A/N:
Happy Morning everyone! Chapter 7 is up! :) Votes and Comments are highly appreciated. :) Sorry for the errors if ever meron. :) Enjoy~~~ :D
Vote if you want.
Comment if you like.
Follow if you desire.
=============================================================================
Chapter 07:First Day of Class
KIMBERLY YSABEL's POV
*kring kring kring*
Hmmm...? Dahan dahan akong umupo sa kama at pinatay yung alarm clock na nasa ibabaw lang ng side table ko. Nag inat muna ako saka tumayo at pumunta sa bintana ko para buksan yung kurtina.
"Good morning sunshine!" masiglang bati ko after kong magkusot ng mata. Hay... It's now June 18 at start na ng pagiging second year college life ko dito sa Cleomont Academy. New Life Style, New Surrondings, New Classmates at bagong pakikisama. *sigh* Naalala ko yung mga kaibigan kong naiwan ko sa dati kong school. *sigh* Naglakad na ko papuntang c.r. at nagsimula ng mag-ayos. I should forget them katulad na lang ng ginawang paglimot nung mga inakala kong kaibigan ko pero ang habol lang pala sakin ay yung kung anong meron ako. After kong maligo at magbihis ay nag-ayos na ko ng mga gamit ko. Eh? Where's my cattleya anyway? Hinanap ko sa study table kong magulo yung cattleya ko pero wala. Ah, baka nasa ilalim ng kama. Lumuhod ako at tinignan kung nandun pero wala parin. Ah, baka nasa box. Kinuha ko yung mga box na hindi ko pa nabubuksan sa tabi ng pintuan pero wala parin. *sigh* Relax Ysabel. 8:38 am palang at 11 am pa ang start ng first class mo. Halos mabaliktad ko na yung buong kwarto ko pero wala akong mahanap na cattleya! Huhuhu. Bakit hindi ko makita? Asan na yung Strawberry Shortcake Cattleya ko!? Napa-itlag ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Tumayo ako at binuksan yung pintuan at nakita ko ang nakakunot noong si Kira. Anong ginagawa niya dito?
"Bakit Kira?" takang tanong ko. For the past weeks, ngayon lang siya kumatok sa kwarto ko.
"Anong nangyari? May nakapasok bang bagyo sa kwarto mo?" kunot noo niyang sabi sabay pasok sa kwarto ko ng walang pasabi. Eh!?
"Hoy Ki---"
"Kwarto ba talaga 'to? Aish." reklamo niya sabay iling.
"Pssh, kung ayaw mong makita 'to, e'di lumabas---"
"Yung dating malinis na kwarto na 'to naging tambakan na ba ng basura?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw!?
"Anong---" napatiim bagang na lang ako. May pagka bastos talaga 'tong taong 'to. Nagsasalita pa ko eh. Bastos! Kaasar!
"May hinahanap ka ba?" huh?
"Huh?" tanging nasagot ko sa kanya na ikinakunot ulit ng noo niya.
"Ang sabi ko, kung may hinahanap ka? Imposible kasing wala. Ano 'to? Sadyang marumi ka lang sa kwarto?" napakunot narin yung noo ko sa sinabi niya. Aba't!
"Hindi! Nawawalan lang ako at hindi ko siya makita!" sigaw ko sa asar. Kakaasar 'to ah. Tumalikod ako sa kanya at sinimulan ko ng mag-ayos ng mga ikinalat ko. Bwiset! Asan na yung pinaka mamahal kong Strawberry Shortcake.
"Ano nga yun?" napabalik ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama ko.
"Hoy. Kung wala kang matinong gagawin dito. Umalis ka na." asar kong sabi sa kanya at saka ako bumalik sa ginagawa ko. Naasar na napipikon na ko. Ang ayoko kasi sa lahat nawawalan ako. Huhuhu. And worst yung strawberry shortcake ko pa! Huhuhu.

BINABASA MO ANG
Living with the Stars (𝓤𝓷𝓭𝓮𝓻 𝓔𝓭𝓲𝓽𝓲𝓷𝓰)
RomanceA simple girl who lives in a very comfortable and carefree life... Not until, her parent's arranged her to marry someone she didn't know. That's why when she didn't agree with it... Her whole life changed and ended up in a dorm full of handsome and...