Normal"Money down." Salubong ko kay Ashley-- yung bestfriend ko ng magkita kami. Nung isang linggo pa natapos yung bet namin pero parang pinagtataguan ata ako ng bruha. 1.5 kaya ang talo nya..bwahaha..
"Pwedeng 500 muna?" angal ni Ash.
"Hindi pwede. 60% yung usapan nating partial payment diba?" I said wickedly.
"Ang tuso mo talaga....O ayan 900." Padabog at nakasimangot pa syang nagbayad sakin. Napangisi naman ako.
"Thanks. Sa susunod ulit ha?" naka evil smile kong sabi.
"Tse!" inirapan nya ako." Sisiguraduhin kong matatalo din kita sa pustahan." taas kilay nyang sabi.
Ang lakas talaga ng fighting spirit nitong si Ashley. Wala naman talaga syang panalo sakin pagdating sa pakikipag pustahan kung tungkol dun sa mga girlfriend ni De Vieja. Kilala ko na si Aaron, matagal na, kahit hindi kami naguusap nun. Yung mga style nya, diskarte nya at mga pambobola nya. Alam na alam ko na.
"Sa susunod, gusto ko yung bago mong Scarf ang ipusta mo." sabi ni Ash habang inaayos yung paper bill sa wallet nya.
"Sure! kahit isali pa yung bago kong summer hat. Basta lakihan mo naman yung susunod mong pusta." I said.
"Tse! Mas malaki pa nga ang pusta ko kesa sayo." ismid nya.
"Jac, Ang gwapo nun oh." Sabay turo nya sa lalaking nakatayo sa gazebo.
"Ang panget nyan. Yun O!" turo ko naman sa lalaking may kausap sa cellphone.
Hindi lang naman ang pakikipag pustahan tungkol sa mga girlfriends ni Aaron ang lagi naming pinagkakaabalahan, paki ba namin sa lalaking yun. Nag bo-boy hunting rin kami noh. Tulad ngayon, andito kami sa park. May brown out kasi at nakakainip sa bahay kaya nakapagpasya kami na lumabas at napili namin na dito sa park since ang daming tao sa mall.
"Mas gwapo kaya nun." Giit nya dun sa lalaki na tinuro nya.
"Mas gwapo yung mestizo kesa dyan sa chinito mo." I replied.
"Alam mo, ang hilig mo sa mestizo." pinitik pa ako sa noo.
"Hoy! Ang sakit non." gaganti pa sana ako pero napigilan nya naman yung kamay ko.
"Wag ka nang gumanti-" bigla syang napatulala. Na weirdohan naman ako sa biglang pababago ng reaction nya.
"Ash?" tawag ko sakanya kasi bigla syang na tulala. Lumingon ako at sinundan kung saan sya nakatingin and I saw familliar faces from our school.
"Pero mas gwapo talaga yung si Aaron." She said dreamily.
I rolled my eyes. Hindi parin pala nawawala ang paghanga nya kay De Vieja kahit pinagpupustahan pa namin yun. Crush daw nya yung mukha ni Aaron, pero di yung personallity kaya hinahayaan ko nalang. Yung mukha lang naman. Kahit nga ako nasasabit sa mukha nya pag nakita ko. Kung hindi ko lang kilala yung kumag, naku...matagal na akong naloko. As if naman gusto ko syang maging boyfriend.
Mukha naman kasi syang inosente. Mukhang hindi mambobola. Mukhang hindi paasa at playboy. Mukhang hindi mo papaniwalaan na ganon sya. Pero sabi nga diba "looks can be decieving." Kaya wag kayong papaloko. Mukha nya talaga! In his Face!
"Pero paasa naman at makasarili.Wag na nga yan! Hanap tayo ng ibang tanawin." nag nod naman sya at sabay naming kinuha yung binocular sa mga bag namin. Lagi talaga kaming may dalang binocular. Hindi naman kasi kayang mag zoom yung mga mata namin at gusto naming makita kahit yung nasa malayo.
"Ang ganda ng Sparrow. Parang Jack Sparrow." Sabi ko ng makakita ako ng Sparrow bird. Madalang na kasi yung mga Sparrow ngayon. Di tulag ng dati.
"Oo nga. Look! may nakita akong nest! Ang ganda....."
Habang nagsasalita pa rin si Ashley tungkol sa mga nakikita nya sa binocular nya ay may na cite ako na parang lumilipad na skateboard sa binocular ko.
Teka... Lumilipad na skateboard? LUMILIPAD NA SKATEBOARD?? WHAT???
Agad kong ibinaba yung binocular ko. And Yes! May skateboard na tumitilapon papunta sa amin!
"Ash!" Agad kong tinulak si Ash at yumuko kaming dalawa at malas pa ay pareho kaming nahulog sa bench. Tumayo na ako agad ng marinig ang pagbagsak ng isang bagay sa likod ng bench na inuupuan namin. Agad naman na nagsilapitan yung mga tao.
"Sorry Jac, Ash." Paumanhin ni Raph na pinsan ni Aaron. Agad naman nitong pinulot ang tumilapon na skate board.
"Ayos lang kayo?" Tanong ni Aaron na tinulungan naman si Ashley sa pagtayo.
Muntik na yun ah! Kundi ko yun nakita tyak, sapul ang mukha ko nun.
"Okay ka lang Jackie?" Tanon ni Aaron sakin.
Mabait naman si De Vieja as Acquaintance. Cool naman ako sakanya. Kaya lang, may pagka vain sa sarili at kadalasan pakitang tao. Wala naman akong issue tungkol sa kanya maliban nalang sa awa na nararmdaman ko sa mga babaeng pinaasa at pinaiyak nya. Syempre babae rin ako. At kaya siguro madami syang naloloko kasi mabuti naman sya sa kapwa nya maliban nga lang sa mga babaeng biktima nya. Pero pake alam ko ba sa girlfriend-business nya! Basta ako, pagnanalo ako sa mga pustahan namin ni Ashley, masaya na ako.
"Okay lang. Di naman ako natama-an." sagot ko.
Mga ganon lang kadalasan kahaba ang mga naging convo namin ni De Vieja since naging magkaklase kami. Hindi kami magkaaway ha? Sadyang ganon lang talaga...Normal Acquaintance.
![](https://img.wattpad.com/cover/34212990-288-k372697.jpg)
BINABASA MO ANG
Same Rules
RomanceAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.