A/N:
Good Evening guys! I'm back! Here's the new chapter for Living with the Stars... Enjoy~~~
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.===========================================================================
Chapter 03: Getting to Know Them
KIMBERLY YSABEL's POV
"K what?" Kunot noong tanong ko habang nakatingin sa kanilang lahat... Wait, what? Nabibingi lang ba ako o talagang ang weird lang talaga ng pangalan nila?
"K9 Dorm. Bakit?" Narinig kong sabi ulit ni Klyden habang nakatingin din silang lahat sakin. Talaga ba? At dahil hindi ko na napigilan pang matawa ay natawa na nga ako. Oh my gosh. Seryoso ba sila? As in canine?
"Excuse me? Bakit ka natatawa?" Masungit na sabi ni Kira sakin dahilan para matigil ako sa pagtawa. Hay naku... Panira talaga 'to ng moment, parang 'yung dalawa kong kuya. Tsk. Taas noo akong tumingin sa kanya at saka ko siya inirapan at nag-diretso sa dining area. Nakita ko siyang napakunot noo na lang habang tinititigan niya ko na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Hay naku, kakaiba talaga ang ganda ko kaya 'wag ng pakatitigan pa. Ikaw rin, baka ma-fall ka sakin niyan. Hahaha! Umupo na ko sa upuan at nilingon silang lahat na parang ewan lang na nakatingin parin sakin. Anong itsura 'yan? Ang weird nilang lahat.
"Anyways, let's eat. Nagugutom na ko kanina pa." Sabi ko sa kanila na ikinatango na lang nila bago sila lumapit at nag-si-upuan. Eh? S-sandali lang... Bakit siya nakaupo sa tabi ko!?
"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalagay siya ng tubig sa baso niya.
"Let me tell you something, Ms. Ybalez..." Narinig kong sabi ni Kira bago niya ko nilingon at tinignan ng masama. Hala siya oh... Para saan naman yan?
"In this dorm we have rules and one of those rules are the sitting arrangements. Since you chose this chair which is Knight's seat before then we can't do anything about it. You're our new dorm mate and we have to respect your decisions. Right, Knight?" Narinig kong sabi ni Kira na ikinatango naman ni Knight. Huh? A-ano!? Wait! I don't even know about that! Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Keith.
"Let's pray." Seryosong sabi ni Keith dahilan para hindi na ko makapag-protesta pa. Kakatapos lang namin mag-dasal at kumakain na nang biglang nagsalita si Klyden.
"Pero alam niyo ba? Hindi ko na talaga maintindihan si Manager A." Narinig kong sabi ni Klyden. Manager? Bakit sila may manager? Mga artista ba sila?
"Bakit? Ano na namang nangyari?" Tanong naman sa kanya ni Kris.
"May tinatanong lang naman ako about sa schedule ko this coming week tapos nagalit na lang bigla sakin. May masama ba sa tinanong ko?" Reklamo ni Klyden habang kami ay nakikinig lang...or shall I say, ako dahil sila sila lang naman nagkakaintindihan.
"Wala naman pero sino bang normal na tao ang nakakaintindi sa kanya?" Pabirong sabi naman ni Kurt sa kanya na ikinatawa naman nilang lahat. Hmmm...? Nakaka-curious naman yung Manager A na yun...
"Meron syempre! Ang ating Kira Fuentabella!" Sabi naman ni Kevin dahilan para titigan siya ng masama ni Kira. Eh ~ ? Talaga ba?

BINABASA MO ANG
Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)
RomansaA simple girl who lives in a very comfortable and carefree life... Not until, her parent's arranged her to marry someone she didn't know. That's why when she didn't agree with it... Her whole life changed and ended up in a dorm full of handsome and...