang tuluyan ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang buong kwarto ko. Bakit ba ang kulit niya? Alin ba ang hindi niya maintindihan sa mga salitang, Tumigil ka na? Inilapag ko na lang ulit 'yung cellphone ko sa side table bago ko binalikan 'yung mga gamit ko. Anyways, I'm Kimberly Ysabel Ybalez, the only daughter of the Ybalez Family. 18 years old and single. Wanted Boyfriend. Hehehe. Joke lang. I believe in destiny kaya hindi ako masyadong nagmamadaling mahanap si love of my life. Kaya nga rin ako nasa ganitong posisyon dahil nga tinanggihan ko 'yung fiance ko dahil sa destiny na hinihintay ko. Oh well, ganyan talaga ang life. Bihira ang ups kesa sa downs. Minsan nga halos hindi ka na makatayo dahil sa dami nang downs mo sa buhay pero sulit naman kapag bumawi si ups. Talagang happiness ang ibibigay niya sayo. Hehehe. Ang drama ko 'no? Hahaha! Anyways, 'yung tumawag nga pala kanina...let's say na isa siya sa mga lalaking nanligaw sakin na muntik ko ng sagutin... Nasa kanya na kasi ang lahat nang katangian na hinahanap ko sa isang lalaki eh. Gwapo, mabait, magalang, ma-respeto, sweet, loyal---ay hindi pala. Erase erase. Hindi pala siya loyal kasi nung araw na talagang nakapag-desisyun na kong sagutin siya ay tumawag naman 'yung pinsan niyang may crush din sakin at sinabing may girlfriend pala si loko tapos ngayon, tatawag tawag? Ano 'to? Lokohan? But still I confronted him para malaman kung totoo nga talaga 'yung sinabi nung pinsan niya sakin at umamin naman ang loko kaya ayun, hindi na natuloy 'yung pag-sagot ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)
RomanceA simple girl who lives in a very comfortable and carefree life... Not until, her parent's arranged her to marry someone she didn't know. That's why when she didn't agree with it... Her whole life changed and ended up in a dorm full of handsome and...