"Hoy Nutella labahan mo nga ng madali ito" habang inaabot sakin ng aking step mother ang kanyang sapatos na ginagamit pag nag zuzumba. Kinuha ko naman din agad ito at nagtungo sa banyo. Patay na kasi ang totoong mother ko, 3 years old pa lang ako nun dahil sa tumor. After 3 years nag asawa ulit ang daddy ko at ito nga si Tita Lavender. Never nya akong pinakitunguhan ng maayos. Ginagawa nya lang akong katulong, hindi naman ito alam ng daddy ko dahil nasa abroad sya.Isa syang seaman.
Pumunta naman agad ako sa laundry area para labahan ang sapatos ni tita Lav.
Ng makatapos ako sa paglalaba, aakyat na sana ako sa taas para magpahinga. Pero nasa may sala pala ang isa aking step sister na si Cassandra. Hindi ko talaga sya kapatid. Iba ang father nya, pero baliktad ang lagay namin. Sya ang nagpapaka prinsesa na dapat ay ako naman. Kasama nya ang mga barkada nya.
"Sis" Bati nya sa akin, kaya nilingon ko sya alam ko kasing pagtitripan na naman ako neto.
"Pwede mo ba kaming gawan ng meryenda ng friends ko? Yung sandwich na ang palaman ay NUTELLA" at nagtawanan sila. Halip na sa makipagsagutan ako, pumunta nalang ako sa kusina at gumawa ng sandwich nila at nagtimpla na din ng juice. Dinala ko agad ito sa kanila.
"salamat sis NUTELLA" sabay tawanan ulit nila.
Yung totoo? Anong meron sa pangalan ko at tuwang tuwa sila? Ang ganda kaya ng pangalan ko.
Aakyat na sana talaga ako para magpahinga ng dumating naman ang kuya ko, si Kuya Nathan. Agad naman syang ngumiti sa akin at yumakap. Totoo kaming magkapatid. Pero may condo syang sarili. At minsan lang sya pumunta dito sa bahay para dumalaw. Sa magandang school sya pumapasok kumpara sa school ko. Paborito kasi sya ng mga tita ko sa mother side ko kaya naman kinuha sya at ako naiwan sa daddy ko pero iniwan naman ako ng daddy ko dito sa mag anak na to.
"Bunso" Masaya paring bati nya sa akin. Si Kuya talaga, yon pa din ang tawag sakin e may mas bunso naman akong kapatid.
"Hi Nathan" bati sa kanya ni Cass.
"Oh, hi Cass" bati sa kanya ni kuya at nakipag beso pa.
"amm, meryenda ka muna o" Pag aalok pa ni Cass. May gusto si Cass kay Kuya Nathan, alam kong alam yon ni Kuya pero ayaw naman nya dito.
"Ah sige busog pa kasi ako e. Punta muna kami sa taas" Sabi ni kuya. Sumimangot naman si Cass at bumalik sa inuupuan nya kanina.
"Bunso o pasalubong ko sayo, favorite mo yan!" habang inaabot ni kuya ang supot sa akin na may tatak na jollibee. Pagbukas ko ng supot niyakap ko si kuya. Pinasalubungan nya kasi ako ng Coke float, Burger, spaghetti at French fries. Pero sa loob ng supot may supot pa ulit. Binuksan ko iyon at lalo na akong naging masaya at pinaghahalkan si kuya sa pisngi nya. Pano may new book na ako ng favorite author kong si FRES.
Habang kumakain ako panay ang pangangamusta ni kuya sa akin.
"Bunso kamusta naman sina tita sayo?"
"Ok lang naman kuya, mabait sila" pagsisinungaling ko.
"Asan si tita?" tanong ulit ni kuya.
"nagpapasalon yun kasama ang mga amiga nya"
"ahh, ang pag aaral mo kamusta?"
"ok lang din kuya mas mataas ako ngayong 'prefi kesa nung prelim at midterm" pagmamalaki ko sa kanya.
"wow, thats nice to hear, bunso lumipat ka na din kasi sa condo ko. at dun ka na din mag aral sa pinapasukan ko."
"Wag na kuya dito na lang ako. Masaya ako dito e. Isipin mo kung magtatransfer ako, maninibago ako, wala akong friends, dito madami akong friends at saka mamimiss ko sila tita lalo na si Ame" kahit gustong gusto kong sumama kay kuya ayaw ko padin. ayaw kasi sakin ng family ni mommy, Ako kasi ang sinisisi nila sa pagkamatay ni mommy. Wala pa kasing one month mula ng ipanganak ako ni mommy, nagtrabaho na agad sya. Kasi mapopromote sya kaya naman nagpumilit syang magtrabaho. Para din daw kasi sakin yun, para daw mabigyan ako ng magandang buhay kasi nung ipinanganak ako, madilaw ako. sakitin, kaya kelangan nila ng malaking pera para matustusan ang kailangan ko. after 6 months nahimatay si mommy at nalamang may tumor daw sya. hanggang sa unti unting bumigay ang katawan ni mommy at namatay nagalit sakin ang family nya. Hindi ko alam pero kasalanan ko bang may sakit ako nung ipanganak na ko? kaya naman ang kinuha lang nila ay si kuya. Pag tumira ako dun, siguradong malalamn nila kasi yung mga katapat na condo ni kuya e mga pinsan namin.
"O bunso, natulala ka? Kanina pa kitang kinakausap sure kabang wala kang problema? Baka naman inaabuso ka nila tulad nung napapanuod ko sa tv?" napatawa ako sa sinabi ni kuya.
"naku kuya, tigilan mo na ang panunuod ng tv. Palabas lang yun. mabait sakin sina tita. Buhay prinsesa nga ako dito e, laging anlaki ng baon ko, sunod lahat ng gusto ko" pilit kong sinasayahan ang boses ko. lahat kasi yan ay mali. hindi ako buhay prinsesa, laging pambili lang ng meryenda at ulam ang baon ko saktong sakto lang talaga. Pinaglalakad na nga lang nila ako e, 10 minutes lang naman kasi ang layo mula dito hanggang school pag naglakad, at lalong lahat ng gusto ko pinaghihirapan ko bago ko makuha.
"Nasan pala si Ame?" Si Ame ay ang bunso naming kapatid. Half sister namin sya. Anak ni Daddy at Tita Lav. 3 years old pa lang ang napa cute na batang yon!
"Tulog yon sa kanina pa. Gisingin ba natin?"
"Hindi na! Bunso anong oras na?" tanong sakin ni kuya tiningnan ko naman ang orasan sa may side table ko,
"Mag 9 kuya bakit?" tanong ko sa kanya.
"Naku, sorry bunso aalis na ko. may dinner pa kami nina tita e. Late na ako, patay. Pakikamusta mo na lang ako kina tita Lav ha at pakibigay nito kay Ame" inabot sakin ni kuya ang isang paper bag na naglalaman ng hello kitty stuffs sabay kiniss nya ang ulo ko at umalis na. napabuntong hininga na lang ako.
Kinuha ko ang kalendaryo sa tabi ng side table ko.
6 days na lang MIBF, wala padin akong pera. May libro nga ako, di ko naman ata mapapasign kay fres. Wala kasi akong pamasahe, wala din akong pangkain pag nagpunta dun. Napabuntong hininga ulit ako.
AT humiga para mag isip kung pano ba magkakapera.
Ako to si Leibniz Nutella C. Almario, Pinaglihi ako sa Nutella kaya yun ang pinangalan sakin, isa pa N din kasi ang simula ng pangalan ni mommy, Natalia naman sya. Ang Leibniz naman dahil sa Daddy ko, nung pinanganak daw ako, at tumawag si mommy kay daddy para ipaalam na ipinanganak ako, ang pangalan daw ng barko nila ay Leibniz. 16 years old na ako. 10 years ng kasama ang pamilya ng second wife ni daddy, 10 years na din akong nagiging alila. Kung pwede ko lang talaga sabihin kay kuya ang lahat ng hirap ko, nasabi ko na. Pero kung sasabihin ko naman sa kanya sure na kukunin nya ko dito, at dadlhin sa puder ng mga tita ko which is ayoko kasi ipararamdam lang nila sakin ang sakit. Kung sabihin ko namn kay daddy sure na ang paniniwalaan nya si tita at lalabas na ako ang kontra bida, hay.Napabuntong hininga nalang ulit ako hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pagbigat ng mata ko at nakatulog na ako.