Chapter 5

5 1 0
                                    


Baliw

"Kadalasan ang mga tao, pisikal na katangian lang ang nakikita. Pag nakakita ng tao na kasalungat sa physical expectation natin? Kahit gaano pa ka lakas ang tibok ng puso, parang walang nakikita. People tend to look from the outside not from the inside. Pag nakakita ng gwapo o maganda? Kahit normal lang yung heartbeat, inlove agad! Kaya maraming tao ang nalilinlang. Ang inaakala nilang love e, physical attraction lang pala. Kaya maraming nasasaktan sa huli." Mahabang litanya ko kay Ashley.

Nakapangalumbaba sya sa mesa habang nababasa ako ng libro. Panay kasi ang kwento nya kanina tungkol sa mga gwapong lalaki dito sa school.

"Crush lang naman, Jac. Alam mo, kunti nalang at iisipin kong allergic ka sa mga gwapo."

Ibinaba ko ang libro na binabasa ko. "Hindi naman ako allergic sa kanila." depensa ko. "Kadalasan kasi sa mga gwapo ay manloloko."

"May panget rin kayang manloloko! Atleast kung maloko man ako dun sa gwapo at hindi sa panget."

Tinaasan ko sya ng kilay. "So may plano ka talagang magpaloko?"

Ngumiti sya na nagpakita ng kanang dimple nya at umiling kaya pinanliitan ko sya ng mata.

"Tama na nga yan! Wala ka bang klase? Ako, nag aaral ako dito. Kaya mabuti pa lumayas ka na dito!" Taboy ko sakanya.

"Ikaw talaga. Ang tuso mo!" Biro nyang sabi sabay kurot sa tagiliran ko. Hinampas ko naman sya ng librong binabasa ko bilang ganti sa pagkurot nya pero di ko sya natamaan. "Bye, baby Jackie" Nanunuya nyang paalam with matching kaway.

Napangiti nalang ako ng lihim ng makaalis na si Ashley. 'Yung lukaret na yun. Tss...

"Ang saya natin ngayon ah?"

Bigla ako napatingin sa kung sino mang umupo at nagsalita sa kaharap kong silya. Napanganga ako ng makita ko kung sino. Kakaalis lang ni Ashley na panay ang kweno sa mga nakakasalubong nyang gwapo sa kabilang department, at ngayon may gwapo nga pero kasumpa sumpa naman sa pagkamambobola.

"Anong ginagawa mo dito? Pwede sa kabilang mesa ka nalang?" Malamig kong sabi kay Aaron. Kunwaring nagbabasa pa ako ng libro.

"Bakit? Bawal ba dito?" Inocente nyang sagot,

Ibinaba ko ang libro ko at masama syang tinignan.

Huminga ako ng malalim bago ako malumanay na nag salita.

"De Vieja, hindi naman sa pinagbabawalan kitang umupo dyan. Pero sana, isalang alang mo naman ang kapakanan at imahe ng taong isinasama mo sa inuupuan mo."

I smirked. Tinagalog ko na yun ah para gets na gets nya.

Ayoko atang masali sa mga paburito nyang sahog sa Fruit Salad!

Pinanliitan nya ako ng mata. "I don't see why people would think ill of someone I am with specially you."

Sandali akong napatanga sa sinabi nya. Napatawa tuloy ako ng pagak.

Oo nga naman no? Sino ba naman ang mag iisip ng masama kay Aaron e sa matino-tino naman sya at diba nasabi ko rin na mabuti sya sa kapwa. Pwera na lang sa mga babaeng ginagawa nyang taga-samba nya.

Sino nga naman ang mag iisip na si De Vieja ang walanghiya sa mga naging relasyon nya kung ang ending nga naman ng mga babaeng matino nung una ay baliw na baliw na sakanya. Tuwing natatapos nga naman yung mga relasyon nya ay talagang masasabi ng mga tao na dapat lang na hiwalay na sila kasi mukhang baliw na talaga yung babae. Kawawang mga babae... Pagkatapos ibigay ang lahat sa lalaking PAASA ay sila pa yung nagmukang masama.

"Ah?... Sorry, my bad. Oo nga naman." I said, trying to hide the sarcasm.


Same RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon