11.

13 3 0
                                    

Its already dark when we arrived at the hospital. Pagod na pagod na ako pero kere lang basta makita ko lang si Audrey. Pumasok na kami sa elevator at parang mahihimatay ang nurse na nakasabay namin ngayon dahil sakanila. Lalo na si Jae na malaki ang ngiti. Napaka-flirt niya talaga.

Naramdaman ko ang mabigat na kamay ni Hope na nakahawak sa batok ko habang naglalakad kami sa hallway papunta sa room ni Audrey.

"Saan room pala si Audrey?" tanong ni Glay.

"Room 419"

Nakatingala akong tinitignan ang mga room numbers, nasa 415 pa kami.

416.....417.....418....419!!

Tinignan ako ni Vade at kina Glay at Hope na nasa both sides ko. Tinap siya sa likod ni Lydon bago niya binuksan ang pintuan. Isang mala-anghel na babae ang bumungad sa amin. Lumilinga na parang may hinahanap siya.

"Vade!" Galak niyang sabi. Pero bakit... bakit nakatingin siya sa ibang direksyon? Bulag si Audrey?

"Hi Audrey!" Bati ng mga boys sakanya.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi. Nasa likuran ako ni Glay na nakatayo sa tabi ng kama niya. Umupo si Vade sa kama ni Audrey, nakita ko kung paano bumago ang ekspresyon ni Vade ng hinawakan siya sa pisnge ni Audrey.

"Oh ikaw nga Vade! Akala ko si Alex!" Natatawa niyang sabi.

"Bakit akala niya si Alex?" tanong ko kay Glay.

"Mahilig si Alex na mag panggap na siya si Vade." sagot niya. Tumango naman ako. "Audrey we got a new friend here. Siya si Kacel pinsan ni Vade." biglang sabi ni Glay kay Audrey. Ako pinsan ni Vade?

"Oh? Hi Kacel nice to meet you but i don't see you, sorry. Ako si Audrey his girlfriend." Ngumiti ako sakanya.

"Hello Audrey..."

"We should talk Kacel para makilala kita ng mabuti kasi pinsan ka ni Vade."

Sasagot pa sana ako nang nag salita si Vade. "Did you take your medicines? Baka nagmamatigas ka na naman."

Umiling siya. "Good girl kaya ako at para maaga akong gumaling. My promise ka sakin right?" Tumango naman si Vade.

Umupo ako sa sofa kung nasaan si Lindon nakaupo. "Lindon, bakit siya nagka ganyan?" Tanong ko sakanya. Curiousity really kills the cat.

"May brain tumor si Audrey stage 1 last December lang natuklasan at bad timing sa mismong 2nd anniversary pa nila ni Vade."

Kawawa naman silang dalawa, they both suffered real bad. "Is she a dancer?" Tumango si Lindon.

"Vade and Audy used to be a dancer, they are both great. Nang manghina si Audrey ay pinatigil siyang sumayaw baka raw mas lalong makaranas siya ng sakit sa ulo. Worst she got blind kasi kumalat ang sakit niya naapektuhan ang mata niya. And by that Vade stopped dancing too kasi partners sila; 'I'll dance if you dance' ika nga ni Vade."

"Wow relationship goals sila. Kaya pala nagalit siya nung pinilit namin siyang sumayaw. Now i understand."

Nakatingin kami sa dalawang magkasintahan na nag-uusap, tumatawa sila...tumawa si Vade. "I never seen Vade laugh like that." bulong ko.

"Only Audrey can tame the bad Vade." Sabi ni Raphael. "I remember noong hindi pa nagkasakit si Audrey, palagi nagbabangayan yan silang dalawa. Minsan nga kapag nakita kita I remember her to you." Dagdag niya.

"Bakit? Parehong pareho ba kami?"

Um'oo' sila sa sinabi ko. "The way you style everything yung ugali mo." Lindon said.

"Mataray." sabi ni Glay nang makaupo siya sa tabi ni Lindon. "Pero mabait." Dagdag ko na may ngiti sa aking mukha, nagulat naman si Glay sa ngiti ko kaya umiwas siya ng tingin sa akin.

Yeah i'm mataray pero mabait naman ako. I can't blame my parents why my face is so annoying, palaging masungit at mataray ang first impressions ng mga tao naka paligid sa akin.

"So Vade are you going to stay here?" I asked Vade when he came to my place. Kumuha siya ng baso at nag lagay ng tubig. "If only I can...." nanghihinayang niyang sabi.

Naguguluhan akong nakatingin sakanya. Til now ginagawa niya parin ang duty niya na bantayan ako? I had the boys tho, he can just stay here anytime. Naawa ako kay Audrey.

"Why?"

"Don't worry about me kasama ko naman sila Alex kailangan ka ni Audrey dito Vade." I smiled.

Tumango lang siya at ininom ang tubig. "Thank you..." Nanibaguhan ako sa tono ng pananalita niya parang ramdam ko ang saya niya. It's not the evil,idiot Vade I used to know.

I just nod.

"Audrey uuwi na kami, nice seeing you."

"Thank you sa pag bisita Kacel at mga boys, kung sana hindi lang ako bulag makakapagbonding pa ako sainyo. I missed your faces guys." She said in low tone. Halatang gusto niyang umiyak.

"Ow! Audy don't cry! We can always bond together right? Pagaling ka Audy I'm Hope and i'll give you lots of hopes." Ani Hope sakaniya.

Sumang-ayon naman lahat sila pati na rin ako. I can feel na matagal na talaga silang magkaibigan. And i'm jealoused kasi kung ako may kaibigang mga lalake i'll be grateful. Para silang mga kuyas to cheer you up and protect you.

We bid our goodbyes and head to the parking lot. Tahimik lang ako sa buong biyahe and as usual sila Jae,Hope at Alex lang ang maingay. Habang nakatingin lang ako sa labas may naramdaman akong may mainit na balat ang tumama sa kamay ko caused me to jerk and looked who was beside me.

Isang mapayapang mukha ang tumambad sa akin. Its the sleeping beast. Natutulog siya sa balikat ko ngayon I stared at his face his cheeks is so squishy that i want to pinch him so badly. Napangiti nalang ako sa mala-anghel niyang mukha, never seen him like this kasi everytime palagi siyang nakabusangot at sinusungitan ako.

Sleep there beasty.


Im with the Bad boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon