CHAPTER 42

42K 1K 12
                                    

Scarlette's POV

Bago kami pumunta sa condo ni Jarred ay dumiretso muna kami sa mall para mag grocery. Pagpasok palang namin sa entrance ng mall ang dami nang naka tingin samin. Sino ba namang hindi titingin ang gwapo kaya ng kasama ko poker face nga lang. Haha.

At syempre ako na mukhang dyosa kahit naka uniform pa. Kumuha na kami ng cart at pumasok na. Lagay lang sya ng lagay ng kung ano ano sa cart. Napatingin ako dun sa mga chocolate.

"Hubby wait lang ah."

Pumunta ako dun sa mga chocolate at kumuha ng tobleron at goya at choco mucho. Favorite ko to eh.

Napataas ang kilay ko ng may mga babaeng nakahawak na sa kamay ng hubby ko pagbalik ko. Nalingat lang ako sandal, may dumidikit na agad mga linta.

Tsk! Naghahanap ba sila ng away.

"Get off me." Yung mukha ni Jarred parang sobrang inis na.

That's my boyfriend.

"Magpapasama lang kami sayo." girl 1

"I said get off me." malamig na sabi ni Jarred

Uh-oh

Hindi man lang natinag yung mga babae. Lumapit na ako sakanila.

"Hubby alam mo ba kung nasan yung mga milk. Ubos na kasi yung gatas ng baby natin eh." Malambing kong tanong sabay kapit sa kamay nya.

Nakita kong umangat yung sulok ng labi ni Jarred.

Tinaasan ako ng kilay nung isang babae.

"Wag mo akong taasan ng kilay baka gusto mong ahitin ko yan." Maarteng sabi ko sakanya.

"At sino ka naman? Ikaw asawa ni Tristan? Eh mas maganda pa ako sayo eh."

Uminit ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi nya. Gago pala to eh. No wonder na kilala nya si Jarred dahil sikat ang asawa ko sa ibat ibang school.

Nakaka agaw na kami ng atensyon sa mga customer dito.

"Ikaw maganda? San banda? Eh mas malinis pa ang talampakan ko kesa jan sa labas mong pusod na sobrang itim eh." Tiningnan ko pa ang tyan nyang labas ang pusod. Akala mo naman ang liit ng bewang.

"Y-you..... you witch!."

Hahaha. Natatawa ako sa itsura nya. Pahiya eh. Hindi kasi kinikilala binabangga eh.

"Anong nangyayari dito?"

May dumating bigla na guard sa harap namin.

"This girl" sabay turo nya sakin pero nginisihan ko lang sya. "nakita kong nagnanakaw sya dito!"

Napatingin sakin yung guard at nanlaki bigla yung mata nya.

"Maam Scarlette! Pasensya na po kayo. Ako na pong bahala dito Maam."

"Anong sinasabi mo jan? Hulihin mo sya!"

Naiinis na lumapit ako dun sa babae at tiningnan sya ng matalim.

"In case you didn't know. I own this mall, dear." I glared at her at tumingin ako dun sa guard.

"Palabasin mo na sya at wag nang papasukin ulit dito. She's banned in this building kasama yang mga alalay nya." sabi ko sabay turo dun sa mga kasamahan nya.

"Yes Maam."

Nilapitan ko si Jarred na poker face pa din pero ngumiti sya ng bahagya ng makalapit ako.

GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon