Her Side
"They're admirer dressed as a friend. They approach me as a friend not a love interest." I explained that to Ashley for the nth time pero di nya parin gets.
"Alam ko. Alam na alam ko yan. You know what they're implying to. But you paint lines to lure them and put them in friends-corner." Giit nya.
I sighed. Nakakapagod mag explain. Kagabi kasi ay umamin si Levi sakin sa text na gusto nya ako. Nereplayan ko naman sya ng maayos. I replied him na I like him too as a friend. What's wrong with that?
"Why won't you give them some chance? Minsan Iniisip ko Man hater ka."
I snorted at Ashley's conclusion.
"I did already, okay? I reply to they're nonsense text and answer their annoying calls." Inilipat lipat ko yung channel ng tv hanggang sa mapadpad ako sa abs-cbn.
"Pinapaasa mo siya eh?" Aniya.
Hinarap ko si Ashley with a smug look.
"Hindi ko siya pinapaasa. Simula palang, hindi na ako nagbigay motibo. Sadyang assuming at persistent lang talaga yang si Levi."
Hindi na nagsalita pa si Ashley. Sabado ngayon at nandito lang ako sa bahay. E sa homebuddy ako. Napasugod lang si Ashley dito kasi tinawagan ko sya kagabi nang hindi na nagreply pa si Levi.
Nakakapagod mag explain. Sa hindi ko mahal yung tao. At ayaw kong magkunwari o kumbinsihin ang sarili ko na mahal ko ang isang tao kahit naman hindi para lang magkaboyfriend. At sa kaso ko kay Levi, totoo, wala talaga akong gusto sa kanya.
"Baka iniisip mo na ipinagkakanulo kita kay Levi? Nag aalala lang naman ako sayo kasi mukhang tatandang dalaga ka."
Nilingon ko sya at masamang tinitigan habang sya naman ay pinagtatawanan ang reaksyon ko.
"Hindi ako tatanda-" she cut me off.
"Okay. Fine. Pastahan nalang tayong maghula ng commercial hanggang 10. Ang matalo magbibigay ng 500." Aniya.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming mag unahan sa paghula. Napapadyak ako sa inis ng wala pa akong points at naka lima na sya. Nakakainis! Dito sya nakakabawi sakin eh. Hindi naman kasi ako pala nood ng tv.
Habang naghihintay kami ng commercial break ay lumapit sakin yung katulong namin.
"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas. Lalaki po. Ang sabi Aaron daw ang pangalan."
Nanlaki ang dalawang mata ko at napatayo ako sa pagkakaupo. Pati si Ashley ay napatayo din.
"Sino yung lalaki sa labas?" Umalingaw-ngaw sa buong sala ang boses ni mommy.
Nanlalaking matang nagkatinginan kami ni Ashley. "Patay..." Sabay naming bigkas.
"Jackilyn? Sino yun?"
Nataranta kaming dalawa ni Ashley ng papalapit na si mommy sa pinto. Natataranta kaming tumakbo papunta kay mommy para pigilan sya.
"Wala mommy! Classmate namin yun!" I rapidly said. Ano ba kasing ginagawa ni De Vieja dito? Pinapahamak nya ako.
"Oo tita! Classmate namin yun." Sangayon ni Ashley.
Tinitignan kami ni mommy ng masama, yung parang are-you-telling-the-truth?
Sabay kaming tumatango tango ni Ashley.
"Ano naman ang ginagawa nya dito?" Aamba namang lalabas si mommy pero agad namin syang pinigilan ni Ashley.
"Nagpapatulong po sya sa assignment tita." Pagdadahilan ni Ashley. Tumango tango ako pero mukhang hindi pa kumbinsido si mommy.
"Opo. Alam nyo naman po, matalino ako kaya maraming nagpapatulong sakin." I said hoping na maniwala si mommy.
"Okay." Nakahinga kami ng maluwag ng sabihin yun ni mommy. "Siguraduhin mo lang na hindi ka nagboboyfriend. Alam mo na."
Tango lang ako ng tango sa sinabi ni mommy bago sya umakya papunta sa kanyang office. Me and Ashley both sighed in relief. Ayaw na ayaw ni mommy na nagboboyfriend ako hanggat hindi pa ako natatapos. At kahit may bumibisita o naghahanap sakin na lalaki ay hindi pinapalampas at sinisigurado na hindi ko yun boyfriend.
"I told you so." I said to Ashley.
"Yeah right. At kailan ka pa tumalino?" Natatawa nyang sabi. Pinandilatan ko lang sya ng mata.
Sabay kaming lumabas ni Ashley at dun namin nakita si Aaron Ira De Vieja na nakahilig sakanyang mustang sports car with his handsome face and all. Ang gara tala nitong kumag na 'to.
"Ano bang gagawin natin dito?" I asked Aaron for the nth time pero di nya ako sinasagot. Sabi nya manglilibre sya? Nagkatinginan kami ni Ashley at sabay kaming nag roll eyes.
"De Viejaaaaa..." Pagod kong tanong. Kanina pa talaga kami lakad ng lakad.
Napasinghap ako sa inis ng nginitian nya lang ako at nag patuloy parin sa pag lakad.
"AARON IRA DE VIEJA!! UUWI NA AKO! HINDI NA AKO MAGPAPALIBRE!" Ashley yelled. I was so shock with Ashley's outburst na hindi ako naka react habang sinisigaw nya yun.
I was just taken a back when Ashley stormed out. Argghh!! Hindi man lang ako hinintay.
"Ashley, wait!" Susunod na sana ako ng mahigpit na hinawakan ni Aaron yung kaliwang braso ko.
"Dito ka lang."
What??? Anong dito lang ako?! Uuwi na ako! My mind shouted.
Sinubukan kong bawiin yung braso ko kay Aaron pero ang higpit ng pagkakahawak nya sakin at kinaladkad na ako papunta kung saan.
"Aaron, let go of me." Mariin kong pagbabanta sakanya.
"At last masosolo na rin kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Eto na ba ang katapusan ng..ng.. puri ko??
"Hey! Are you alright? Namumutla ka?" He asked in panic when he saw the horror in my eyes.
"A-Aaron w-w-wag!"
Aaron look at me from head to toe na parang sinusuri nya ako. I got conscious and I brace my self. He grins and his grins turn into laughter. Pinakunot ko yung noo ko sa inis. Anong nakakatawa?
"You're thinking too much, Ms. Lastovo." He laughed. "I'm not that kind of guy. Kung gagawin man natin yung iniisip mo, sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang magsabi na ~Aaron I want you-"
Malakas ko syang sinuntok and walk out. Alam kong pulang pula na ang mukha ko dahil sa inis. Walang hiyang De Vieja! Playboy ka! Kanina mo pa ako literal na pinapaikot dito sa mall!
"Jackie, WAIT!"
Mabilis akong naglakad at di sya pinanasin.
"Hey, I'm sorry, I was just kidding." Pagmamakaawa nya ng abutan nya ako pero di ko parin sya pinansin.
"Sorry na. I just want Ashley out. Lage naman kayong magkasama. This time, pwede... Ako naman?"
I stood still. I can't move. I can't even digest what Aaron have just said. Feels like most of my senses where shut down.
I felt like crying while looking at..... the man who have same eyes as me.
"Huy, Jackie?"
Aaron is calling me but my mind and body has no response. I can't keep my eyes off at the man who broke my mother's heart decades ago. He was with someone, particularly a woman. Siguro may powers ang titig ko kaya naramdaman nyang may nakatingin sakanya. Kaya ng napalingon sya sa direksyon namin ay agad akong umiwas.
"Let's go." I pulled Aaron away.
Yes, the man is my father and the reason why I hate playboys.
BINABASA MO ANG
Same Rules
RomanceAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.