Doubts
"Jackie.."
Napalingon ako kay Aaron. Napabuntong hininga sya at may kinuhang isang puting tela sa bulsa nya.
"Kanina pa kita tinatawag, nag aalala na ako sayo. Here." Sabay abot sakin ng panyo. Tinitigan ko yung panyo at iniisip ko ano naman ang gagawin ko dun?
Nang hindi ko tinanggap ay napatalon ako ng punasan nya ang pisngi ko na basa na pala ng luha. Kung hindi nya pa yun ginawa ay hindi ko din marerealized na hindi na pala ako humihinga.
"You shouldn't have cry. Sino ba kasi yung tinitigna-" I cut him off.
"Akala ko ba manglilibre ka?" Pag iiba ko. "Okay, wag na lang. Uuwi na ako." Sabi ko ng hindi sya gumalaw.
Aalis na sana ako ng bigla nya akong hinigit. Napasinghap ako ng mahigpit nya akong niyakap.
"A-Aaron..?" Naguguluhan kong tanong sakanya ng mga ilang segundo na nya akong niyayakap at hindi parin sya gumagalaw ni nagsalita. He just locked me in his embrace.
"I can't promise anything. But I can be your shoulder if you wanna cry. Just remember, I'm here."
Kinabukasan ay tumatakbong tinatawag ako ni Ashley. Tumigil ako sa paglalakad para makasabay sya askin.
"O? Kumusta yung kahapon?" Hingal nyang tanong habang sumasabay sa paglakad ko.
Nangigigil ko syang pinanlakihan ng mata.
"Anong kumusta? Matapos mo akong iwan, may gana ka pang magtanong!?"
She rolled her eyes. "Hindi. Ang ibig kong sabihin ay may nakalap ka bang impormasyon tungkol dun sa.. You know. For our wager."
"Wala." Actually, nakalimutan ko na yun. "Kalimutan mo na yun." Buntong hiningang wika ko.
"Anong kalimutan? Alam mo, naguguluhan na ako sayo ah? Parang lumalambot ka na dyan kay Aaron." Napatayo ang tenga ko sa sinabi nya. "Umamin ka nga, may gusto ka ba sa kanya?"
Nanlaki ang dalawa kong mata sa tanong nya.
"What? Anong pinag sasabi mo? Wala akong gusto dun no!" I said.
Humalukipkip sya at nagroll eyes. "Pansin ko kasi na napapalapit ka na din dyan kay De Vieja. Baka nag kakagusto kana sa kanya kaya sinasabi mo na kalimutan nalang yung pustahan natin." Inakbayan nya ako. "Ito ah, payong kaibigan. Wag ka masyadong close dyan kay De Vieja. Kahit gwapo yun at crush ko yun, alam naman natin na hanggang mukha lang yun."
Tama nga naman si Ashley. Napapalapit na nga ako kay Aaron. Nagu-guilty kasi ako. Nakikipag kaibigan lang naman yung tao at isa pa, kabisado ko yun. Malaki ang kumpyansa ko na di nya ako mapapaikot.
"Ako dapat nagsasabi nyan sayo eh." Pagbibiro ko. "Ikaw kaya 'tong madaling ma capture! Sa tagal na magclassmate namin nun, ni minsan hindi naman tumalab yung charm nya sakin. At para sa ikakagaan ng loob mo, I will make my self more cautious." I assured her.
Hinding-hindi talaga ako mapapaikot nyang si Aaron. Playboy sya at PAASA. At hindi ang mga tulad nya ang magugustuhan ko!
"Bakit ba kung maka ilag ka saakin para naman akong may nakakahawang sakit?" Wika ni Aaron, isang umagang dinaanan ko lang sya at di pinansin at naupo sa harapan nyang upuan.
"Hindi no." Maikli kong sagot. Nag patuloy ako sa pakikinig sa prof namin at nag take notes na din.
Narinig ko ang mabigat nyang buntonghininga.
"Iniiwas mo ako."
Hindi ko sya pinansin at hinayaan sya sa kanyang mga bulong sa hangin na hindi ko malinaw na naririnig.
Sorry Aaron, but I'm doing this for my best friend. And she's right, I need to be cautious. I still have doubts.
Nang magdismiss na ay hinarap ko si Aaron na nakabusangot.
"I don't want to be mistaken as your SLUT, Aaron."
His jaw dropped and he burst in to laughter na ikinakunot ng noo ko.
"Come on? Where did you get that idea?" Nakangisi nyang tanong. "You know me all too well. And you're thinking that way when others don't?" Lumapit sya sa akin. Napaigtad ako dahil sa parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan nya ang magkabilang braso ko.
"No one would mistaken you coz you're very far from those." Pumungay ang mata nya.
I rolled my eyes at nilagpasan sya. Whatever, De Vieja.
"Come on!?" Sigaw niya.
Dahil sa hindi ko pagbibigay pansin ni De Vieja ay araw araw nya na naman akong kinukulit. Lage syang nakikipag sabay samin ni Ashley mag lunch kahit hindi namin sya iniimbitahan. At minsan, ang kapal pa ng mukhang maki share sa mga ulam namin.
Sa araw araw na pagpapapansin nya ay nakasanayan ko na rin yung presence nya at nakakalimutan ko narin na di ko dapat sya kasama. Tinalo nya pa ata si Ashley sa oras na ginugugul na makasama ako!
"Jac, anong gagawin mo ngayong saturday?"
Kung nung dati ay na bwibwisit ako pag kinakausap ako ni De Vieja, ngayon ay parang bumaba na yung pader ko sa pakikipag usap sa kanya.
"Wala," normal kong sagot.
"Wala kang gagawin? Bat di kanalang sumama sakin sa EK?"
Bored ko syang tinitigan. "EK? Ano naman ang gagawin ko dun? For sure OP ako sa iba mo pang kasama."
"Wala naman tayong ibang kasama,"
Kumunot ang noo ko. I suspiciously looked him.
"Tayong dalawa lang?"
Hindi sya nakasagot agad at mukhang nag iisip muna ng sasabihin.
"Kung gusto mo... Isama natin si Ashley." Labas sa ilong nyang wika.

BINABASA MO ANG
Same Rules
RomanceAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.