Chapter 8

5 0 0
                                    


Gaga and Tactless


"Bakit dito? Ang mahal dito," bulong ko sa kanya ng sabay kaming pumasok sa loob.

Naka convoy kami ni Aaron papunta dito. Nagulat pa ako at dito sa isang Sossy resto nya ako dinala. At hindi ko alam kong anong pakulo nya at bakit nya ako iniimbitahang kumain sa isang SOSYAL na restaurant. Kinakabahan tuloy ako. Relax, Jackie. Si De Vieja lang yan.

Hindi nya pinansin yung tanong ko at nagtawag lang sya ng waiter.

Habang kumakain kami ay tahimik lang ako at makikiramdam sa kanya. Habang sumosubo ako ay marahan nyang inilapag yung mga kubyertos.

"Why are you so quite today?"

Napamaang ako sa tanong nya at bago paman ako makapagsalita ay naunahan na nya ako.

"You seems so distant, hindi mo pa ba tinatanggap yung offer ko sayo?"

Napanganga na ako sa nanlulumong tanong nya. Sorry naman! Tatampo pa.

"Eh sa hindi ako sanay. Your not usually the type of guy na makikipag kaibigan sa babae." Diretso kong dahilan.

Natawa sya sa sinabi ko at sinimangutan ko sya.

"I am now."

Yun lang ang sabi nya. I should be open minded by now. Pero kinakabahan talaga ako sa kanya sa di malamang dahilan. At iba-iba na ang mga naiisip ko. Paano kung taliwas sa sinabi nyang 'I won't push my luck on you' ay may plano syang paikutin ako? Ang alam ko, pag may gusto sya, nakukuha nya.

Ayaw ko naman syang husgahan. Kung mambobola sya at playboy, labas na ako dun kasi di naman nya ako girlfriend. At di naman nya ako type at ma proprove ko yan kasi di naman ako katulad sa mga babae nya.

Maybe I should relax. Masyado ko nang hinuhusgahan tong si De Vieja. Hayyy ang gulo ko!

Nang dumating na yung dessert na inorder nya ay nagulat ako ng sya ang naglagay nun sa plato ko.

"Hoy! Teka lang, De Vieja. Kaya ko naman!" Angal ko habang nilalagyan nya yung plato ko.

"Save your energy. As long as you are with me, I will do it for you." Nakangiti nyang sabi.

Parang nakakakita ako ng pulang ilaw ah? RED ALERT!

"Alam ko yang style mong yan ah!" Bigla ko nalang nasabi.

Napangga sya sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. Napapikit ako ng marealize ko kung ano yung sinabi ko. CEASE FIRE JACKIE!!

"I didn't mean anything like that." Malamig nyang wika.

Pakiramdam ko umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha sa kahihiyan. Urggghhh!!! Jackie, why are you so GAGA and TACTLESS?!

"Joke!" Pambawi ko pero di naman nya pinansin.

Patagilid kong nasapo ang noo ko. Sad to say Aaron, ang sama mo! Masama naman talaga yang ginagawa mong pagpapaasa sa mga nagiging girls mo!- gusto ko sanang sabihin yan sakanya, pero sa panahong ito parang hindi ata tama. Nakikipag kaibigan sya sakin at LABAS NA AKO DUN!

Bat ba kasi napaka pakealamera ko? Dapat paalaahan ko na palagi ang sarili ko na IT'S NONE OF MY BUSINESS! Sorry na, can't help it. Kasalanan ko ba naman na ipinanganak akong maaawain? Or because I know the fact na kilala ko sya?

"What do you want me to do para ma wala na yang doubt mo sakin?"

Napataas ang kilay ko sa tanong nya. Seryoso? Nag oofer ka?

"If turning away from all the girls who comes to me would make you feel better. I would gladly do it." Seryoso nyang sabi. Parang out of nowhere yun ah.

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi nya. Nang madigest ko na lahat ng sinabi nya ay hugalpak ako sa tawa. Ang yabang!

"De Vieja? Seryoso? Naku wag na! Old habit die hard pa naman. Baka ma una pang patigok si Edward ng twilight kahit immortal pa yun bago mo yun magawa." I laughingly said.

As if naman gagawin mo yun e may tinatago kangang girlalo!

His jaw clenched, pero agad naman yung napalitan ng ngiti.

"Let's not talked about it. The food is good."

I suddenly felt GUILTY. Nilibre pa naman nya ako.

"I'm sorry, Aaron." Nakayuko kong sabi. "Hindi lang talaga ako k-kompor...Sanay na may kasamang lalaki..." Lalo ang ang isang tulad mo.



Same RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon