Chapter 09

243 13 1
                                    

A/N:

Good Evening guys! Happy Valentines Day! :D Here's Chapter 9... :) Enjoy ~~~

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 09:Hamster

KIMBERLY YSABEL's POV

"From now on, no one is allowed to hug her." ma-otoridad niyang sabi sa kanila at nakita ko silang biglang nagtingin sa isa't isa. Ano 'to? Tinotoyo na naman ata si Kira ah. Tatanggalin ko na sana yung braso niya sa balikat ko ng pigilan niya ko. Eh?

"Huh." tanging nasabi nung walo. Yes, kompleto nga sila dito. Mukhang nag-aalala talaga sila samin.

"Because from now on...she's mine."

*silence silence silence*

"EH!?" nababaliw na ba 'tong isang 'to? Anong pinagsasasabi nito?

"Se-seryoso ka, Kira?" hindi makapaniwalang tanong ni Knight sa kanya habang siya napatango lang sabay higpit ng hawak sakin. Nababaliw na talaga siya!

*insert minion ringtone*

"Hay naku, Kevin. How many times do I have to tell you na palitan mo na yang ringtone mo? Nakakainis pakinggan." pagsusungit ni Keith kay Kevin na tinaasan lang ng kilay ni Kevin.

"Walang kang pake sa ringtone ko. Hello? Yes, speaking..." *sigh* Mukhang mag-aaway na naman sila. Nabalik ang tingin ko kay Kira na naka-akbay parin sakin. Aba, feeling close tong lalaking 'to ah. Tinanggal ko ang braso niya sa balikat ko sabay layo sa kanya. Ewan ko ba pero parang nailang na lang ako bigla sa kanya. *sigh* Listen Ysabel, he doesn't mean anything. Gusto ka lang niyang maging utusan kaya niya sinabi yun. Gusto ka lang niyang maging P.A. Wag kang ambisyosa. Eh? Napailing na lang ako bigla sa naisip ko? Ano ba 'tong mga iniisip ko. Wala akong gusto kay Kira...WALA! Nabaling ang atensyon naming lahat ng biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. Hala!

"Guys dalian niyo! Baka magkasakit pa tayo." sigaw ni Klyden samin sabay takbo na sinundan naman naming lahat. Huhuhu. Ang dilim na at sobrang lamig pa. Anong oras na ba? Kinapa ko sa bulsa ko yung phone ko para tignan kung anong oras na ng matigilan ako bigla sa pagtakbo.

"Hoy! Ysabel!" narinig kong tawag sakin ni Kira. Hala. 'yung phone ko nawawala. Paano ko matatawagan sila mommy? Agad akong bumalik dun sa lugar na pinaglaglagan namin. Kailangan kong makuha yung phone ko.

"Ysabel!" yung phone ko...

JEREMIAH KIRA's POV

Tumatakbo na kami pabalik ng dorm dahil biglang bumuhos tong malakas na ulan na to. Idagdag mo pa na may sugat ako sa balikat ko. Hindi siya gaano kalaki pero ang sakit sakit. Sumabit kasi ako nung bumagsak ako sa isang kahoy kaya ayun...eh? Napatigil ako sa pagtakbo nang mapansin kong napatigil sa pagtakbo si Ysabel. Anong problema nito? Gusto ba niyang magkasakit!?

"Hoy! Ysabel!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinapansin. Anong nangyayari dito? Sisigawan ko na sana ulit siya nang bigla na lang siyang bumalik at tumakbo doon sa pinanggalingan namin kanina.

"Ysabel!" sigaw ko sa kanya pero patuloy parin siya sa pagtakbo. What the!

"What's wrong, Kira?" tanong agad sakin ni Knight.

"Go ahead. Susundan ko lang si Ysabel." ewan ko pero bigla akong kinabahan. Hindi ko maintindihan pero kusang kumikilos ang katawan ko kapag nawawala sa paningin ko si Ysabel. Hindi ko maintindihan...

Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon