"So how's your day princess? Nag-aaraal ka ba ng mabuti?"Tumango ako. "Yes Dad nag-aaral naman ako ng mabuti for the sake of my future."
Nakatingin lang ako sa pool. I missed my childhood days when me and mom used to play in this area sa bahay namin.
"That's good princess pag uwi ko diyan i'll buy you your favorite twinkies." He said while laughing. I heard tito Von's laugh too akala ko nga si Vade because pareho sila ng boses but never heard Vade's laugh.
"Oh my Twinkies!! Bilhan mo ako ng dalawang box ng mga Twinkies Dad!"
Twinkies is heaven, rare lang ako makakain ng twinkies dahil nasa ibang bansa ito makikita. Last kong tikim is nung Christmas way back 2010 when we celebrated in New York.
"Sure princess basta be good there. Sa mga kuya mo."
"Kuya?" I laughed.
"Yes kuya mo sila Kace and I expect you not to fall in love with each of them." Seryosong sabi ni Dad sa kabilang linya.
"Pffft! Course Dad! I will not be falling in love with one of them they are just a possesive kuya like to me no. And mataas po kaya ang standards ko sa mga lalake." Biro ko sakanya. But truthfully I got a crush on Lindon!
"Good! Sige princess will call you tomorrow morning, mag di-dinner lang kami with my coworkers."
Nag babye ako kay Dad bago ibinaba. Bumuntong hininga ako habang naglalaro ng tubig gamit ang paa ko. I felt someone behind my back, akala ko itutulak ako ng kung sinuman ang naasa likod ko. Kaya agad akong umatras dahilan na mahulog kaming dalawa sa bermuda.
"Shit. Ouch!"
"Alex?!"
Agad akong tumayo mula sa pagkaupo ko sakanya. He was holding his junjun, I guess na upuan ko.
"Masakit ba?" Tanong ko sakanya. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at takot. Baka mamatay siya! I heard na hindi okay kung masasaktan ang junjun ng mga lalake maari nila itong ikamatay.
"Hindi masakit Kace! Masarap!" Daing niya na pa gulong-gulong sa bermuda. Lumuhod ako para tulungan siya, pero ano ang maitutulong ko?!
"Sorry talaga Alex! Ba't ba kasi nasa likod ka yan tuloy! Sorry talaga!" Tumigil siya sa pag gulong at tumingin sakin ang isa niyang mata ay nakapikit.
Is he pretending?
"Ikaw naman kasi umatras ka yan tuloy nahulog tayo." Gusto ko sana siyang sampalin kasi gago bumanat. I'm just easy to catch. At bago pa ako pinagsabihan na no, no, no.
"Ha? Tumigil ka nga! Masakit ba o nag pre-pretend ka lang?!" Tanong ko sakanya.
"Masakit kaya!" Tumayo siya nang dahan-dahan at tumatalon konti.
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sakanya,
"Kukuha sana ng tubig."
"Bakit ka nga nandito? Nandon ang kusina."
"Nakita kita kaya, gusto kitang gulatin." So tama pala ako na itutulak ako neto sa pool. Inirapan ko siya at lumakad papasok ng bahay.
"Kacel!" Tawag niya sakin. Huminto ako at tumingin sakanya. "Bakit?" Tanong ko.
"Samahan mo ako sa orphanage bukas ibibigay ko lang ang mga chocolates sa mga bata." He said.
Ningitian ko siya. Hindi naman pala puro mga kabaliwan at kagaguhan ang ginagawa niya sa buhay. Tumango ako bilang pag sang-ayon.