People feel jealousy and that's what make them feel and say something na nagugustuhan na nila ang isang tao.
People needs to feel pain bago nila masasabing mahal na nila ang isang tao.
And people needs a lot of experiences to know the real essence of life.
Naranasan niyo na bang masaktan? Tulad ng cold na pagkasabi ni Joseph Jiang kay Ariel Yuan sa It started with a kiss. Yung tipong sasabihan ka ng "Humanap ka na lang ng lalaking magmamahal sa'yo"
Ang sakit lang noh?
Pero hindi ko pa naranasan yan. Hindi ko pa naranasang lalaki ang nagsabi sa akin yan. Dahil mga kaibigan ko ang nagsabi sa akin ng mga ganyang salita.. Haii.
Yung mga tipo ng lalaki na napaka-indenial ng feelings sa isang babae. Nakakainis lang kasi, alam naman ni Joseph na gusto niya si Ariel pero sinabi niyang gusto niya yung babaeng mukhang palaka. (Taena!)
Kaya ayun, pinilit ni Ariel na magbago. Gusto niyang baguhin ang laman ng puso niya. Gusto niyang kalimutan si Joseph. Pero kahit na anuman ang gawin niya, mahal niya pa rin ito.
Parang mahihintulad sa lovestory ng buhay ko. Hindi naman na ganun pero parang ganun na rin yun. Naka-relate kasi ako. Pasensya sa drama ko.
(Kung hindi pa kayo napanood ng 'It started with a kiss', pwede kayong manood sa Fox Filipino o di kaya bumili na lang kayo ng CD o i-search niyo sa Youtube.. Hehehe :D)
2 years na pero bakit hindi parin ako makapag-move on sa Crush ko noon? Lakas ata talaka ng tama ko sa kanya.
Naiinis ako. :(
Teka, isisingit ko muna yung excitement ko. Hahaha. Nag-abangan na yung ISWAK! Malapit na. Malapit na silang magpakasal! Hahahaha nasa akin pa rin ang huling halakhak! Kaya abangan niyo rin ang love story ko. Hahahaha! Pero teka nga..
Nababaliw na ako!
Hahahahahahaha!
Eto kasi ang epekto ng pag-ibig sa akin eh. Nakakabaliw. Hays. Ang hopeless romantic ko. Hahahaha.
Pero eto na. Seryoso na.
"Hoy, Kassey! Iniiyak-iyak mo diyan? Tapos biglang tatawa.. Baliw?"
Bigla na lang may nag-salita sa harapan ko. Hindi ko maaninag kung sino. Madilim kasi sa kwarto ko. Siguro kaya alam niyang umiyak ako dahil sa sinag ng ilaw ng TV sa harapan ko.
"H-ha? Sino ka? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Kassandra naman! Kailan ka pa marunong uminom?" (A/N: Teka? Tama ba yung sentence? Haha)
"Ahh, Kuya naman eh. Minsan lang 'to! Ano ka ba?!.. Akin na nga yan!" Sabi ko naman sabay agaw ng alak sa kamay niya.
Nakikilala ko siya nung in-on niya yung ilaw. Oo, umiinom ako kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko dito. 2nd year college pa lang ako taking Fine Arts sa University malapit sa bahay namin. At natuto akong uminom last year nung new year. Wala kasi si Kuya nun nasa duty niya sa NY. Flight attendant eh. Kaya hindu niya alam.
Pangatlong beses pa lang naman. Feel ko lang uminom ngayon kasi nagdadrama ako. Para mas Intense ang feelings. Para sagad. Lol!
"Hindi ko alam umiinom ka, Kath. Isusumbong kita." Sabi niya.
"Tsk, Ang Kj mo kuya, edi isumbong mo! Gusto mo ako pa magsabi eh!" Sigaw ko.
Alam naman nila Mommy eh. Sila pa nga pinabili ko.. Siguro dahil naiintindihan nilang part ito ng growing up. At alam nilang hanggang isa at kalahating bote lang ang kaya ko..
Ewan. Epekto ito ng pag-ibig. Sakit sa puso. Mas gusto ko yung sakit sa ulo. Haha.
"Bahala ka na nga diyan!" Sigaw naman niya sa akin sabay walk out.
Nagkibit balikat lang ako at tumuloy sa pag-inom habang nanonood ng TV. Alas dyes na ng gabi. At nililibang ko na lang ang sarili ko.
At naisip ko..
Grabe pala ang epekto ng pag-ibig noh? Hindi mo malalaman kung ano ang kaya mong gawin.
Buntong Hininga.
----
Finished 11:30 PM . 30 minutes before christmas #MerryChristmasPoSaLahat #ILoveYouAll #Mwahugs ❤❄
![](https://img.wattpad.com/cover/17474515-288-k783386.jpg)
BINABASA MO ANG
Out of my limit (REVISING)
FanfictionDo not read at the moment. Story is under Revision. Thank you.