Nagising ako sa ingay na katok sa pinto ng kwarto ko. Ewan ko kung ano ang nangyayari.
Dahan-dahan akong bumangon dahil medyo mabigat ang katawan ko. Isa't kalahati lang naman ang nainom ko kagabi. Ewan pero parang masama yung pakiramdam ko..
*tok* *tok* *tok*
"Saglit! Sino ba yan?" Sabi ko sabay suot ng tsinelas at tinatali ang buhok ko.
"Kass! Breakfast na. Lumabas ka na diyan." Sus. Si kuya lang pala. Nag-aaya kumain, akala ko kung ano na. Wagas makakatok eh.
Nung pagkabukas ko ng pinto, "Oh? Bakit ganyan mukha ko eh ke-aga aga.." Sabi niya.
I gave him a death glare which made him realize na ayaw na ayaw kong mabulabug kapag natutulog. It's 6 in the morning. And mostly, 6:30 naman ako magigising. Body clock.
"Ang ingay mo!" Sabi ko.
"Haha! Sorry po.. Halika na nga. Baba na tayo't mag-almusal." Sabi naman niya sabay akbay na akin nag pinagtaka ko.
Kagabi kasi eh ang init-init ng ulo. Tapos kung makaasta, sobra pa sa babae, may pawalk-out pang nalalaman. Hahaha. Tapos ngayon naman, naku! Parang naka-score sa babae. Oops! Huwag mag-isip ng masama, I was thinking, na parang sinagot siya ng nililigawan niya. Hahaha.
Okayyy.
"Ma, Pa, aalis po ako mamaya ha." Pagpapaalam ko. Pupunta akong 'Somewhere'
"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama.
"Sa somewhere. Hahaha. Di, joke lang po. Bibili ng gamot, medyo masama pakiramdam ko eh." Sagot ko.
"May gamot pa naman siguro diyan."
"Wala na po. Chi-neck ko kagabi." Panigurado ko.
"Ahh. Ipabili mo na lang kay manang baka mapano ka pa." Pag-alalang sabi naman ni Mama.
"Ako na lang ma. I can handle myself."
"Oo nga naman mama, Big girl na yan. In 7 months, legal na yan." Biglang singit ni papa.
"Haha. Okay. Pero mag-ingat ka ha." Sabi naman ni mama.
Si kuya, tahimik pero nakikita kong ngumingiti. Anong meron sa lalaking ito. Nabaliw na rin ata? Hahaha!
"KUYA!" gulat ko sa kanya.
Napasigaw si Kuya sa ginawa kong panggugulat. Para siyang babae kung umakto. Sobra pa sakin. Bakit ganun?
"Ano ba Kassey! Ba't ka nangugulat?" Tanong niya.
"Ehhh, Kanina ka pa ngiting-ngiti diyan. Yung totoo kuya? Baliw ka na ba?" Sabi ko sabay tawa. Binigyan niya naman ako ng Death Glare at biglang nag-sumbong.
"Ewan ko sa'yo! Mama, Yang si Kassandra, uminom kagabi!" Sabi niya
"Alam namin ng papa mo. Oh shaaa. Tapusin niyo na yang kinakain niyo't mag-ayos. Wala ka bang pupuntahan ngayon, Kristoff?"
Natulala naman si kuya sa sinabi ni mama. It made him look like this. ( ͡ಠ ʖ̯ ͡ಠ) Tumingin siya ulit sakin at ginantihan ko siya ng ganitong mukha ヽ(;^o^ヽ) Like I won from the debate. Hahaha.
I may be Childish but you know what? Being Childish is fun. Huwag lang masyadong over immature. Balanse lang dapat. Bunso kasi ako kaya ganun.
Tumayo na ako't nagpaalam na maligo dahil maya-maya'y aalis rin ako't bibili ng mga gamot. Dahil talagang sumama yung pakiramdam ko. Yung parang masusuka na ewan. I hope this is nothing big.
![](https://img.wattpad.com/cover/17474515-288-k783386.jpg)
BINABASA MO ANG
Out of my limit (REVISING)
FanfictionDo not read at the moment. Story is under Revision. Thank you.