Want to be me girlfriend too?
Me: Ash, Asan kana?
Pang sampong text ko na kay Ashley yan. Oo na, ako na ang paranoid. Hindi ko inaakala ang mga ngayari ngayon. So far, hindi pa sila naghihiwalay pero bukas na ang monsary nila Aaron at yung sasakyan nyang gf. At nangangamba ako na mawalay sakin ngayon yung gucci scarf ko at yung summer hat ko dahil sa Text message na nabasa ko.
Kanina kasi, pagkatapos ng klase namin sa Economics ay naiwan ni Aaron yung cellphone nya sa upuan nya. Pinulot ko 'to at bago ko iyon isinuli ay ni-raid ko muna yung phone nya hanggang sa napadpad ako sa inbox nya and I saw what he sent a minute ago.
Aaron: Kia, can we meet @ the bridge later? 9pm.
I have the feeling na hihiwalayan na ni Aaron si Kia the car. And I'm afraid to lose my Scarf and hat. Mas malaki pa ang presyo nun sa 5k! Bukas na ang monsary nila. At paano ko yun nalaman? Nasa calendar lang naman ng phone nya. I have to do something para abutan sila ng bukas and I can have my 5k cash.
Ashley: I still have classes. Bakit ba?
Me: Meet me later @ the bridge. 9pm
Ashley: Juicy! Hating gabi na yan. Baket?
Me: Basta, also Bring 5k. I'll bring my scarf and hat too.
Ashley: Is this about with our wager?
Hindi na ako nagreply sa kanya. Pagkatapos ng klase ko ay umuwi na ako agad sa bahay at hinanda ang scarf at hat ko. Mamimiss ko 'to. Favorite ko pa naman dalhin 'to pag nagtratravel kami.
Wala pang alas 9 ay nasa bridge na ako. Naka itim na jacket ako na may hood. May mga upuan sa bridge pero pinili kong pumwesto sa medyo malayo layo. May binocular naman akong dala. Umupo ako sa tabi ng mga halaman na naka pot.
9 sharp ng dumating si Aaron sa tagpu-an nila. Pero wala pa si Kia. Umupo si Aaron sa isang bakanteng wooden bench. Nag beep naman yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko. May text pala si Ashley, Asan daw ako?
Nireplayan ko si Ashley at agad nya naman akong nakita.
"O ano na? Hiwalay na ba sila?" Salubong nyang tanong sakin.
"Hindi pa. Wala pa nga si Kia." Tinuro ko sakanya kung nasaan si Aaron.
Isang oras na ang nakaraan pero wala parin si Kia. Naiinip na ako na kinakabahan.
"Alam mo Jackie, tanggapin mo na matatalo na kita this time." tumawa pa ang bruha.
"Hindi mangyayari yun." Yun nalang ang nasabi ko.
Alas 11 na ng dumating si Kia. Akala ko di na nya siiputin si Aaron. And look! mukhang kakagaling lang sa isang party yung Kia.
Agad na umupo si Kia sa bench pero sya namang pagtayo ni De Vieja. Tinignan ko ang dalawa gamit ang binocular ko at mukhang nag uusap pa sila. Tumatawatawa pa si Aaron. Ganyan nga.. Bukas nalang kayo maghiwalay kung gusto nyo.
Mga ilang minuto na ang lumipas at bigla atang nagbago ang ihip ng hanggin. Bigla kasing nagbago ang expresyon ni Kia habang nagsasalita si Aaron.
"Jac, lapitan natin para marinig naman natin."
Binatukan ko si Ashley.
"Ano ka ba! Hindi tayo mga chismosa. Mga nag pupustahan lang tayo." sabi ko
Titig na titig na ako sa lente ng binocular ko at nababasa ko na sa bibig ni Aaron ang mga katagang 'It's not you. It's me.' Famous line nga naman.

BINABASA MO ANG
Same Rules
RomanceAll Rules are the same. It must be followed. It started with a bet but not the kind of bet everyone thought. It started with the bet of two friends guessing how long would a certain man's relationship would last.