08.

18 2 0
                                    

"Don't stare at me that much. Tinatakot mo ko."

"Ha?" Nagulat ako sa agad-agaran niyang pagsabi. Ako? Nakatingin sakanya?

"Gok." Sagot niya.

Anong gok?

"Gok? Ano yun?" Curios kong sabi. What's with that word? Sounds like a baboy word.

I stared at his small figure. I heard his silent weep of irritation.

Suddenly it made me smile kung paano siya nagagalit at naiirita. Tinahak namin ang hallway hanggang sa nalagpasan na namin ang room nila kasi tinatawag siya ni Raphael.

"Ihahatid mo talaga ako. Kaya ko naman mag-isa tutal malapit na." Sabi ko sakanya pero patuloy parin siya sa paglakad.

"I was commanded kaya gagawin ko." Aniya.

"Are you guys perhaphs a soldiers? Agents? Or what?" Hinabol ko siya sa paglakad para tignan siyang mabuti.

Bakit ba tinatago nila sakin to? May karapatan akong malaman kung sino sila at ano tong ginagawa nila. My dad... Tito Von and them.

Nag kibit-balikat lamg siya at tumigil sa paglakad. Sign na nasa tapat ng classroom na kami.

Agad may nagsi-tilian sa loob pero hindi niya ito binigyan ng pansin. He looked at me tiredly. Na parang naghihintay siya sakin na pumasok pero gusto kong makarinig ng sagot sakanya.

Parang alam naman niya kung bakit hindi pa ako pumasok. He deeply sighed.

"Avengers."

Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sakanya. Shit. Bakit ang seryoso ng tingin niya sakin?

And suddenly isang malakas na tawa ang narinig namin mula sa likod ko.

"Nice one Glay! Avengers pala tayo!"

"Ako si Iron man!" Natatawang sabi ni Alex kasama si Jae d idiot na benta talaga sakanya ang sinabi ni Glay.

"Well si Jae hindi naman kasali sa avengers eh." Ako.

Napatigil sa pagtawa si Jae at biglang na curios sa sinabi ko.

"Bakit? Kasi gwapo ako at pangit ang mga Avengers? Kasi tama naman pangit ang mga avengers lalo na si Iron man the bakal man parang ikaw Alex." Aniya naka-crossed arms pa at hinahawi ang kanyang buhok na para bang si Elvis Presley. Tss mukha siyang elf.

"Hola nahiya naman si Iron man sayo. Fyi cool niya may jams siya ikaw wala!" Sabat ni Alex.

"Sorry Jae pero... Mukha kang si Grey Matter." Sabi ko sakanya na nakapagtigil sa bangayan nila ni Alex. He looked at me extremely with anger. Shit.

Para akong nanlumo sa takot na mahigpit kong hinawakan si Glay sa tabi ko. Hinawakan siya ni Alex sa balikat na parang pinapatigil.

"I-im sorry Jae.."

Bigla nalang nagbago ang aura niya pagkasabi ko nun. Ngumiti lang siya sakin na nawala ang mata niya sa ngiti niya. Cute naman siya , like Grey Matter sa ben 10.

Im with the Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon