"you can't"
bakit siya nandito?
Kita ko yung itim na aura na bumabalot sakanya. Medyo natakot ako sakanya pati din si Jae hindi ako makagalaw sa pwesto ko. All I did is to stare at him I realize na nasa labas na pala kami ng resto.
"ano ba Vade!"
"bakit ka lumabas na wala ako ah?! Hindi ka man lang nagpaalam sakin at may plano ka pang pumunta sa underground. Naghahanap ka ba ng gulo? At gabi na alam mo bang maraming mga adik sa underground? Malalagot talaga ako sa daddy mo." sunod-sunod niyang sabi sakin.
"Teka lang ah, sino bang tulog kanina? Ikaw diba. Paano ako makapaalam sayo natutulog ka kanina tapos gutom ako kaya lumbas ako kasama si Jae. At bawal bang mag-enjoy? YOLO ! you only live once po! Kung gusto mo sama ka sak-" natigilan ako nang sinipa niya ang kotse.
"tumahimik ka nga !!" sigaw niya.
Aba pinatahimik ako?! Tapos siya yung nagsisipa ng kung ano at sumisigaw.
"tatahimik na." sabi ko.
Umupo siya at inilabas ang yosi sinindihan iyon. Mangyoyosi pala siya? tinakpan ko ang ilong ko nang nasinghap ko ang usok na binubuga niya. Mukhang kumalma siya ganito pala ang epek ng yosi. Nakita kong tinapos niya ang yosi at kumuha na naman pero pinigilan ko.
"alam mo bang makakasama ang pagyoyosi?"
"Oo hindi naman ako bobo." ocake siya na matalino.
Tinawagan ko si Jae at nagsorry dahil sa biglang paghigit sakin ni Vade sabi niya okay lang daw. Sinamahan daw siya ni Ella sa underground nainggit tuloy ako. Umuwi nadin kami ni Vade sa bahay niya .
---
Nagising ako sa mga basag na tunog at mura. Kaya agad akong bumangon dahil sa tono lang ng pamumura parang sasabog na siya. Panira talaga ng beauty sleep.
"Hoy! ang ingay mo aga aga nagmumura ka!" tawag ko sakanya.
"Goodmorning din!" sarcastic niyang sabi.
Nakita ko siyang nakahawak ng ewan para siyang si Thor na nagluluto. Tinignan ko yung niluto niya itlog tsaka hotdog.
"kumain ka na" di ko mapigilan tumawa sa mukha niya ngayon. Para siyang bakla sa pink na apron nice. Inirapan niya lang ako.
After I finished my breakfast I prepared myself for school. Hinatid niya ako sa school dahil yun daw ang dapat niyang gawin sabi ni daddy.
Nagsorry siya sakin tungkol kagabi, dahil delikado daw kapag wala siya natali na talaga ako sakanya. Mabuti naman at hindi kami magkapareha ng school atleast may free will pa ako.
Bago pa ako bumaba ay may sinabi siya.
"you think you can escape me Kacel?" i see how his face changed into devilous.