Chapter 4

3 1 0
                                    


Red Alert

"Ang ganda ng kotse mo. Kailan mo lang 'to na bili?" Ang ganda talaga nitong Mustang sportcar nya. First time ko ata 'tong makasakay sa isang sportscar.

"Like it? Last month lang."

"Of course. Would I say its beautiful if I don't like it?"

Napatawa sya sa sagot ko "Yeah."

"Pag ako nagkaroon na ng sariling negosyo, bibili rin ako ng ganito." I said.

"Really. Well that's good." he said amazed.

Walang naging silent moment ang nangyari sa loob ng sasakyan ni Aaron. Daldal kasi ako ng daldal at nakiki sabay rin sya sakin.

"You know what Jackie, You have a beaultiful long legs. Why won't you show it off and wear something fashionable? It's not that I am saying na out fashion yang suot mo at hindi yan bagay sayo." napatingin ako sakanya,

"Are you saying na pangit ang suot ko?"

" No. I mean it's just that.. As I am saying, Bagay naman sayo. It's just like... it looks a little old fashion at mas bagay sayo yung medyo sexy."

Pambobola alert! Ito yung style nya eh. Pinanliitan ko sya ng mata.

"It's vintage! At pwede ba Aaron? Wag mo na akong idaan sa mga pambobola mo. Alam ko sinasabi mo lang yan para madali akong masilipan." I snapped.

Ano naman kasi ang problema nya sa damit ko? Palibhasa gusto ng mga lalaki na makakita ng mga babaeng sexy.

"I'm just saying." Pinan dilatan ko sya. "Ok. It's your fashion."

"Asan ba bahay nyo dito?"

"Yung may black gate." Turo ko dun sa bahay namin.

"It seems na tulog na ang lahat. May mag bubukas pa ba sayo nyan?" Tanong nyang ng maiparada na nya yung sasakyan nya sa harap ng bahay namin.

"No need. Thanks for the ride." I said at lumabas na ako ng Mustang nya.

Tumayo lang ako sa harap ng gate namin. I smiled at him. Hinihintay ko syang umalis na.

"Hindi ka pa ba papasok?" Tanong nya.

"You better go Aaron. Sige na." taboy ko sakanya.

"Okay" He said at pinaharurut nya na yung sasakyan nya.

Tss. That guy. Nilait pa yung fashion ko. Its vintage kaya.

Sinimulan ko ng akyatin yun bakod namin. Kanina nung lumabas ako ay dito rin sa bakod namin ako dumaan. Baka kasi maghinala sila mommy na hindi pa ako natutulog pag kinuha ko yung mga susi ng pinto namin. Mabuti nalang at magaling akong climber.

Nasa pinakatuktuk na ako ng bakod namin ng may umilaw sa likod ko. Hindi ako nakagalaw. May patrol group ba sa likod ko? Baka napagkamalan akong magnanakaw dito.

Lumingon ako "Hindi ako mag..na...na..kaw...." Unti unting namatay yung ilaw. Laglag panga ko ng lumabas si Aaron sa driver seat.

"Hey! What are you doing in there? Wala bang nag bukas sayo?"

Pinandilatan ko sya ng mata "Shhhh... baka magising sila." Mapagalitan pa ako nito.

Parang nagets naman nya yung mga inaakto ko. "Do you need help?" mahina nyang sabi.

"Ano pang ginagawa mo dito?" mataray kong tanong neglecting his question.

Bigla syang namula. Kahit hating gabi na at yung mga poste at sinang lang ng bwan yung ilaw ay napansin ko parin yung biglang pamumula nya. Boy. Aaron De Vieja is blushing?

"I- I just wanna say good night." He stammer.

Yun lang pala... "Good night?" I replied.

"And.. na-na-nakikita ko yung legs mo." Bigla akong napatingin sa legs ko. Napasinghap ako. Agad ko naman itong tinakpan.

"Do you need help?" Ulit nya sa kanina nyang tanong.

Umiling ako. "No need.. I can handle this."

"I insist." mariin nyang sabi at lumapit sakin.

"Wag na. Kaya ko na to." Sabi ko habang dahan dahan kong inaabot sa kanang paa ko yung apakan ko para makababa ako sa bakuran namin. Inalalayan nya ako pero hinawi ko yung kamay nya dahilan para mag slip yung paa ko sa maliit na inaapakan ko kaya dumiretso ako sa mga damu. Buti nalang at bermuda grass yung bakuran namin pero medyo masakit yun.

"Jackie! Are you alright?" Mahina pero concerned nyang tanong.

Agad akong tumayo. "Yes I'm fine. Tada!! Nakapasok na ako." sabi ko habang iniinda yung sakit ng balakang ko.

"Are you sure?"

"Yes." Kinawayan ko nalang sya para umalis na sya.

"Good night again." he said

"Good night..." I replied.

Inantay ko ulit na makaalis na sya pero nandun parin sya sa kinatatyuan nya. I signed him na umalis na but he mouthed na go inside first before I leave. So I fished my duplicate sa front door in my pocket. Oo may duplicate ako sa front door pero wala ako dun sa gate kasi tinatago yun ni mommy kasi ayaw nyang basta basta kaming nakakalabas ng buong bahay at patago ko pa yung ipinaduplicate.

I slowly closed the door of my room ng makapasok na ako. Hinubad ko na yung shoes ko malapit sa pinto and walk freely sa carpeted floor ng room ko. Nang mapadaan ako sa full length mirror ko na from floor to ceiling ay pinagmasdan ko ang reflection ko.

"Mukha ba talagang old fashion yung damit ko?" I asked my self.

Hinila ko paitaas yung 1 inch below the knee skirt ko hanggang mid-thigh

"Maganda nga naman yung legs ko.." I turn arround...Sandali nga lang.....'Bat ba ako maniniwala dun sa mga sinasabi ni Aaron? Eh, mambobola yun!

Ibinaba ko na yung skirt ko at nagbihis nga pantulog. Kapagod..Inaantok na ako..Akalain nyo inabot kami ng magdamag pero worth it naman...Of course, I got my 5k . Cash.


Same RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon