Part 13. Closure and Excuses

69 2 0
                                    

K A S S A N D R A ~

It has been more than a week now since nakasama ko si Dandrei every lunch time. Not only lunch time actually, maraming beses kaming nagkakasama. Like everytime may vacant siya o ako, he would call me so we could hang out daw.

Hindi ko alam kung kikiligin ako or not since I came to something na it's like some kind bitter-sweet feeling.

Yung, kontento ka nga sa pagiging magkaibigan niyo but you have to deal with fate na hanggang dun lang kayo. Pero hanggang dun lang nga ba?

Mahirap umasa pati na rin mag-assume. Babae ako, I don't wanna look assuming sa taong hinahangaan ko.. So I have to pull out my 'conservative' face and attitude everyday para hindi lang masabihan na assuming ako. Mabuti lang nga at konti lang yung nakakaalam na may gusto ako sa Kanya.

Lalong-lalo na't alam kong marami ako karibal na obsessed sa paaralang ito. Wala eh, naging heartthrob na lang siya bigla.

- - -

Lunes ng umaga when the school announced na cancelled yung klase because of the seminar of our department. Magka-department rin kami ni Dandrei, magka-iba lang ng Major. I took Fine Arts while he took Digital Media.

Nagulat na lang ako nang biglang nag-ring yung phone ko in the middle of doing something.

"Hello?" -ako

"Heyyy Kass. Sup?" -siya, baliw at ngumunguya pa.

"Anong shup? Haha, oh napatawag ka nga pala?" -me . Ganito na kami ka-close. Pero naa-awkward-an pa rin ako.

"Sama ka?" bigla niyang tanong.

"Ano na namang kalokohan 'to?" tanong ko pabalik.

"Sige na. Saglit lang naman tayo."

"Nako, ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo." sabi ko.

Ibaba ko na sana yung telepono pero bigla siyang sumigaw sa kabilang linya. "Kass!" urgh.

"Saan ba kasi punta mo? Ayokong napagod ngayon, Drei. Next time na lang. Huhuhu.." totoo naman, gusto ko lang talaga magpahinga ngayon.

"Saglit lang naman tayo. Oh sige.. Libre na lang kita!" sabi niya. Hindi talaga titigil sa pagpilit.

"Heh! Hindi mo 'ko madadala sa 'Libre na lang kita' effect mo! Hahahahaha!" tinawanan ko na lang siya.

Pero wala pa rin. Pursigido pa rin siyang pilitin ako. Pero ang sabi niya nga saglit lang. Kaya wala na rin akong magawa kundi ang sumama sa kanya. Ewan ko nga kung bakit gustung-gusto niya na isama ako. Maraming naman na siyang kaibigan eh.

"Dadaanan na lang kita mamaya, Kass. Hahaha salamat!" sabi niya na tumatawa pa dahil alam niyang nanalo siya sa pagpilit saken. Baliw yun. Hindi ko alam ganun pala siya kabaliw.

2 pm daw kami aalis at 10 pa lang ng umaga. May oras pa akong mag-ayos para naman siguro mag-mukha nman akong disente pero bahala na talaga. Kinakabahan ako kahit na pangatlong beses na akong niyaya ni Dandrei na sumama sa kanya.

Last time kasi may ginawang kalokohan si Drei kaya nagdadalawang isip ako ngayon.
Dati kasi, hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya nagsuot ako ng dress which is natipuhan ko lang namang suotin then Only to find out na sa isang water party kami pumunta.

Kaya ayun, nabasa ako at wala pa akong dalang extrang damit, I ended up staying at his car hanggang sa hindi niya ako natiis at inuwi na lang.

Umiyak pa ako nun. Kasi baka magkasakit ako. Natuyo kasi yung damit ko sa aircon few minutes before kami nakarating ng bahay. Hindi ko siya kinausap for a day.

Hanggang sa pinuntahan niya ako sa bahay at personal na mismo nag-sorry.
Ako rin naman na hindi rin naka-tiis, pinatawad din agad. Kaya heto ngayon, nagbabasakali na baka may gawin na namang kalokohan.

I wore a simple statement shirt, a pair for black ripped jeans at vans shoes. Tapos nag-pony tail lang ako. Handang-handa sa anuman ang pwedeng mangyari sa araw na 'to. May it be good or not. Basta, kasama ko lang isang baliw na lalaking yun.

1:45 ng hapon, narinig ko na yung sasakyan ni Dandrei. Hindi ko na hinintay na pumasok pa siya sa bahay. Agad na lang lumabas ang nasalubong ko siyang nag-aattemp na pindutin yung doorbell.

"Bakit kasi ayaw mo akong papasukin sa bahay niyo?" tanong niya.

Ngumiti ako at sinabing, "Eh sa ayaw ko eh. May magagawa ka ba?" saka ako tumalikod at dumiretso sa sasakyan na tsaka rin pumasok ng walang pasabi.

Pero hindi pa ako nakakapasok, umatras na ako kaagad. I'm in shock the moment I saw Liza inside the car. Sa passenger seat. Parang gusto ko agad mag-back out sa lakad namin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

Bigla na lang bumalik yung masakit na naramdam ko noong nakita ko silang magkahalikan nung prom.

Are they still together?

Magmumukha akong tanga nito pagnagkataon.

Hindi naman kasi sinabi ng baliw na yun na kasama pala si Liza sa lakad namin. Tapos munadali niya pa ako kanina. Putres. Kung alam ko lang, edi sana hindi na lang ako nag-ayos. Sayang yung effort kahit na ito lang yung suot ko.

Bumalik ako sa bahay. Nakasalubong ko si Drei. Tinanong niya ko kung saan ako pumunta, "Masama pakiramdam ko. Next time na lang." seryosong sabi ko. Tsaka tuluyan nang pumasok sa loob.

Narinig ko pa siyang sumigaw. Tinatawag ako pero binalewala ko na lang. Ayokong mag-mukhang tanga dun.

Alam kong, Matagal na yun, naka-move on na nga ako dun sa pangyayari, 2 years na rin yun. Ayoko lang kasi magmukhang third party sa kanila.

Pumasok na lang ako ng kwarto at nagbihis ng pambahay tsaka humiga ng kama.

- - - -

Sorry for the wait. Ahe (^_^)v

Out of my limit (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon