CHAPTER 22

46.9K 1.2K 2
                                    

(Continuation of flasback)

Tristan's POV

Tahimik lang kami habang nasa byahe, alam nyo ba kung san kami pupunta?, syempre hindi nyo yun alam kaya secret lang yun.

"Enchanted kingdom?"

Yan agad ang tanong nya pagka baba namin.

"Yeah, don't you like it here?" tanong ko

"No, I mean It's not like that,its just that hindi pa kasi ako nakakapunta sa mga ganito." sabi nya

i smiled, so It's her first time, and ako pa ang kasama nya. Nakakahiyang aminin but fvck! Kinikilig ako.

"Tara pasok na tayo?" Yaya ko

Tumango naman sya, bumili muna kami ng ticket yung ride all you can tapos kumain muna kami pagkatapos ay naglibot na kami para maghanap kung san pwede sumakay.

"Tara dun tayo." sabay turo dun sa ferris wheel

"Uhm, mamaya na tayo sumakay jan." sabi ko

Tiningnan naman ako ni Angel at ngumisi.

"Takot ka sa mataas noh?" nang aasar na tanong nito

"Hindi ah." tanggi ko

Takot talaga ako sa mga matataas. Oo na ang bakla pakinggan pero yun ang totoo eh.

"Fine, let's go." sabi ko. Wala naman ako magagawa eh. I want to her smiling always.

Ngumiti naman ito ng matamis, nakaka tulala talaga kapag ngumungiti sya.

"Hoy tara na! Tulala ka nanaman sa ganda ko, hahaha." Angel

Pumila na kami dun at maya maya pa ay sumakay na kami.

Scarlette's POV

Nung nasa taas na kami, tiningnan ko si Jarred at namumutla na ito. Gusto kong tumawa ng malakas pero hindi ko magawa. Nilapitan ko sya at tumabi sakanya.

"Are you okay?" tanong ko

"Yeah." sabi nito

h
Halata namang hindi sya okay, hindi naman kabawasan sa pagkalalaki nya kung aamin sya. Tss!

"Ok." sabi ko at umalis sa tabi nya

"Wait Angel!" tawag nito

"Bakit?"

"Ahhm, c-can I hug you para mawala ang hilo ko?" Jarred

Umiikot na kasi kami. Tiningnan ko ulit si Jarred, I felt guilty so I decided so seat beside him and hug him.

chansing ako eh!

^____^

"Better?" tanong ko pagkaraan

"Yes." Jarred

_____________________________________________________

Tristan's POV

Kanina pa kami dito sa EK pero parang walang kapaguran si Angel. Halos nasakyan na namin ang lahat ng rides dito. Yung iba inuulit pa namin. Pero ok lang naman, as long as nag eenjoy sya hindi ako mapapagod. Andito kami sa isang bench naka upo dahil katatapos lang namin sa isang rides na inulit lang namin.

"Gutom kana ba?" me

"Mejo." Angel

"Ano gusto mong kainin?" luminga linga muna sya bago sumagot

"Ayun oh may isawan." turo nya dun sa isang stall

"Err wag yan, baka hindi malinis yan." ako

"Hindi yan, tara!" sabay hila sakin

pagdating namin dun.

"Manong sampung isaw nga po." angel

Napanganga ako sa sinabi nya, sampu? Seriously kaya nyang ubusin yun?

Binigay ni manong yung isaw kay Angel at sinimulan nya itong kainin, pinapanoud ko lang sya kasi ayoko naman talagang kumain nun.

"Gusto mo?" alok nya

"No, thanks." tanggi ko

"Masarap naman to eh."

Mukha ngang sarap na sarap sya. Ang takaw nya kasi eh. May sauce pa sya sa may gilid nang labi kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at lumapit skanya.

Natigilan sya sa ginawa ko. Kahit ako natigilan din at napatingin sa labi nya pero agad din akong nag iwas ng tingin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko sya.

"Ang kalat mong kumain" natatawang sabi ko

"S-salamat" Angel

"Ang sweet nila."

"Oo nga, ang hot nung boy."

"Maganda naman yung girl kaya bagay sila."

Napangiti ako dun sa huling nagsalita. Kelan kaya ako sasagutin ni Angel hmm..hindi naman ako nagmamadali, Its just that I want her to be mine officially. Marami ang nagkaka gusto sakanya, mahirap na baka maagaw pa ng iba, but before they can do that I'll surely kill them. Angel is only mine.

"Hi kuya." may lumapit saming babae

Hindi ko ito pinansin at tiningnan lang si Angel na busy parin sa pagkain nya. Ang takaw talaga. Tsk!

"Girlfriend mo? hindi kayo bagay." girl

Tumigil si Angel sa pagkain at tiningnan yung babae.

"At sa tingin mo kayo ang bagay?" mataray na sabi ni Angel

"Ofcourse! Maganda ako at gwapo sya, kaya bagay kami." girl

'masyadong bilib sa sarili ang isang to' sabi ko sa isip ko.

"Umalis kana dito kung ayaw mong itarak ko sa mata mo tong stick na hawak ko." cold na sabi ni Angel

Natigilan ako ng marinig ko yun, parang.....

imposible, hindi sya yun,..

"Hindi mo yan kayang gawin." girl

Lumapit si Angel sa babae at may binulong. Hindi ko naman narinig kung anu yung sinabi nya, pero base sa reaksyon ng babae mukhang tinakot ito ni Angel.



VOTE, COMMENT AND FOLLOW!!

GODDESS OF GANGSTER (COMPLETED) (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon