Chapter 13

5 0 0
                                    

Answers

"Salamat nga pala sa paghatid." I said ng inihatid nya ako sa labas ng village namin. Kahit na gusto nya akong ihatid hanggang sa harap ng gate namin ay tumanggi ako. Sinabi ko na lang na strict ang mommy ko. Strict naman talaga yun pag may kasama akong opposite sex.

Bababa na sana ako ng pigilan nya ako.

"Teka lang." Inabot nya yung Unicorn na napanalonan nya dun sa EK.

Naguguluhan akong napatingin sa kanya ng iabot nya sakin ito.

"Akin na 'to? Ayaw mo nito?" I asked in disbelief.

"Para sayo talaga yan."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Wow! Talagang maaapriciate ko 'to." I laughed,

Bago ako makalayo ay biglang nag ring yung phone ko. I absentmindedly answer it.

"Hello..."

/"Get ready for your consequences."/

Nanayo ang balahibo ko. Kahit di ko man tinignan ang caller I.d ay alam kong si De Vieja yun. At kahit di ko sya nakikita ay alam kong nakangisi na sya ngayon.

Narinig ko nalang sa kabilang linya ang pagkaputol nito. Nasa tenga ko pa ang telepono at nasapo ko ang ulo ko.

I'm so terribly dead...

Nang maglunes ay todo iwas akong mag krus ang landas namin ni De Vieja... Kinakabahana ako sa mga magiging tanong nya. And so far...naiwasan ko nga sya hanggang sa mag isang linggo na ay successful ko syang na iwasan.

"Hindi mo panga naririnig ang mga tanong nya, may pakabakaba ka pang nalalaman. Malay mo, mga walang katuturan lang yun." Aniya ni Ashley habang nasa isang table kami sa school grounds.

"E sa iba ang pakiramdam ko... Sabi nya pa 3 PERSONAL question."
Inemphasized ko talaga yung personal para dama nya.

"Malay mo tatanungin ka lang nun na 'may boy friend ka ba?' 'Sino first kiss mo?' 'Virgin ka pa ba--"

Hindi ko na natiis at na batukan ko na si Ashley habang pinipigilan kong matawa.

"Hoy! Walang H ka! Ano bang klaseng mga tanong yan?" Natatawa kong tanong.

"E ano pa ba? Edi yung mga karaniwang tanong ng mga tulad nya!" Pinandilatan nya pa ako ng mata.

Napa isip ako. Kung ganon... Kung yes or no lang ang sagot... Edi walang problema. Sana nga yes or no lang yung sagot.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay nanlaki ang dalawang mata ni Ashley.

"Speak of the devil,"

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Ashley. Sandaling nanlaki ang dalawang mata ko sa kaba at panic. I composed my self right away. Ayokong makita ako  ni De Vieja na kinakabahan.

"Hi." Malamig nyang bati ng nasa gilid ko na sya.

Napalunok ako ng tingalain ko sya at malanghap ang mabango ning amoy.

"...I..I'm sorry I have to go... May klase pa ako."

Di ko na napansin ang pag alis ni Ashley dahil nakatoon na kay De Vieja ang attensyon ko.

"Finally at na tyempohan narin kita." Aniya at umupo sa kaharap kong upuan ma binakante ni Ashley.

"Bakit? May kailangan ka?" Pagmamaang maangan ko.

Mapaglaro nya ako akong tinitigan. Kita ko rin sa mukha nya ang pagpipigil nyang ngumiti.

Nakangisi syang umiling bago sya magsalita. Tinitigan ko naman sya mg masama.

Same RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon