Alexis's POV
1 week na ang nakalipas at nakalabas na rin ng hospital si Venice. Mas lalo itong naging play girl sabay sabay ang boyfriend at higit sa lahat napaka cold nya at hindi nagpapakita ng emotion nya maliban nalang kapag may trip syang lalaki. Hindi sya yung Venice na kilala ko, nakakatakot sya ngayon. Minsan ngang may humarang sa dinadaanan nya ay binugbog nya.
Hindi parin kami sanay na ganun ang ugali nya. Alam na din ng mga lalaki na gangster kami. Hindi naman sila nagalit kung bakit hindi namin sinabi sakanila..'astig nga eh' yan pa ang sinabi nila.
Alam na rin namin ang nangyari sakanila ni Luke. Nagalit ako nung una kay Luke pero nung nalaman ko yung reason nya, mejo hindi na ako galit. Hahaha. XD
Hindi din sila nagpapansinan ni Venice at naawa ako kay Luke pagnakikita nyang may kasamang iba ibang lalaki si Venice. Kahit hindi nya sabihin alam namin na umiiyak sya pag nakikita nya si Venice.
Andito kami sa classroom namin at wala pa yung proof namin ng may lumapit kay Venice na isang babae.
"Kumusta ka naman Venice?" girl na nakangiti pero halata mong plastic. I rolled my eyes. Naiinis talaga ako kapag may nakikita akong mas plastic pa sakin. Haha.
Tiningnan lang sya ni Venice ng malamig at tinalikuran.
"Kaya ka siguro iniwan ni Luke dahil sa ganyang ugali mo." girl
Uh-oh! Wrong move girl. Tsk!
Humarap sakanya si Venice at ngumiti ng nakakatakot.
"Kung mahal mo pa ang buhay mo manahimik ka nalang, o baka naman gusto mong patahimikin na kita habang buhay?" malamig na banta ni Venice.
Natameme ito at pagkaraan ay ngumiti ulit. Ang tibay din ng isang to.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ka nakunan girl." nakangiti pang sabi ng babae.
O____O
How did they know?!
*SLAP!*
Sinampal ni Venice yung babae ng sobrang lakas at napasubsob yung babae sa sahig. Mangiyak ngiyak na tumingin yung babae kay Venice.
"You bitch!" girl
"Oh yes, I'm a bitch and this bitch can kill you right now. So you better shut the fuck up." Venice
Mahina lang ang pagkakasabi nya nun yung tipong kami lang ang makakarinig. Nakakatakot si Venice ngayon. Sasampalin sana nung babae si Venice pero hinawakan kaagad ni Venice ang kamay nung babae at pinilipit. Napasigaw naman yung babae.
Yung kaninang maingay na classroom ngayon parang nasa sementeryo ka sa sobrang tahimik at lahat ay gulat na nakatingin sa eksena nila Venice.
"Prepare for the lost of your parent's company and all your dirty businesses." Venice sabay bitaw sa kamay nung babae
Shock yung babae sa binitiwang salita ni Venice. Well, who wouldn't? Hindi kasi nag iingat ng mga sasabihin. Buti nga sakanya. Kahit ako gusto kong gilitan ng leeg yung babae. Buti nga nakapag timpi yung dalawa. Oh well problema ni Venice yun so we should not interfere. Hinayaan lang namin si Venice, yun kasi ang sabi ni Scarlette. Napatingin ako sa may labas ng room namin.
-____-
"Ano pang sinisilip silip nyo jan?! Tapos na ang action movie, magsilayas na kayo!" sigaw ko dun sa mga usesera. Kaimbyerna! Lumalabas yung lamig ng aircon eh. LOL!! XD
Dali dali namang umalis yung mga studyante doon sa bintana. Tss!!
"Oh kayo? Hindi maka get over? Gusto nyo pa ng part two?" baling ko sa mga classmate ko na tahimik parin. Gusto kong matawa nung magsiayos sila bigla nang upo. Hahaha
"BABY!!" Napairap ako nang biglang lumagabog yung pinto. Anak ng! Kahit kelan agaw atensyon ang gagong to. -___-
Yung tatlo naman nakasunod sa likod nya na parang kinakahiya sya. De joke lang. Haha.
"Ano nanaman?" naiinis kong tanong sakanya. Powta! Nagpa cute lang ang lintek, bakla ba to? =____=
"Ikaw naman baby, namiss lang kita. Hehe." Alanganing sabi nya. I just rolled my eyes.
"Stop calling me 'baby' Vince." pasalampak akong umupo sa chair ko, hindi ko alam napatayo pala ako kanina nung sumigaw ako..XD
"Alam mo ba blaahh blaahh blahh tapos blahh blah blahh."
Hindi ko pinakinggan yung sinasabi nya at umubob nalang sa desk ko. Parang babae ang daldal. Tsk! Sumasakit ang ulo ko sa dami kong iniisip dagdag mo pa itong pabebe na katabi ko. Nakakairita diba?
=___=
_______________
A/N: ajujujuju! xD vote poh kayo..xD
BINABASA MO ANG
GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)
AcciónA girl who's seeking for revenge. ___ Watch: https://www.youtube.com/watch?v=-pPak8rx1_0 to know the characters.