Scarlette's POV
(9 months later)
Minsan sa buhay natin may mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari pero sa mga nangyaring masasakit sa buhay natin ay kelangan natin magpakatatag. Katulad ko, kung nawalan ako ng pag asa na magigising pa si Jarred ay wala na sana sya sa tabi ko. May mga hindi lang talaga magagandang bagay ang dumadating sa buhay natin, mga pagsubok na binibigay ni God satin. Sa lahat ng yun kelangan natin maging matatag para malampasan natin yun. Hindi natin kelangan isipin na hindi natin kakayanin kasi hindi tayo bibigyan ni God ng pagsubok ng hindi natin malalampasan.
Anyway itatanong nyo ba kung ano nangyari sa barkada? Well iisa isahin ko. Alam ko naman na gusto nyo rin malaman eh.
Si Gail at Drake ayun kasal na sila. Eight months na ang tyan ni Gail. Yung pinapatayo nilang agency ay tapos na. Andun ang bahay nila, may village kasi yung agency namin. Lagi silang nandun sa control room dahil sa mga mission na mga dumadating. Pero bawal ma stress ang buntis kaya minsan si Drake lang ang gumagawa ng trabaho.
Si Venice at Luke naman kasal na din at buntis si Venice ng two months. Ang bahay nila ay dun sa villa ng agency. Ayaw daw kasi nilang magkakalayo ang bahay namin. Ang corny diba? Haaha. Masaya ako para sakanila. Agent silang pareho well lahat kami. Yun nga lang bawal kaming mga buntis tumanggap ng mission.
Si Alexis at Vince naman ay ikakasal na next month. Sa village ng agency din naman ang magiging bahay nila. Makulit parin silang pareho at under na under si Vince. Hahaha. Lagi silang magkasama sa mission.
May hospital dito at ang doctor namin ay si Troy at Katelyn. Ang astig diba? Haha. Oo pinaghandaan lahat namin to incase of emergency.
Marami narin ang agent dito at yung front naming hotel ay may kainan, samin yun ni Jarred ang 'Angels' si Jarred ang nag pangalan nun. Kinuha nya sa second name ko. Ang sweet diba? Haha.
Tinatanong nyo ba kami ni Jarred? well......
"Hubby!!!!!" Sigaw ko
Dali daling bumukas yung pinto at pumasok si Jarred na habol ang hininga.
Ang hot ng hubby ko!
"Bakit wife? May masakit ba sayo?" Natatarantang tanong nya. May mga bubbles pa sya sa kamay at basa na din ang damit.
Natawa ako sa itsura nya. Haha. Ang bahay namin dito ay isa sa mga villa. Nga pala ang pangalan ng agency namin ay 'Black Angels Organization' Combination name ng gang naming walo.
Tiningnan ko si Jarred.
"Wala naman. Namimiss lang kita." naka ngiti kong sabi
"Wife naman kanina mo pa ako tinatawag eh. Hindi pa ako tapos sa nilalabhan ko." nanlulumong sabi nya saka lumabas
Haha. Ayaw nya kasing tulungan ko sya maglaba eh kaya ayan kahit hindi sya marunong sige lang ng sige.
Ang bait ng asawa ko no? Oo nga pala kabuwanan ko ngayon and guess what? Kambal ang anak nami--
Shit!
Aaahhh! Ang sakit ng tyan ko. Okay Scarlette relax ka lang jan at tawagin mo ang hubby mo.
"HUBBY!!!!!" Tili ko.
"Wife wag mo muna ako storbohin ang dami ko pang lalabahan." sigaw nya mula sa labas
Huhuhu. Ang sakit ng tyan ko ..
"Damnit! Kapag wala kapa dito ng limang segundo sa labas ka matutulog ng isang taon!" sigaw ko habang nakahawak sa tyan ko
BINABASA MO ANG
GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)
ActionA girl who's seeking for revenge. ___ Watch: https://www.youtube.com/watch?v=-pPak8rx1_0 to know the characters.