Chapter 08

317 15 4
                                    

A/N:

Hello sa inyong lahat!!! Merry Christmas! :D E'to na po ang update ko. :) Votes and Comments are highly appreciated. :) Thank you so much for the support! :D And also, sorry for the errors if ever meron. Not yet edited. :) Enjoy~~~

Vote if you want.

Comment if you like.

Follow if you desire.

=============================================================================

Chapter 08:Knowing Ren Yamada

KIMBERLY YSABEL's POV

"Kira, sorry na nga hindi ba?" hinging tawad ko sa kanya habang siya'y hinihimas himas niya yung balikat niya.

"Sorry? 'yan na lang ba ang alam mong sabihin ha!?" singal niya sakin na ikinaitlag ko. Napayuko na lang ko. Ano pang magagawa ko eh nandito na kami...

"This is all your fault!" paninisi na naman niya sakin. Ano ba 'to? Kanina pa 'to sisi ng sisi ah!

"My fault? Excuse me!" singal ko rin sa kanya pero bigla siyang nagsalita na ikina bwiset ko lalo.

"Sige, daan ka." aba't pinipilosopo pa ko nito? Ibinato ko sa kanya yung hawak kong bag at ayun, sapol siya sa ulo. Narinig ko siyang napamura sabay harap sakin at titig ng masama.

"What the hell is wrong with you!?"

"Pilosopo ka kasi! Tsaka hayaan mo ko magsalita! Wag kang sabat ng sabat! Oo, kasalanan ko kung bakit kailangan natin tumulong sa student council members pero hindi ko kasalanan na iniwan mo ko kaya ako naligaw dito!" okay... Sumabog na ko. Nakakainis kasi 'tong lalaki na 'to eh. Walang ibang ginawa kundi ang manisi. How I wish, sana si Knight na lang ang naiwan at kasama ko ngayon dito. Huhuhu.

"Hindi nga kita iniwan! Kung talagang iniwan kita e'di sana wala ako dito! Kasalanan mo lahat 'to! Palibhasa ayaw mong napagsasabihan!" napayuko na lang ako sa sinabi niya. Okay, nakokonsensya na talaga ako. Medyo...tama rin naman siya eh...

"'wag mong isisi lahat sakin, okay! Nakakainis ka na." guilty kong sabi sa kanya. *sigh* Pambihira siya naman talaga yung may kasalanan eh pero bakit ako nakokonsensya? Want to know what really happened? Ganito kasi 'yan...

=====FLASHBACK=====

Hay... Natapos narin sa wakas ang first day of my class sa bago kong school, which is ang Cleomont Academy nga. Time Check-5:57pm. Napabuntong hininga na lang ako at saka nag-ayos ng mga gamit ko. Time to go and face my consequences of being late this morning. *sigh* Nakakainis na first week 'to...napaka malas ko naman ata. Mga bandang 7pm na ko makakabalik sa dorm namin tapos may mga homework pa. Huhuhu. Grabe naman 'tong school na 'to. Kaya pala tinawag na very punctual 'tong school na 'to dahil sa mga rules na ganun. Huhuhu. Nakakainis. 'yung first week of being a 2nd year college student ko dito sa Cleomont Academy naging disaster pa. Huhuhu. Naglalakad ako ngayon papuntang canteen at nagugutom na ko. Hindi kasi ako nag lunch kanina at tumawag si mommy. *sigh* Ayun, stress sa kambal. Iyakan ba naman siya eh. *sigh* I miss them already. Lexus, Amber, kamusta na kayo? Nag-iisip ako habang naglalakad ng bigla akong nabangga at tumalsik ako...'de joke lang. Napaupo lang pero...aray lang ha...

"Psh. Napaka-clumsy mo talaga, Ysabel." napatingin ako 'dun sa nabangga ko at napakunot noo. Hay naku, andito na pala si sungit...

"What are you looking at, Ysabel? Alam kong gwapo ako pero---"

"Hindi ka gwapo! Tabi nga." sabi ko sa kanya nang makatayo na ko at ako na ang nagbukas ng pintuan ng student council room. Lumalakas na naman ang hangin dito. Tststs...

Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon