"Ate Nutella, ang galing mo talaga! Wag ka na kayang mag aral magnegosyo ka na lang! Haha" sabi ni Margaux skin
"Naku kung pwede nga lang na wag ng mag aral e. Hehe" sagot ko naman.
"Nga pala Margaux salamat ng madami ha, ang dami mong Napa order o. Naka gana ako ng 1000 minus na yung pinangpuhunan ko! At dahil dyan eto ang reward mo!" Sabay abot ko sa kanya ng 3 klase ng libro ni Fres at may kasama pang 50 pesos . Yung photocopy lang ha, hindi yung mismong book.
"Wow, thanks ate Nutella! Diba 2 books lang naman dapat.?" Tanong nya sakin.
"Dapat yun. Pero ang dami mo kayang napaorder! Salamt talaga ng madami sayo! Basta babalitaan kita bukas. Kung anong mangyayari!" Sagot ko sa kanya
"Sige po bye ate Nutella. Kuya Jeramie at ate Ara" sabi nya habang papasok na ng gate ng campus nila.
Kami naman ay lumalakad na pasakay ng kotse ni Ara. Okay na kasi ang kotse nya at 2 days passed na din mula nung huling punta namin dito para sabihin ang mabuting balita
"Nutella, anong balak mo sa 1000 na yan ngayon?" Tanong ni Ara sakin.
"Bibili ako ng panregalo Kay Fres kaya Tara sa Mall!" Masayang sabi ko sa kanila.
"Libre mo ba kami ng makakain?" Tanong namn ni Jeramie.
"Hoy! Anu kayo, may mga pera na kaya kayo! KKB!" Protesta ko sa libreng usapan.
"Andaya naman Nutella o! Kami kasama mo sa araw araw pero wala man lang kaming reward? Sayang gasolina ng kotse ko!" Sabi naman ni Ara habang nagda drive.
"Oo nga. May atraso ka pa nga sakin e. Baka nakakalimutan mo namaga ang paa ko dahil sa heels mo!" Sabi naman ni Jeramie. Totoo talaga namaga pa yung paa nya nung tinungtungan ko nung isang araw. Alala nyo pa ba?
"Pag dumating na lang sa linggo si Kuya Nathan ko kayo ililibre, pwede ba?" At nagningning ang mata ni Ara. Crush kasi nyan ang kuya ko.
"Pwedeng pwede. Kahit sya pa kainin ko! Rawr!" Sabi naman ni Ara.
"Anong kuya ko kainin mo, ni hindi ka nga makaimik pag nandyan na si kuya e" sabi ko naman.
"E basta! Wala ng bawian yun, isasama mo ko sa linggo sa date nyo ng kuya mo!" Sagot naman nya.
"Anong kayo lang? Sasama din ako!" Sabi naman ni Jeramie
"O bakit nabakla ka na ba Kay kuya?"pang aasar ko.
"Amputspa! Di no! Magpapalibre lang ako saka isusumbong ko ginagawa ng pamilya ng Lavander na yun!" Sagot ni Jeramie.
"Hay nako, yan na naman ba? Sumbungan na naman alam nyo namang kahit gustuhin Kong magsumbong komplikado ang kalalabasan." Sabi ko ng malungkot, naalala ko na naman kasi ang sitwasyon.
"Naku wag ka ng malungkot bespren! Basta pag di na talaga namin matiis isusumbong na kita Kay husband-to-be!" Pagcocomfort ni Ara.
"Wow, feel na feel mo namang mapapangasawa mo si Kuya!" Pang aasar ko Kay Ara.
"Grabe ka talagang ka supportive bespren islash sister in law!" Sarcastic na sabi nya
At tumawa lang kami ni Jeramie.
"O sir at ma'am nandito na po tayo, baka po gusto nyo pang bumaba" asar na sabi ni Ara. Sya kasi ang nagdadrive. Kaya para namin syang driver. Haha. Arte kasi ni Jeramie, masakit daw paa nya. D daw nya matutuunan ng ayos yung mga brakes. Ako naman ayaw nila pagdrive'in kasi palaging byaheng langit! Haha.
Pagdating namin sa mall. Madaming tao. Kasi Friday ngayon, madaming estudyante saka pay day ng mga magtatrabaho.
Pumunta kami sa boutique na pag aari ng pinsan ni Jeramie. Tumingin tingin sya ng mga new arrivals na damit ng makakita ako ng simpleng shirt na color blue green. Tiningnan ko ang price nun at tumataginting na 999 pesos lang naman. Pero ang ganda kasi ng tela, saktong kasya Kay Fres, bagay pa ang kulay sa kanya, pero di ko afford.
Lumabas kami ng boutique na yun,
Nagpunta naman kami sa boutique ng kapatid ni Ara. Pero wala dun yung kapatid ni Ara, may pinuntahan daw kaya umalis din agad kami.Napagpasyahan naman naming kumain muna dahil gutom na kami.
Kumain kami sa may foodcourt. Ang yaman yaman ng dalawa kong kasama pero food court lang kami kumakain, astig diba? Pareho kasi silang grounded e!
Umorder kami ng siomai, shawarma, pizza at buko shake. Meryenda lang. After naming kumain, naghanap na ulit kami ng pwedeng pangregalo.
6:30 na dapat before 8 nasa bahay na ako, ang Alam kasi ni tita nasa condo ako ni kuya kaya payag nya ko hanggang 8.
Dumaan kami sa bear cuddler kasi favorite ko talagang makakita ng stufftoys, nakita ko naman yung family na stufftoy, kaya niyakap ko ulit yun. Habang si Ara naman tumitingin tingin din ng stuffs
"Cute ba?" Habang pinakikita sakin ni Jeramie ang kulay pink na teady bear na may nakasulat na Iloveyou.
"Pag sinabi ko bang cute, bibilhin mo para Kay Ara?" Pang aasar ko sa kanya. Kahit magbebestrfriend kaming tatlo palagi kong inaasar si Jeramie Kay Ara. Kasi bagay na bagay sila. Pareho sila ng height na matangkad. Ako pandak! Haha
"Baliw, nagtatanong lang." Sagot naman nya at binitawan na yung teady bear.
"Wala ka pa bang napipili?" Tanong ni Ara
"Wala pa e. Ang sama naman kasi kung teady bear ibibigay ko sa kanya diba?" Sabi ko
"Ikaw ba Jeramie. Anong gusto nyong nireregalo ng babae?" Tanong ko sa kanya
"Pagmamahal" seryosong sagot nya
"Letse! Mahal ko na si Fres. I mean yung material na bagay!" Sabi ko naman.
"Hahahaha. Joke lang! Ikaw talaga!" Sabay tawa niya.
"Tama na po ang harutan, pwede ba?" Sabi naman ni Ara
"Bakit nagseselos ka? Hahaha" pang aasar ko Kay Ara. Nagblush naman sya. Di kaya crush nya din si Jeramie, maliban Kay kuya? Ow may. Smell something fishy!
"Bwisit kayo! Mag aalas 8 na po kasi, Tara naman sa may supermarket may pinabibili lang si mommy na prutas" Sagot naman nya.
Pagdating namin dun may cart din kami kahit maliit. Ng mapadaan ako sa candies section.
Agaw pansin sakin yung mga blue at medyo violet na candy. Tiningnan ko yun at nabitawan ko ng bigla yung plastic.
Panu ba naman ang pangalan nung candy ay Fres may candy palang ganito?
Lumapit yung babaeng nag aasist dun.
"Ma'am available naapo ang candy na Fres na nakalagay sa heart shape na garapon, lahat po ng dedics na nasa likod nito ay I love you" sabi nung babae
Di lang ako makapaniwalang may candy palang ganito? Palibhasa di ako nakakasama pag nag gogrocery sina tita
"Amm Miss, can I get one?" At inabot sakin nung babae yung candy.
Alam ko na ang pang regalo ko ngayon! Kaya ngingiti ngiti akong hinanap sina Ara at Jeramie. Ang dalawa talagang yun, gusto palaging nagsosolo. Hehe, kaya minsan d na ako magtataka pag sinabi nilang sila na pala!
Nakita ko naman si Jeramie na hawak hawak yung Nutella. At nakangiti ng pang asar
"Sarap isipin si Nutella ay kumakain ng nutella. Hahahaha" bully talaga tong si Jeramie. Akala ko magkasama sila ni Ara e.! Ano ba talagang katawatawa sa pangalan ko?
Bigla naman akong nagcrave sa Nutella. Hep! Pinaglihi ako dito kaya favorite ko to.
Inagaw ko sa kanya yung Nutella. At nakita namin si Ara na mukang hinahanap din kami.
Nagpacounter lang kami at umuwi na. Inihatid namn nila ako sa bahay. Past 8 na ng nakadating ako, buti at wala si tita may pinuntahan daw. Naalala ko na naman yung candy sa garapon. FRES
-----
Alam nyo po ba yung candy na fres? Hehe, imagine ko lang po ung garapong heart shape. Baka po mamaya maghanap kayo sa mga pamilihan. Hehe. Pero may dedics talaga yun sa likod. Mga I love you, I miss you at kung ano ano po :)