Nililigawan
Dahil sa wala akong dalang kotse ay nag offer si Aaron na ihatid ako. Tumanggi ako nung una pero pinilit nya ako kaya ito ngayon, nasa may eskinita na ako ng subdivision namin.
"Thanks for the ride, Aaron."
Nakangiti akong binuksan ang pinto at panghuling sinulyapan sya. Palabas na ako ng nahuli ko syang nakangisi na parang ewan habang nakatingin sa unahan. Napailing nalang akong sinarado yung pinto.
Tinakbo ko ang pagitan ng gate at ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang maisarado ko na ang pinto ng kwarto ko. Ang sasaya saya ko na parang lulutang na ako sa ere. Umikot pa ako ng isang beses at niyakap yung unicorn ni De Vieja na syang inilagay ko sa sulok dahil na naaalala ko ang inis ko kay De Vieja pag nakikita ko yun. Pero sangayon ay hindi ko alam pero feel na feel ko ang pagyakap sa unicorn.
"Alam mo, unicorn. Bati na kami ni De Vieja." Maligayang wika ko.
I know there's no big deal sa pagbabati namin ni De Vieja pero I feel so glad.
Nang nagdinner na ay hindi parin nawala ang ngiti na nakaplaster sa labi ko. Nagtataka namang nakatitig si mommy saakin.
"Bakit, mom?" I asked in confusion.
"Nothing. You seems like you have a good day." Iling ni mommy.
"Like it's the very best day!" I blurt out.
Nagtataka uling napatingin si mommy saakin. I press my lips together. Baka kung ano pa ang masabi ko. Ayaw nya pa naman na may ka close akong lalaki.
Today, I realized that this certain feeling that I can't describe exist in this world. That gladness you feel when misunderstandings were settled?-- Combined with the happiness you feel when someone you missed comeback... And the joy you feel that you wanted to hug someone. Yes, I have the urge to hug Aaron kanina pero pinigilan ko lang yung sarili ko kaya si unicorn nalang yung pinatay ko sa hug.
"I mean, your spaghetti is so delicious kaya I love you, mom!d" I said ang and kiss my mom's cheeks.
Kinabukasan ay eager na eager akong makita si De Vieja. Hindi dahil miss ko sya pero dahil sa curious talaga ako sa sinasabi ni Ashley na pagseseryo so ni De Vieja.
Hindi ko na sinabi kay Ashley ang tungkol dito. Gusto kong malaman ang tungkol sa bagay na yun pero para lang sa sarili ko.
May seryosong nililigawan si De Vieja pero nakikipag kaibigan sya sa isang babae.
And thinking about it feels like sina-bakyu ni Gaara ang puso ko.
Paano kung ginagamit lang nya ako sa kung ano man ang plano nya? Pano kung joke lang pala yung mga chismis na nakakalap ni Ashley? Pero mas malala ata kung... Paano kaya kung totoo yun?... Ano na mangyayari sa akin? As much as possible, ayokong may masagasaang tao.
Nang makita ko si Aaron na papalapit ay agad ko syang nilapitan upang diretsohin pero nang magsasalita na sana ako ay parang ayaw lumabas ng boses ko.
"Why?" Malumanay nyang tanong.
Umiling ako at nakisabay sa paglakad nya.
"Is there something you want?" Aniya,
"Uhm... No." Iling ko.
Gustong gusto ko sanang klaruhin sa kanya kung totoo ba na may seryoso na syang nililigawan. Pero bakit tuwing ibinubuka ko na ang bibig ko para mag salita ay ayaw lumabas ng mga sasabihin ko.
Sa bilis maglakad ni Aaron ay medyo na iiwan na ako. Huminga ako nga malalim at nag ipon ng lakas ng loob.
"A-Aaron," he turned to me. I sighed, "M-May.... N-nililigawan ka...ba?"
Sa lakas ng pintig ng puso ko ay hindi ko na namalayan na ang higpit na pala ng pagkakahawak ko sa mga libro ko.
Tumaas ang isang kilay nya. "May nakikita ka bang ibang babae?"
Umiling ako.
"Kung may nililigawan man ako, ikaw ang unang makakaalam nun at alam mo yan."
Tama nga naman sya. So, chismis lang yun?
Nakahinga ako ng maluwag pero agad naman iyong napalitan ng panlalaki ng aking mata at bilis ng pagtibok ng aking puso.
Why I even felt relieved?

BINABASA MO ANG
Same Rules
RomanceAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.