Part 14. What do you mean?

80 5 1
                                    

Dandrei's POV *

Sinundo ko Kass dahil magpapasama ako sa isang gig na alam kong magugustuhan niya. Rinig ko kasing gusto niya yung bandang yun. Kaya ko siya pinilit kahit ngayon lang.

12:30 pa lang, papunta na ako sa kanila para naman makapasok na ako sa bahay nila. Hindi niya kasi ako pinapapasok. Hindi ko alam kung bakit.

Habang papunta sa kanila, nakakuha ako ng isang text message knowing it's from Liza.

She's my ex. But we're in good terms. Wala na kami matagal na. Close kami dahil ayoko ng issue between us, dapat suabe lang. Magkaibigan pa rin kahit break na.

Sinabi niya na sunduin ko daw siya sa isang mall malapit sa amin dahil nawala yung wallet niya. For all I know, may boyfriend yun.

Tinanong ko nga kung bakit hindi siya magpasundo sa boyfriend niya, sinagot niya lang ako na nag-away sila kaya siya pumunta ng mall para maka-relax pero na-badtrip sa dahilang nawala niya yung wallet niya.

Wala na rin naman akong ibang nagawa kundi sunduin siya. Dapat nga 1:15 pa lang nasa bahay na ako nina Kass. Pero dahil kay Liza, 1:45 na ako nakarating. Kaya nung kakatok pa lang sana ako ng bahay nina Kass, lumabas na siya kaagad. Tinanong ko pa nga kung bakit ayaw niya akong papasuking sinabi niya lang "basta!" tsaka siya dumiretso sa sasakyan sabay bukas ng passenger seat.

Nung pagkabukas niya, bigla siyang napaatras at natulala sa nakita niya. Tila na-shock sa kay Liza na parang may naalala.

Umiling siya at akala ko na sasakay na siya ng backseat pero umatras siya ulit at tinalikuran ang sasakyan saka bumalik sa bahay nila.

Tinanong ko siya, "Oh, saan ka pupunta? May naiwan ka?"

Hinarap niya ako at sinabing "Masama pakiramdam ko, Next time na lang." ng napaka seryoso. Para akong binuhusan ng yelo.

"Kass!" sigaw ko the moment she closed the door. Bakit bigla na lang nagbago isip nun? Okay naman yung pinag-usapan namin kanina ah?

"Kassey?!" sigaw ko ulit habang kinakatok yung pintuan.

Walang sumagot. Nakarinig din ako ng yapak paakyat ng hagdan nila. Ilang ulit akong sumigaw pero wala. Imposible naman na sumama pakiramdam niya eh ang blooming pa nga niya.

Ang ganda at ang simple nga niya sa suot niya tapos sasabihin niya lang na sumama pakiramdam niya. Sana nag-text na lang siya sakin kanina pa.

Di kaya dahil yun kay Liza?

Sumuko na ako sa kakasigaw tsaka ko pinuntahan si Liza sa sasakyan.

"Liz, may sinabi ka ba kay Kass?" seryosong tanong ko.

Nakita kong namutla si Liza nung kinausap ko. Nataranta siya at biglang lumabas ng sasakyan, "Hala Drei.. Nakoo. Nasira ko ata yung lakad niyo. Baka napag-selosan ako nun?"

"H-hah?! Selos? Eh hindi naman kami ni Kassey ah." sabi ko naman.

"H-hindi? Eh.. Pero bakit biglang nagdilim yung mga mata niya nung nakita niya ako kanina. Tsaka.. Tsaka umatras siya at nagulat." still natatarantang sabi ni Liza.

Out of my limit (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon