Naiinis
Ilang araw ko nang di nakikita si De Vieja. Hindi ko naman sya iniiwasan pero mukhang sya naman 'tong umiiwas saakin. Galit parin ata sya sa akin. I could say na Miss ko na sya... Miss ko na yung mga pang lilibre nya.
"Ginalit mo kasi." Wika ni Ashley nung kinabukasan nang magalit si De Vieja sa akin.
"Kasalanan ko ba naman kung GUILTY sya!" Depensa ko.
Nakakainis naman kasi yung ginawa nya. Imbis na medyo magaan na yung loob ko sa kanya ay muling nagbalik yung doubt ko sa kanyang pakikipag kaibigan, and take note, inamin nya!
At maliban sa hate ko ang mga playboys ay isa yung dahilan kung bakit kumulo yung dugo ko at nadagdagan yung inis ko sa kanya at sa mga tulad nya.
Wala talaga syang H! Muntik na akong madali. Hindi ko man lang napansin!
Napailing nalang ako.
"Uy, si De Vieja o." Turo ni Ashley ngayon sa bandang mga counters dito sa cafeteria.
Sinundan ko ng tingin si Aaron hanggang sa dumako ang paningin nya sa amin at baliwalang umiwas.
"Aba! Inisnab tayo, Jackie!?" Di makapaniwala si Ashley, kahit ako rin.
"Alam mo, tumitino na daw yang si De Vieja."
Napabaling ang tingin ko kay Ashley di makapaniwala sa sinabi nya.
"Saang ustesera mo naman nakalap ang chismis na yan?" Malamya kong tanong.
"Narinig kong pinag uusapan ng mga kaibigan niya kahapon." Kibt nya, "Narinig ko pa ngang sabi ni Sean na yung Fiona daw ay matagal na daw na may gusto kay Aaron. Sinabihan lang daw ng HI, nag assume na na nililigawan na sya ni De Vieja. Tignan mo nga naman, yung babaeng yun naman pala talaga ang feelingera."
My jaw dropped. Di ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Ashley... Kung ganon...
"Ano naman ang konek dun sa pagtitino ni De Vieja?" Pag iiba ko,
Sumubo muna si Ashley bago sya nagsalita, "Ayun sa pabalik-balik na naririnig ko kay Ree, seryosong-seryoso nga daw itong si De Vieja sa babaeng pinopormahan nya. Pero wala parin itong sinasabi kung sino tong girl na 'to. Subukan mo kayang alamin ulit."
Napangiwi ako sa suggestion ni Ashley.
"Alam mo namang alam na ni De Vieja ang tungkol sa pustahan natin! Malamang, kung ayaw nyang pagpustahan ulit edi hindi na yun papahuli ng buhay."
Napatingin ako sa malayong table nila Aaron at sa dalawa nya kaibigan na parehong galing sa Zoo. Mukhang may malalim silang pinag uusapan. Nahuli ko pa ang palihim na pagsulyap ng dalawang unggoy sa table namin at mabilis na nag iwas.
Anong problema nila? Napailing nalang ako.
Sa mga sumunod pa na araw ag ganoon parin, hanggang sa nag isang linggo na at hindi parin namamansin si Aaron. Minsan ay naiinis narin ako pero iniisip ko na tama lang yun. Tama lang siguro na may distance kami pero nakakainis yung dadaan sya sa harap mo na nakayuko! Talagang guilty! Minsan din ay nagkakasalubong kami sa corridor pero sya, ang straight ng paningin kahit nasa mismong harap na nya ako, parang mas nakikita nya ang nasa likod ko.
Kitang kita ko sya ngayon kasama ang kanyang mga kaibigan na galing sa zoo at ilang mga babae. Nagtatawanan sila at may isa pang babae na halos ipagduldulan yung dibdib nya sa braso ni De Vieja.
I smirked. Ito ba ang sinasabi ni Ashley na nagseseryoso itong si De Vieja? Tsk!
Nangalumbaba ako sa table kung nasaan ako. Sa totoo lang, kahit naiinis ako kay De Vieja ay namimiss ko na sya... Hindi ko ma explain pero yun nga... Miss ko na sya.
At alam nyo yung pakiramdam na naghihintay kayong batiin ng isang tao at pag napatingin na sya sayo ay naghihintay kang ngumiti sya sayo para masuklian mo rin sya ng ngiti?
Isa yun sa mga kinaiinisan ko dito kay Aaro Ira De Vieja. Nagmumukha akong tanga lalo na pag nagkakasalubong kami.
Papauwi na sana ako ng makita ko si Aaron na mag isang pumupunta sa parking lot. Hindi ko na natiis, agad ko syang sinundan at itinapon lahat ng pagdadalawang isip sa utak ko.
"Aaron," habol ko sakanya. Napahinto sya sandali at nagpatuloy uli sa paglalakad.
"De Vieja!!!" Nilakasan ko ang boses ko at ngayon ay mas effective dahil napalingon na talaga sya sa gawi ko.
Medyo hiningal pa ako sa bilis kong naglakad. Tinignan ko si Aaron mula ulo hanggang paa at ganon din ang ginawa nya saakin.
"Ang bilis mo maglakad!" Wika ko ng maabutan ko sya.
Hindi sya nag salita at kita ko sa mga mata nito ang pagiging hopeful. Anong inaasahan nya?
Malakas ko syang hinampas sa balikat, "Ikaw ha? One week mo na akong iniis-snob!" Sinadya kong idaan sa biro ang aproach ko sakanya para hindi sya magalit sa lakas ng aking paghampas.
"Your not mad at me?" Naguguluhan nyang tanong.
Kununot ang noo ko. "Bat naman ako magagalit sayo?"
Kumurba ang gilid ng kanyang labi.
"I thought you would hate me about what said." Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
"Why would you say that?" I asked.
He shrugged. "I know you hate that part of me..." He sighed, "You know me all too well that..." hinintay ko syang ituloy yun pero hindi na nya dinagdagan. I was left wondering kung ano yun.
"Ashley told me. She told me about that girl pero may kasalanan ka parin sa kanya! And to be honest, nakakainis ka!"
"At bakit ka naman naiinis sa akin?" Malisyoso syang nakangisi sa tanong na yun na parang alam na nya ang sagot.
Tumikhim ako, "Syempre, Gabriella ako. Ayokong may nakikitang babaeng pinapaasa ng mga lalaki!"

BINABASA MO ANG
Same Rules
RomansaAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.