Chapter 11

415 22 12
                                    

A/N:

Good evening guys ~ ! :) Sorry kung medyo natagalan pero naka-abot naman ako eh. Hahaha! Enjoy Reading ~ Sorry for the errors kung meron man. Hehehe.

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 11: Not All Plans Will Be Perfect

JEREMIAH KIRA / REN YAMADA's POV

"Ren." narinig kong tawag sakin ni Klyden. Nasa kwarto na niya kami ngayon. Pagka-uwing pagka-uwi kasi namin, dito agad kami nagpunta. Somehow, kanina ko pa hindi nakikita at naririnig yung boses ng babaeng yun. Well, baka nasa school parin.

"Oh?" tanong ko.

"Pwede na 'to?" tanong niya sakin sabay bigay ng papel. Kanina ko pa nga napapansin na sulat ng sulat 'to. Kinuha ko 'to at binasa habang naramdaman ko si Kurt na sumilip sa gilid ko.

"Ano ba 'yan Klyd! Ang baduy naman!" reklamo ko ng mabasa ko 'yung nakasulat. Ano ba 'yan.

"Bakit? Hindi na ba uso ang harana?" takang tanong ni Klyd. Hay... Nasa modern times na kaya...

"Gusto mo ikaw na lang gumawa." sabi ko sa kanya sabay balik ng papel sa kanya. Una, ayokong kumanta. Pangalawa, ayokong mangharana!

"Bakit? Ako ba ang manliligaw?" tanong ni Klyd na ikinakunot ng noo ko. What?

"May point si Klyd." sabi naman ni Kurt sabay balik sa pagsusulat sa papel. Napabuntong hininga na lang ako. Tsk. Ang hirap naman nito oh. Napatingin ako sa pintuan ni Klyd ng bigla itong bumukas. Eh?

"Knock knock, Klyd papasok ako." narinig kong sabi ni Kris na nakapasok na ng kwarto ni Klyd bago makapagpaalam.

"What's the sense of asking a permission if you're already here, Kris?" inis kong tanong sa kanya na ikinatawa lang niya sabay upo sa tabi ni Klyd. Hay...

"Ang init ng ulo ni boss. Ano bang ginagawa niyo ha?" nakangiting tanong ni Kris kila Klyden.

"Huh? E'to, nag-iisip kung paano siya manliligaw kay Ysabel." simpleng sabi ni Klyden. Well, ang hirap naman talagang manligaw---EH!?

"Klyden!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng notebook na nahawakan ko sa gilid ko na agad naman niyang nailagan. Abnormal 'to ah. Ipagkalat ba?

"Ooopppss. Gomen(sorry), Kira. Hehehe." naka-piece sign na sabi ni Klyden na ikinabuntong hininga ko na lang. Akala ko ba, sikreto? Bakit sinabi niya? Jusko. Tama ba ang naging desisyon kong sabihin sa kanya?

"Hmmm... Ganon ba..." narinig kong sabi ni Kris na ikinatingin ko naman agad sa kanya. What's with that? Hindi niya ba ko aasarin?

"Oh, bakit ganyan tingin mo, Kira?" tanong ni Kris habang nakatingin parin sakin.

"Hindi mo ko pagtatawanan, Kris?" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Aba, himala. Hindi nang-asar ang isang Kris. Anong nakain nito?

"Bakit ko gagawin yun? Obvious namang may gusto ka sa kanya kaya expected ko na." sagot niya sakin sabay higa sa sahig kung saan kami nakaupo. S-seryoso?

"G-ganon ka-obvious?" alanganin kong tanong sa kanya na ikinatango lang niya. Hindi nga? *sigh*

"Anyway, ano bang mga naisip niyo?" pag-iiba ng usapan ni Kris.

Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon