Chapter 11

10 0 0
                                        

Personal Question

"Anong gusto mong rides?" Excited nyang tanong sakin ng makarating kami sa EK.

Balewala lang akong sumusunod sakanya habang nakapaloob sa suot kong jacket ang dalawang kamay ko.

"Kahit ano dyan. Sayad lang naman ako sa trip mong 'to."

He burst into laughter bago ako inakbayan. Agad ko namang hinawi yung braso nya at dumistanya ng konti.

"Ibang klase ka talaga," iling nya.

Wala si Ashley ngayon kasi may family outing daw sila. Boring din naman sa bahay kaya nakapag pasya akong sumama nalang kay De Vieja kahit alam ko ang panganib na dala-dala nya. Nag promise nalang ako sa sarili ko na babantayan ko ng mabuti sang Body, soul and spirit ko lalo na wala si Ashley para maging "Guardian Angel" ko.

"Picture muna tayo!" Aaron exclaimed.

Pansin ko na kanina pa talaga sya excited. Nung dumating kami dito,en halos takbuhin na nya yung entrance.

"You seems so excited," wika ko bago lumapit sa kanya para makuha yung camera nya.

"Where do you think you're going? Picture tayong dalawa." He said ng mapansin nya na sya lang ang kukunan ko ng picture.

"Ayoko. Ikaw na lang." Tanggi ko at pumwesto na ako para kunan sya.

"Why not?" Apila nya.

"Ayoko. Pwesto ka na dyan."

As much as posible ay iniiwasan ko talaga ang magkaroon ng picture na may kasamang lalaki. Ayokong makita yun ni mommy at baka mapagalitan pa ako.

Hindi sya sumunod sa sinabi ko. Nilapitan nya ako.

"Natatakot ka bang makita ng ibang tao na may picture tayo?" Malumanay nyang tanong.

"Hindi naman, ayoko lang kasi... baka makita ng m-mommy ko over protective yun."

Kumunot lang yung noo nya.

"Your mom sounds...bitter...?"

Natawa ako sa sinabi nya. First time kong makarining ng ganon ka honest na salita tungkol sa mommy ko.

"Hindi naman sa ganon. It's just that," kibit ko. "There are just things that are hard to understand. But I understand my mom. She just wants to protect me."

"Does that means, I'm that... harmful to you?" Parang di makapaniwang tanong nya.

"Sort of." He grimace.

"Wag ka nga, De Vieja! Ang pangit mo pag sumimangot." Agad akong tumalikod sa kanya coz I feel my face is burning. Actually, sya lang ang nakita kong kahit ngumiwi ay gwapo parin.

Kinagat ko nalang yung dila ko kasi kahit nakatalikod na ako ay parang na pipicture ko pa sa utak ko yung mukha nya.

"Ganito nalang," he insist. "Promise, hindi ako mag uupload ng picture natin sa kahit anong site, basta pumayag ka lang." Itinaas nya pa yung kanang kamay nya.

Pinanaliitan ko sya ng mata bago ako pumayag. Wala naman sigurong masama diba?

"Fine."

Marami kaming sinubukang rides ni Aaron. Wala akong ginawa kundi ang pagtawanan sya. Sino ba naman ang hindi matatawa kung talo nya pa ang babae kung maka sigaw.

Hindi panamin nasusubukan ang lahat ay halos gusto na nyang umuwi.

"Anong nangyari sa excitement mo kanina?" I tease him ng makababa kami sa ferries wheel.

"Nandito pa naman." Alam kong hindi nya lang pinapahalata sa akin na gusto na nyang himatayin sa mga rides.

Matibay ka ah?

"Yung Skill test! Punta tayo." Suggestion ko sakanya ng maalala ko yung mga laro sa mga booth.

Kahit alam kong gusto nya pang tumayo dun para ma alis ang panginginig ng tuhod nya ay nagpadala parin sya sa paghila ko.

"Pustahan tayo! Paramihan ng puntos." Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba yun but I saw him smirked.

He murmured something pero di ko malinaw na narinig.

"Game! Pero anong consequence pag natalo?"

Nag isip muna ako ng magandang consequence.

"Pag ako nanalo, ahmmmm... Hahayaan mo akong I drive yung mustang mo sa isang drag racing." I grin when I saw na pinipigilan nya lang ang sarili nyang mag react. "Pag ikaw naman ang nanalo... ikaw? Anong gusto mong...?"

Walang paliguy-liguy naman syang sumagot.

"Pag ako nanalo, you'll give me the privilege to asked you 3 personal questions and you should answer me HONESTLY. Walang madaya."

Nanlaki ang dalawang mata ko sa gusto nyang mangyari? Aapila sana ako pero inunahan na nya ako.

"Wag kanang mag reklamo, hindi nga ako nag reklamo sa gusto mong mangyari kahit ayaw ko."

Napaisip ulit ako. Ipapanalo ko nalang itong pustahan naming ito.

Same RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon